PART 17

2 1 0
                                    

Aeiou P.O.V.

Nakasandal ako sa headboard ng aking higaan at nakangiti lamang na pinagmamasdan si Janna na natutulog pa rin. Nakabuka pa ang kanyang bibig. Naalala ko tuloy na dati ay ako ang nakikitulog sa kanila upang makatabi lamang ito sa kama at pagtulog na ngayon ay siya na. Napakaswerte ko dahil may kaibigan akong tulad niya na hindi ako iniiwan nito sa hirap man o sa ginhawa.

Sunday ngayon at tumayo na ako ng dahan-dahan para hindi magising si Janna. At ng makaalis ako sa kama ay sinenyasan ko sina Water na huwag maingay dahil kapapasok pa lamang ng mga ito at magsasalita na sana si Water. Itinuro ko naman si Janna at nakangiting tumango ito sa akin. Pumasok na ako ng cr at sumunod naman sila. Pagkatapos kong maligo at magbihis ay lumabas na sina Water. Nung lumabas ako ng banyo ay tulog pa din si Janna kaya pumunta muna ako sa sala ng kwarto at kinuha ang cp ko. Inopen ko muna ang wattpad upang ipagpatuloy ang pagbabasa ko sa hindi ko natapos na kwento. Naaaliw na ako sa kwento ng author at nakangiting nagbabasa pa rin ng tahimik.

Napatingin ako ng biglang lumubog ng kaunti ang katabi ko dito sa sofa, nakapikit pa ito at para bang antok na antok pa. E pano ba naman ay alas tres na kami ng madaling araw natapos sa tutoring kuno hihihi.

"Maligo kana dun at ikaw na rin mamili ng susuotin mo Janna. Magkasing size na tayo ngayon , marami akong dress sa dressing room ko at mga bags . Kuha ka nalang ng gusto mo." Sabi ko at ibinalik ang tingin sa cp ko. Napamulagat naman siya at di makapaniwalang napatingin sa akin.

"Talaga?! Mukhang bago yan ha, di kana kuripot hihihi." Sabi nito na ikinangiti ko. Sobra kasi akong kuripot noon.

"Oo nga, at isa pa parang kapatid na turing ko sayo no." Masayang sabi ko. Hinug muna ako nito .

"Yieehhh, wala ng bawian ha!" Pagkatapos ay patakbo siya tinungo ang kwarto ko. Naiiling nalang akong ipinagpatuloy ang pagbabasa.

Habang hinihintay ko si Janna na lumabas ay nag appear naman sa screen ko ang video call ni mama . Tumatawag ito sa messenger. Agad ko naman itong sinagot.

"I missed you ma!" Bungad ko na sagot ng makita ang mukha nito. Napatawa naman siya sa sinabi ko.

"I missed you too baby." Sabi ni mama na napagpangiti sa akin ng Todo.

"Balita ko nandyan si Janna at dyan siya natulog?" Patanong na sabi ni mama.

"Opo ma, pinasundo ko po siya kahapon kay BERNARD." Kilala na nina mama sina Bernard ,Kiel at Johnathan ng minsang sumama sa amin ni Jiro sa pagdalaw namin kina mama. Nung una nag alangan pa ako dahil sa sobrang dami namin ngunit sabi ni Kiel gusto daw nilang makilala ang mga magulang ko kaya sa huli ay napapayag nila akong sumama sila sa amin ni Jiro na lalong ikinatuwa nina mama at papa. Lalo naman ni Angelica na nakipaglaro sa tatlong lalaki. Pero siyempre si Johnathan ay iba ang mundo nun kaya hindi na ako nagtaka nung hindi ito sumama sa pakikipaglaro kay Angelica.

"Mababait naman silang mga bata . Kaya panatag akong iingatan nila kayo. Lalo na si Jiro." Napa samid pa ako ng laway sa sinabi ni mama. Si Jiro? E ilang araw na ata ako nitong iniiwasan. Kahapon nga lang siya nagpakita ulit sa akin at puro cellphone pa siya!

"A, opo." Sabi ko nalang.

"May gusto sana akong sabihin anak kaya napatawag ako sayo." Biglang nag iba naman ang mukha ni mama.

"Ano po yun ma?" Naging seryoso din ang mukha ko ng magseryoso ang mukha ni mama sa screen.

"Anak, kasi, ganito kasi yan.." napakunot ang noo ko sa mga kinikilos ni mama.

"Is there anything wrong ma?" Takang tanong ko.

"Ha?" Hindi maintindihan ni mama ang sinabi ko kaya napabuntong hininga ako. Kinakabahan na ako sa mga kinikilos nito.

"May problema ho ba?" Tanong ko kay mama . Siya naman ay napabuntong hininga.

"Nakiusap kasi ang mama ni Janna na diyan muna daw siya pansamantala." Pag uumpisa ni mama.

"Wala naman pong problema iyon ma." Napangiti kong sabi ngunit parang may gusto pa itong sabihin.

"Katabi mo ba si Janna?" Nag aalalang tanong ni mama.

"Naliligo po siya ma. Bakit po?" Litong tanong ko . Muli ay napabuntong hininga ito.

" Ayos lang po ba kayo ma? " Tanong ko habang tutok sa screen ng cp ko . Naka- loud speaker pa ako ngayon para marinig ng maayos ang sasabihin ni mama.

"Tatapatin na kita anak, malubha na ang sakit ng mama ni Janna. Ilang years din niya itong itinago ng mama niya." Sabi ni mama.

"Ano po?" Di makapaniwalang tanong ko.

"Anak , stage 4 cancer na ang mama niya at nakataning na ito." Napatingin naman ako sa tunog na nabasag na vase at nakita ang pagkabigla ni Janna habang sapo nito ang bibig. Agad kong dinaluhan si Janna at nagsiunahang pumatak ang mga luha nito.

"Nagbibiro lamang po kayo tita di ba?" Biglang kinuha ni Janna ang cp ko habang umiiyak. Nakita kong napailing si mama sa screen na ikinahagulgol naman ni Janna.

"Please tell me na nagbibiro lamang po kayo." Pangungumbinsi ni Janna. Muli ay napailing si mama.

"I am sorry iha. Iyan ang sabi ng mama mo kahapon ng dumalaw ako sa inyo." Sabi ni mama.

Dali-daling napatingin si Janna sa akin.

"I want to go back home now." Sabi nito habang patuloy pa rin ang pagpatak ng mga luha niya.

"Nasa hospital ang mama mo ngayon iha, dinala ko siya kagabi dahil nawalan ito ng malay. Pauwi na sana ako---" hindi natuloy ang sasabihin ni mama.

"Saan pong hospital tita?" Kita sa mga mata nito ang labis na pag aalala kay tita. Nag aalala na din ako.

Nang sinabi ni mama ang pangalan ng hospital ay agad kaming sumakay ng sasakyan kasama ang apat . Nagtataka man ang apat na lalaki ay hindi na sila nagtanong pa. Sinabi ko lang kanina na pupunta kami ng hospital kaya nagpresinta silang sumama. Kahit labag man sa loob kong isama sila ay wala na rin akong nagawa.

Pagpasok namin sa hospital ay tumatakbong tinahak namin ang second floor at pununta sa information desk ng hospital.

"Martina Monteverde po." Balisang sabi ni Janna. Hinawakan ko naman ang kamay niya.

"Tabi ng ER ang room ng mga patients na may cancer ma'am." Tumango kami at naglakad na sa room ni tita.

Abala ang mga nurse at doctor ng makarating kami sa tapat ng room nina tita. Pasok labas ang mga nurse habang ang apat na doctor na ang naabutan naming pumasok.

Anong nangyayari? Lalong lumakas ang kabog sa aking dibdib...

Itutuloy....

THE TRUE HEIRS PRINCESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon