Aeiou P.O.V.
NAPAMULAT AKO KAY WATER NA INAALOG ALOG AKO NITO.
"Miss kailangan niyo na pong maligo." Sabi naman nito.
"Anong oras na ba?" Tanong ko dito.
"Alas sais na po ng gabi." Ang tagal ko palang natulog. Bumangon na ako at diretso na sa cr. Mukhang masasanay talaga akong may nagpapaligo sa akin ha. Pagkatapos kong maligo at nagbihis ay inayusan ako ni Water pagkatapos ay binigyan niya ulit ako ng mga capsule at linunok ang mga ito kasama ng tubig na iniabot niya sa akin. Ibinalik ko ang baso sa kanya.
"Tumawag na ba si lolo?" Tanong ko kay Water.
"Hindi pa po miss." Sabi naman nito.
"Hindi ba niya nasabi kung kailan ang uwi niya? " Tanong ko .
Umiling naman ito at napanguso naman ako.
"Tara na po miss, naghihintay na sina sir sa silid kainan. Sabi naman nito." Napatango naman ako at tumayo na at pumunta sa silid kainan. Pagpasok ko ay napatingin silang apat sa akin.
"Little princess , kamusta ang pagtotour mo?" Masayang bungad ni Kiel.
Umupo muna ako sa aking upuan bago iyon sinagot.
"Okay naman nakakapagod ." Sabi ko dito .
"Ganun talaga, sa laki ba naman ng mansyon ay sino ang hindi mapapagod? " Sabi nito at tumingala at hinawakan ang baba niya.
"Little princess, nakatulog ka daw sabi ni Water, pinuntahan kaya kita sa kwarto mo. Gusto ko kasing maglaro tayo ng psp , enjoy yun!" Sabi naman ni Bernard kaya napabaling ang tingin ko dito.
"Next time nalang Bernard, napagod lang talaga siguro ako kanina kaya nakatulog." Sabi ko dito.
"Okay, sabi mo yan ha! Wala ng bawian." Masayang saad ni Bernard sa akin. Napangiti naman ako at napatango at nginitian din ako ni Bernard.
"Kumain na tayo." Masungit na sabi ni Jiro kaya napanguso naman ako.
Sungit...
Habang kumakain ay napatingin ako kay Johnathan. Pipi ba ito o dekorasyon lamang?
"Little princess." Tawag sa akin ni Kiel at wala sa sariling tinignan ito.
"Tuloy ka ba bukas sa mga kinilala mong magulang?" Tanong naman ni Kiel.
Tutuloy ba ako bukas?
Tumango ako sa kanya.
"Hindi pwedeng wala kang kasama pag aalis ka ng mansyon kasi delikado sayo na mapag isa lang." Sabi nito.
"Bakit?" Takang tanong ko.
"Kabilin bilinan ni Emp na kung aalis ka ay kasama mo dapat si Jiro kahit saan ka magpunta." Sabi naman ni Bernard.
"Ha?" Naguguluhan naman ako sa mga sinasabi nila.
"Ikaw ang apo ni Emp kaya lapitin ka ng masasamang tao. Marami ang gustong magpabagsak sa kumpanya lalo na kay EMP." Sabi naman ni Kiel.
"Kaya ba ako kinuha sa mga totoo kong magulang?" Tanong ko dito. At ang dalawa naman ay tumango.
" Kaya mag iingat ka." Sabi ni Kiel.
"Pero bakit si Jiro ang kailangang sumama sa akin?" Takang tanong ko sa kanila.
Napatikhim naman silang lahat maliban kay Jiro na lalo kong ipinagtaka.
"Bakit ? Ayaw mo ba? Huwag kang mag alala at ayaw ko din naman kaso utos ni Emp. Hindi ko pwedeng baliwalain." Sabi naman niya at tinignan ako. Napalunok naman ako sa tingin niya.
BINABASA MO ANG
THE TRUE HEIRS PRINCESS
RomancePAANO KAYA KUNG ANG NAKAMULATAN MONG MUNDO AY HINDI PALA TALAGA SAYO? PAANO KUNG ANG TADHANA MISMO ANG PAGLALARUAN KA? PAANO KA LALABAN AT PAANO MO HAHARAPIN ANG MGA PAGSUBOK MO SA BUHAY? ANG MGA PANGARAP MO NOON AY BIGLA MO NALANG MAKAKAMTAN SA I...