PART 12

6 1 0
                                    

Aeiou P.O.V.

Pagkatapos ng mahabang pag aayos ay napatingin ako sa human size mirror at pinagmasdan ang aking sarili. Ibang iba na ang nakikita kong Mharie sa dating ako. Nag iba din ang pangalan ko na feeling ko ay ibang tao na ako. Masisisi ba ako ng iba kung sasabihin kong namimiss ko ang dating ako? Namimiss ko si Mharie na happy go lucky.

Muli ay napatingin ako sa repleksyon ko sa salamin. Tumaba na nga ako, hindi naman gaano tumaba as in , kaso nagkalaman ako at sobrang puti ko na rin. Sino ba ang hindi puputi kung makakalabas ka lang sa mansyon kapag dadalaw kina mama at papa na may kasama pang chaperone. Tapos dagdagan mo pa ng iniinom kong glutathione at collagen capsule tuwing gabi. Hindi ko na nga makilala ang sarili ko. At inaamin kong nagagandahan ako sa sarili ko ngayon. Ang iksi pa ng palda at naka boots pa ako with takong.

Mga ilang sandali pa nagpasya na akong lumabas ng mansyon at sa aking paglabas ay kita ko ang apat na hinihintay ako at nandon na ang tatlo sa pinakahuling sasakyan. Napatingin ang mga ito sa akin na ikinanganga nila ni Bernard at Kiel. Napaiwas naman ng tingin si Johnathan.

"Malaswa ba ang suot ko?" Tanong ko ngunit mahina lamang ito. Nasa bungad palang ako ng pintuan at sila ay nasa side na ng sasakyan.

"Hindi naman. Maputi ka kasi ." Napatingin naman ako kay Jiro na siyang nagsalita. Medyo namula pa ang pisngi ko sa sinabi niya.

"Tss. Tara na." Sabi nito at lumakad na siya papunta sa sasakyan.

Hinawakan ko naman ang aking pisngi. Kahit masungit ka ay bakit iba ang hatid ng mga salita at kilos mo sa akin?

Sinundan ko naman siya at nadaanan ko ang tatlo.

"You look so beautiful today little princess." Nakangiting sabi ni Kiel na aking ikinangiti.

"S-salamat." Napatingin naman ako sa pabagsak na isinara ni Jiro ang sasakyan ng makapasok ito.

"Anong problema nun?" Tanong ko sa kanila. Nagkibit balikat naman ang dalawa habang si Johnathan naman ay pumasok na ng sasakyan nila.

"Pumasok kana rin little princess at naghihintay na ang principal ng Easton sa pagdating mo ." Sabi ni Bernard.

"Ha? Bakit?" Takang tanong ko.

"Iwewelcome ka lang nila princess .. chill ka lang." Nakangiting sabi ni Kiel at tumango nalang ako kahit naguguluhan sa sinabi niya. Bakit ako lang ang iwewelcome niya?

Pumasok na rin ako sa pangalawang sasakyan na sinakyan ni Jiro. Katulad noon ay may body guard na umalalay sa ulo ko at pinagbuksan ako. Isinara din nito pagkapasok ko. Napatingin naman ako kay Jiro na seryosong nakatingin siya sa labas.

"May problema ba?" Tanong ko dito.

"Wala, atsaka pwede bang huwag mo kong kausapin." Masungit na sabi nito.

"Sungit!" Pabulong kong sabi na naiinis..

"Anong sabi mo?" Ngayon ay napatingin ito sa akin habang nakakunot ang noo.

Sinip ko naman ang bibig ko gamit ang kamay ko para ipaalala sa kanya ang sinabi niya kanina na hindi ko siya kakausapin! Manigas ka dyan!

Napairap naman ito ng ginawa ko iyon! Aba! Bakla ata to e!

Hindi na ito umiimik sa sasakyan at hindi na rin ako umimik. Anong sense na magsayang pa ako ng laway sa baklang sungit na ito!

Mga ilang sandali pa ay narating na namin sa wakas ang garahe ng school. Wow ! Napakasosyal!

Pinagbuksan naman ako ng pintuan ng lalaking mataba na nakakalbo na ang buhok nito sa gitna. Sorry sa pagdedescribe ko ha hihihihi.. Lumabas na ako ng sasakyan at malapad ang ngiti nito sa akin.

THE TRUE HEIRS PRINCESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon