PART 20

5 0 0
                                    

AEIOU P.O.V.

Nakaupo ako ngayon sa harap ng salamin habang abala sa pag aayos sa akin sina Water at ang make up artist na talagang pinapunta pa dito ni lolo. Balita ko nasa Paris ito kahapon at sinundo pa siya ng private plane ni lolo upang ayusan lang ako ngayong araw ng kaarawan ko.

"Ang puti mo naman at ang kinis ng balat mo iha." Napangiti naman ako sa harap ng salamin.

"Maraming salamat po." Sabi ko.

"Sa wakas at nakita na rin kita. Alam mo ba na ang tagal kang hinanap ni Emp. Kaibigan ni Emp ang lolo ko kaya close na close ang pamilya namin sa pamilya ninyo." Masayang kwento nito.

"Talaga po? Nakita niyo na po ba ang mga magulang ko?" Tanong ko sa kanya.

"A, oo . Matalik na magkaibigan kami ni Rose at ang papa mo naman ay kaklase ko noong high school and college." Bigla naman lumiwanag ang mukha ko habang nakikinig sa kwento niya.

"Talaga po?!" Di ko makapaniwalang tanong habang nakangiti. Nakita ko naman ang repleksyon niya sa salamin na nakangiti ito at tumatango.

"My name is Erien Castillo. Sa totoo niyan nagkagusto ako sa mama mo noon, at alam mo ba na kamukhang kamukha mo ang iyong ina. Parang pinagbiyak na bunga. Ganyan na ganyan ang mukha ng iyong ina noong dalaga pa ito hanggang naipanganak ka niya." Bigla akong natigilan sa sinabi ni mister Erien.

"Mister---"

"Call me tito iha.'' nakangiting sabi niya at pinaharap niya ako sa kanya. Inikot nito ang upuan ko upang mamake up-an na ako. Kakatapos palang kasi nitong ayusan ang buhok kong kumikinang na ngayon. Kasing kinang ng gown ko na gawa sa purong ginto na pinasadya pa ni lolo.

"Tito." Lumapad naman ang ngiti ni tito Erien sa akin.

"That's it iha! Alam mo bang nangako ako sa mama mo na aalagaan kita noong panahon ng burol nila." Biglang lumungkot ang mukha nito at napahawak ako sa kamay ni tito at nginitian ko ito.

"Kung hindi ko lang alam na anak ka ni Rose baka mapagkamalan kitang siya." Suminghot ito at di nakatakas ang luha nito sa kanyang pisngi. Dahilan upang pamisil ko ang kanyang isang kamay na hawak ko. Ngumiti naman ito ng napakatamis sa akin.

" Sorry iha. Namimiss ko lang ang iyong ina." Napangiti naman ako sa kanya at tumango.

"Okay lang po yun tito. Gusto ko pong malaman ang lahat tungkol kay mama at papa." Sabi ko dito. Napatingin naman siya sa orasan habang pinupunasan ang mga luha nito. Napatingin naman ako kay Water na tahimik lang na nakikinig sa amin ni tito.

Nakalugay pala ang aking buhok na pinakulot bandang ilalim at naglagay si tito ng mga kumikinang na mga alahas at iba pa sa aking buhok dahilan upang sobrang maging maganda ang aking buhok.

"Sa susunod na pagkikita natin iha, ikukwento ko sayo lahat. Oras na kasi at malapit ng mag umpisa ang iyong enggrandeng debut.

Napatawa naman ako ng mahina sa inasta ni tito. Iwinasiwas pa kasi nito ang mga kamay sa ere habang sinasabi ito. Muli ay tumango ako at nagpatuloy na siya sa paglalagay ng kolorete sa aking mukha.

Lumipas ang 30 mins at natapos na si tito. Napapalakpak pa ito habang tinignan ako.

"Napakandang bata!" Masayang sabi ni Water.

"True! Pamangkin ko kaya yan!" Sang-ayon naman ni tito Erien.

Tumingin ako sa orasan na nakasabit at kinabahan ako.

Ala sais na ng gabi! Nagsisimula na sigurado ang party niya na pinaghandaan talaga.

"Are you ready?" Napalunok ako sa tanong ni tito.

"Don't be nervous. It will be going to be fun!" Masayang sabi nito . Alinlangan naman akong ngumiti kay tito Erien.

Hinawakan nito ang aking kamay at itinayo. Tinulungan naman ako ni Water na isuot ang gown ko sa cr. Nang matapos ay lumabas ako. Laking ngiti sa labi nito ng makita ang aking kabuuan.

"Siguradong pagkatapos ng gabing ito ay marami ka nang manliligaw!" Sabi nito at napapalakpak ulit ito. Ngumiti naman ako ng nahihiya kay tito.

"Don't be shy. You're beautiful!" Sabi nito at kinuha ang aking isang kamay yumuko ito at kinuha ang kumikinang kong high heels at isinuot nito sa akin. Napahawak pa ako kay Water upang mabalanse ang aking katawan, at ng matapos nitong isuot sa akin ay tumayo ito. Gwapo din naman si tito Erien kahit medyo may edad na ito.

(A/n: Imagine-in nalang natin ang hitsura ni Aeyu guys pasensya na hindi ako makakapagbigay ng picture example.)

Iginaya na ako ni tito palabas habang hawak nito ang aking kamay. Naka pang amerikana si tito na kulay gray at talagang nababagay sa kanya ang suot nito dahil sa sobrang gwapo nito.

Naglakad na kami papunta sa party hall sa first floor. Huminto muna kami sa second floor at sumilip sa mga bisita sa baba. Napalunok ako ng makita na sobrang daming tao sa baba at halatang napakayaman ng mga ito. Nakita ko rin sina mama,papa , Angelica at Janna na sobrang classy ng mga suot ng mga ito. Tila ay naluluha na akong tumingin sa mga ito dahil ni sa panaginip ay hindi ko ineexpect na mangyayari ito sa totoong buhay!

"Sayang ang make up." Napangiti naman akong napatingin sa gawi ni ito at inilalayan ako tumayo ng tuwid. Pinunasan ko naman ang paparating na patak ng luha sa aking mata. At bago pa ito tumulo ay dahan-dahang pinunasan ko ito upang hindi magulo ang aking make-up.

"Ladies and gentlemen, thank you so much for coming to this party of my precious grand daughter. 16 years! Sixteen long years have been passed ng siyang nawalay sa amin and I would never gave up for finding her. She's the only one na naiwan sa akin ng aking manugang at nang aking anak. I love her so much! I am willing to give her the whole world!  Please welcome PRINCESS AEIOU DEL ROSARIO!!!" Rinig kong sabi ni lolo at garalgal ang boses nito.

Inilahad naman niya ang kamay niya sa ere upang mapunta sa akin ang mga lights. Lahat ng tao ay nagpalakpakan.

Itutuloy..

Sorry for the short update.. I'd like to thanks sa sissy ko na ginawa pa ang cover na to .. thank you so much 💖😘

THE TRUE HEIRS PRINCESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon