PART 6

14 1 0
                                    

AEIOU P.O.V.

Habang naglalakad ako papasok kung saan kami kumain kagabi ay napansin ko ang apat na lalaki na natahimik naman sa pag-uusap at sabay-sabay silang sumubo ng ham. Ngumiti naman sa akin si Kiel at alanganing napangiti din.

Umupo na ako ng sa aking pwesto at linagyan ko na ng pagkain ang aking plato.

"Good morning Princess ." Sabi ni Kiel.

"G-good morning." Nahihiyang sabi ko at hiniwa ang itlog sa aking plato.

"Ang galing talaga ni Emp , kahapon ka lang nakapunta dito ay medyo pumuti ka agad." Sabi naman ni Bernard. Napangiwi naman ako sa sinabi niya. Kung alam mo lang kung anong pinagdadaanan ko sa kamay ni Water..

Muli ay sumubo ako.

Napatingin naman kami kay Jiro na tumayo.

"Tapos kanang kumain?" Tanong ni Bernard kay Jiro.

"May gagawin pa ako." Sabi naman ni Jiro.

Tumingin naman ito sakin. At ako naman ay ngumunguya pa.

"Aeiou (A-YU) pagkatapos mong kumain ay pumunta ka sa aking silid upang maipasyal na kita sa buong mansyon." Sabi naman ni Jiro sa akin.

"S-sa iyong silid?" Tanong ko dito. Tumango naman siya sa tanong ko.

"Bakit? Natatakot ka ba?" Tanong ni Jiro na ikinalaki ng mga mata ko.

Ako? Matatakot? C'mon!

"H-hindi no." Utal na sabi ko. Bakit ako nauutal??? 

Ang tatlo naman ay hindi alam kung kanino titingin . Kung sa akin ba o kay Jiro.

Walang pasabi ay naglakad na si Jiro palabas ng silid kainan. Sinundan ko naman ng tingin si Jiro hanggang sa mawala na ito sa aking paningin.

"Pagpasensyahan mo na si Jiro ha, ganyan talaga yun ." Sabi ni Kiel. Ngumiti naman ako sa kanya.

"Masasanay din siguro ako." Sabi ko at ipinagpatuloy ang pagkain.

Nang matapos silang kumain ay nagpaalam na si Kiel at Bernard sa akin na aalis habang si Johnathan naman ay umalis din ng walang pasabi.

Ano kayang problema ng mga lalaking ito?

"Kumain po kayo ng marami miss AYU. Kailangan daw pong medyo may laman na kayo pagdating ni Emp. Lalo na at sobrang payat mo na." sabi ni Water. Napangiti naman ako sa kanya at kumuha ng panibagong pagkain at inilagay sa aking plato at sumubo ulit.

Bahala kang maghintay Mister Jiro, kakain ako ng marami at babagalan ko ang pagkain upang hindi kita agad makaharap! Hmp!

Sabi ko naman sa aking sarili habang pangiti-ngiti pa.

Napansin naman ako ni Water na nakangiti sa harapan ng pagkain.

"May problema po ba miss?" Takang tanong nito at tinignan ang pagkain ko. Umiling naman ako sa sinabi niya.

"Masarap lang." Sabi ko dito at sumubo ulit.

Mga ilang sandali lang ay napagpasyahan kong tumayo na. Busog na busog ako! Feeling ko ay puputok na ang aking tiyan. Ngunit pinilit ko pa rin maglakad at diretso ako sa aking kwarto.

"Miss!" Habol sa akin ni Water.

"Saan po kayo pupunta? Hinihintay po kayo ni sir Jiro." Habang sinasabayan ako nito sa pagtakbo papunta sa aking kwarto. Bakit ba kasi ang layo ng kwarto ko?! Kailangan ko pa tuloy tumakbo. Nabigla nalang ako at bigla akong huminto sa pagtakbo ng harangan ako ni Water. Napaawang ang aking bibig .

THE TRUE HEIRS PRINCESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon