PART 5

14 2 0
                                    

MHARIE P.O.V.

"PRINCESS AEIOU (A-YU) DEL ROSARIO. IYAN ANG TOTOO MONG PANGALAN." SABI NI EMP.

Nandito kami ngayon sa napakalaking mesa at anim lamang kaming kumakain doon. Dalawa sa left mahabang part na si Bernard at Jiro at sa right naman ay sina Kiel at Johnathan na tahimik na kumain habang kami ni emp ay nasa gilid  nasa unahan ito at nasa likod ako gets? Parang family dinner ganun sa mga mayayaman . Hirap iexplain hihihi. Tapos ang mga maids ay nakahilera sa bawat sides na nakatingin lamang sa amin at may mga nagseserves din. Nasa gilid naman ni Emp si Jeorge na nakangiti.

"Ganito po ba dito? Ang lalayo natin sa isa't isa?" Tanong kong sigaw.

Tumawa naman si Emp at si Jeorge.

Anong nakakatawa sa sinabi ko?

"Miss Aeiou (A-YU) ganyan po talaga. Masasanay din po kayo. "  sigaw naman ni Jeorge.

"Mharie nalang po, mas nasanay na po akong Mharie ang pangalan." Sigaw na sabi ko. Ngumiti naman si Jeorge at napasimangot si Emp.

"Ang totoo mong pangalan ang babanggitin namin! Magmula ngayon ay kasama mo na ang totoo mong pamilya. Nasanay ka man na tawag sayo ay Mharie, hindi mo pa rin iyon totoong pangalan! Napaayos ko na ang mga school records mo at ang totoo mong pangalan ang ipinalagay ko doon. Dahil yun ang nararapat. Ang nakaisip ng iyong pangalan ay ang iyong ina. Wala ka ng magagawa pa Aeiou( A-YU )." Sabi naman ni Emp.

Napalabi naman ako sa nalaman ko. Ang bilis naman ata nilang naasikaso? Sabagay, sino ang makakatanggi sa pinakamayan sa buong Asia na si Emp?

"Kumain na natayo." Sabi ni Emp at kumain na kami. Noong una nagulat pa ako dahil parang pista ng bayan ang mga inihandang pagkain. Ngunit hindi na ako nagreact pa dahil mayaman sila. Mayaman si Emp, sino bang makakapag akalang ang isang tulad ko ang nawawalang apo ng isang napakayaman na matandang lalaki?

Nang matapos akong kumain ay tumayo na ako dahil kami nalang dalawa ni Emp ang naiwan dahil umalis na ang apat. Lumapit naman ang mga maid at kanya kanya silang bigay ng towel at tubig na paghuhugasan ng kamay .

Naghugas muna ako ng kamay at pagkatapos ay kinuha ang towel. Ganun din ang ginawa ni Emp.

"Matulog kana apo. Bukas ay ipapasyal ka ni Jiro sa buong mansyon." Sabi nito.

"Good night po." Sabi ko sa kanya at tumalikod na.

"Good night apo." Rinig kong sabi ni Emp.

Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang tignan ang mga maids na naglilinis sa paligid ng dinadaanan ko. Ang iba naman ay may bitbit na kanya kanyang vase at ang iba naman ay ang mga lalaking may bitbit na figurines.

Gabi na ngunit puspusan pa rin sila sa trabaho? Napatigil naman ako sa paglalakad.

"Bilisan niyo na po at gabi na. Magpahinga na po kayo pagkatapos diyan." Sabi ko sa kanila." Nagbow naman sila sa akin at ipinagpatuloy ang kanilang ginagawa.

Ganito ba talaga dito? Pinapalitan nila ang mga vase ng figurines sa daanan nitong mansyon?

Lumakad na ako at tinungo ang aking kwarto. Kinuha ko naman ang cellphone at dinial ang number ni mama.

Tatlong ring lang ito at sinagot na ni mama ang tawag. Sinara ko muna ang pinto at tinungo ang kwarto ko. Napahiga naman ako sa sobrang lambot na kama. Sarap sa pakiramdam.

"Hello anak?" Narinig kong sabi ni mama sa kabilang linya.

"Hello po ma, kumusta na po kayo? Miss ko na po kayo." Sabi ko dito.

"Miss kana rin namin ng papa mo nak, alam mo anak hindi ka makakapaniwala sa ibinigay sa amin ng iyong lolo, napakalaking bahay! Doble ang bahay nina Janna sa bahay na ibinigay ng lolo mo! Binigyan pa kami ng papa ng sampung milyon para daw sa pagpapasalamat niya at binuhay ka namin at inalagaan. Mharie anak, ay hindi pala Mharie, A-YU pala." Sabi nito.

THE TRUE HEIRS PRINCESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon