PART 1

53 2 0
                                    

MHARIE P.O.V.

Nagising akong basang-basa sa aking higaan at napabangon ako dahil sa lamig na aking naramdaman.

"Mabuti naman at gising kana ngayon. Oras na ng iyong pagbangon dahil malilate ka na sa school Mharie." Mahinahon na sabi ni mama sa akin.

"Ma naman , bakit niyo po ako binuhusan ng malamig na tubig?" Dabog na tanong ko.

"Ikaw na bata ka, kanina kapa namin ginigising ng iyong ama, ngunit tulog mantika ka, yan tuloy at umalis na ang iyong ama papunta sa trabaho nito. Sabi naman ni mama. Napakamot naman ako sa aking ulo at linapitan si mama.

"Ma na sorry po." Malambing na sabi ko kay mama. Napatango naman si mama at napangiti sa akin.

"O sha at maligo ka muna papalitan ko lang ang kumot at punda ng iyong unan. Ibibilad ko rin mamaya ang banig at unan mo para agad matuyo." Napatango naman ako kay mama at dali-daling nagtungo na ng banyo.

Pagkatapos kong naligo ay lumabas na ako ng banyo at kinuha ang suklay . Habang sinusuklayan ko ang aking buhok ay napatingin ako sa aking maliit na kwarto. Apartment lamang ito na napakaliit at sira-sira na ngunit masaya akong manirahan dito kasama ng aking mga magulang. Dito na rin ako lumaki at nagkaisip.

"Anak! Bilisan mo na dyan!" Rinig kong sabi ni mama. Napangiti naman ako at humarap sa salamin. Pagkatapos ay napagpasyahan kong lumabas na ng aking kwarto.

"Ma, kumain po ba si papa?" Tanong ko dito habang umuupo ako ng upuan na sira na.

"Dahan-dahan ka sa pag upo nak baka matumba ka." Alalang sabi ni mama. Lumapad naman ang aking ngiti sa kanya.

"Opo ma." Sabi ko kay mama at umupo na.

Pinagmasdan ko ang pagkain namin ni mama.

"Mukhang masarap ang ulam natin ngayon ma." Napangiti naman ito sa sinabi ko.

"Oo anak, pinapasok kasi ako kahapon ni manang Marta sa karendirya niya kaya bilang sahod ay binigyan niya tayo ng tatlong ulam ngayon. Kaaalis lang ni manang Marta." Napatango naman ako sa sinabi ni mama. Hindi naman kasi kami mayaman o may kaya sa buhay. Isang simpleng mamamayan lamang kami at nabubuhay sa sipag at tiyaga namin. Hindi rin kasi nakatapos ng elementary si mama at si papa naman ay high school lang ang natapos dahil na rin sa hirap ng buhay nila noon.

Kaya ako nangangarap na maiahon sila sa kahirapan.

Sumubo ako ng kanin at ulam na ibinigay ni mama at nakangiti ko itong tinignan.

"Ang sarap po ma!" Masayang sabi ko dito.

"Salamat naman at nagustuhan mo anak. Ipagtira mo ang tatay mo ha. Hindi pa kasi yun kumakain. Pupunta ako mamaya sa palengke at ihahatiran ko siya ng makakain." Napatango naman ako sa sinabi ni mama at kumain na.

Kargador sa palengke si papa. Yun lang kasi ang tumanggap sa kanya sa trabaho. Kinakaya ni papa magbuhat ng mabibigat upang pag aralan ako sa isang pampublikong paaralan. Gusto nilang makapagtapos ako ng pag aaral. Ayaw daw nilang matulad ako sa kanila. Para din daw iyon sa kinabukasan ko. Naiintindihan ko naman sila ngunit minsan naaawa na rin ako sa kanila dahil halos wala na silang pahinga.

Sa katunayan ay may trabaho ako. Working students, pag vacant ko ay nagbabantay ako sa library. Sayang din kasi pampabawas pa yun ng tuition ko kaya ginrab ko na. At pagkatapos ng klase ay diretso ako sa isang branch kung saan pang night shift ako. Masaya naman ako sa ginagawa ko dahil dito ako kumukuha ng baon minsan. At madalas dito ko nakukuha ang ipon ko pambayad sa mga school projects. Uuwi naman ako nun pagkatapos ng trabaho ay alas dos na ng madaling araw.

Ang mga assignments ko naman o proyekto ay ginagawa ko na sa library dahil minsan wala naman akong magawa sa library. Hindi dapat inaaksaya ang oras at panahon. Kailangang kumayod.

Nang matapos akong kumain ay tumayo na ako sa aking kinauupuan at napatingin kay mama.

"Mama, aalis na po ako." Sabi ko kay mama at kinuha ang bag na nasa ibaba ng aking upuan kanina. Patakbo kong tinahak ang labas ng pinto.

"Mag iingat ka!" Rinig kong sabi ni mama sa loob ng aming munting tahanan.

"Opo." Sigaw ko at patakbong tinahak ang daan papuntang school.

Hindi naman kalayuan ang school sa aming bahay kaya ayos lang na maglakad ako.

Nang makarating ako sa aking silid aralan ay nakita ko si Janna na hinihintay ako nito. Katabi ko siya at fourth year high school na kami. Patapos na kami ng high school at march 1 na, ngayong march 21 ay graduation na namin.

Agad akong umupo sa upuan ko.

"Mharie alam mo ba na may raket ako sa bakasyon." Masayang sabi nito na ikinalingon ko naman sa kanya.

"Anong raket naman yan?" Tanong ko dito.

"May isa kasing kumpanya na maghahanap ng mag partime job , at magbibigay lamang tayo ng fliers sa kalsada. At maswerte akong napili sa kumpanyang iyon. Doon kasi nagtatrabaho si tito kaya rinequest ako nito. Pinapahanap naman nila ako ng isa pang kasamahan. Ikaw ang naisip ko dahil alam ko naman ang sitwasyon ng pamilya niyo. Malaking tulong na rin iyon sa inyo at makakasama mo pa ako." Nakangiting sabi nito.

"Magkano naman ang sahod?" Tanong ko dito.

"Kada isang araw ay may 250 pesos tayo. Ano? Gora ka ba?" Tanong nito sa akin.

"250 pesos kada araw? Kung sa isang buwan ay 7500 yun diba?" Di makapaniwalang tanong ko . Dun kasi sa branch na pinagtatrabahuan ko ay 100 per day lang ako.

Tumango-tango naman ito sa sinabi ko. Muli ay napangiti ako.

"Kung hindi ako gagastos ng dalawang buwan ay mayroon na akong pang tuition non sa aking first sem sa school na papasukan natin. At hindi na gaanong mahihirapan sina mama at papa kakahanap ng pera." Masayang sabi ko naman sa kanya.

"Tama!" Sabi naman nito .

"Sige go ako dyan. Sayang din ang 15k sa dalawang buwan na pagtatrabaho natin. Teka, kailan ba tayo magsisimula?" Tanong ko sa kanya.

"Magsisimula tayo pagkatapos nating makagraduate. 2 days lang nun ay mag uumpisa na tayo. Tapos after non pag wala tayong absent kahit isang araw man lang ay may another 500 pesos tayo sa isang month " masayang pahayag nito. Lalo tuloy akong naging excited sa sinabi niya.

Napatingin naman kami sa teacher na dumating sa aming paaralan.

"Mga bata magready na kayo upang makapag practice na tayo sa gaganaping graduation niyo." Sabi ng teacher namin at tumayo kaming lahat at masayang pumunta ng covered court upang doon magpractice.

Itutuloy...

Yehey! This is my second story!
At sana please support my first story THE LIVING GODDESS! COMPLETED NA PO SIYA❤️

Please share , comments and vote guys! Labya❤️❤️❤️

THE TRUE HEIRS PRINCESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon