PART 10

7 1 0
                                    

Aeiou P.O.V.

Nagdaan ang mga araw at linggo ngunit hindi pa rin bumabalik si Emp. Marami pa daw siyang kailangang asikasuhin ng biglaan. Samantalang, tambak homework din ako dahil pinapatutor pa ako pagsapit ng alas tres hanggang ala sais ng hapon. Everyday ay ganun ang ginagawa ko.

At kung akala niyong nagbago na ang pakikitungo ni Jiro sa akin ay nagkakamali kayo. Masungit pa rin sa akin ang isang yun. Bumabait lang siya pag umuuwi kami kina mama at papa. Agad naman nakapagpalagayan ng loob ni Jiro si Angela na kuya na rin ang tawag nito sa kanya.

Nandito pala ako sa mini office ko tabi ng aking kwarto. Nasalo ang isa kong kamay sa baba ko habang hawak ko ang isang ballpen. Pinagmamasdan ko ang gabundok na paperworks ko. Muli ay napabuntong hininga ako matapos ng ilang buntong hininga ko kanina.

Itinuon ko ang atensyon ko sa mga sinasagutan ko. Kailangan ko daw kasi ito bilang entrepreneur na aking kukunin. Nakapalakip na rin daw dito ang Business Administration at Accounting na lalong nagpagulo sa utak ko.

Ang bilis ng panahon. Next month ay first year college na ako. Muli, ay binasa ako ang isang librong nakapatong sa mga paperworks.

Kiel P.O.V.

"Busy ata ang little princess natin?" Tanong ko kay Jiro habang tumitira ng golf ball. Nag gogolf kasi kami ngayon kasama ang dalawa pa.

"Hayaan mo siyang mag sacrifice. Pinili niya yan e." Sabi ni Jiro.

"Nakita ko nga siya kanina na balisa sa pagsagot ng mga paperworks." Sabi ni Bernard na siya ang susunod na titira.

"Ang mga babae ay sakit ulo lang ang mga yan." Sabi ni Johnathan.

"Woman haters ka talaga." Natatawang sabi ni Bernard.

"Alam ko lang na hindi dapat pag aksayahin ng panahon ang mga babae." Sabi ni Johnathan.

"Bakit nga ba ang ilap mo sa mga babae?" Napatigil sa pagtira si Bernard ng itinanong ko iyon at napatingin siya kay Johnathan.

"Pag mas lalo mong pinakita sa babae na importante siya sayo doon siya mas lalong magiging pakipot. Hanggang papaasahin ka Lang nito tapos malalaman mo nalang na iiwanan ka pala sa ere." Sabi nito habang nakatingin sa ere.

"May hindi ba kami alam?" Takang tanong ni Jiro.

" Wala, at kung meron man ay hindi ko sasabihin." Sabi nito at iniwan kaming nakatingin sa likuran niya papalayo. Nagkatinginan naman kaming tatlo.

Napatingin naman ako sa cp ko at napangiti ako ng may tumatawag.

"Sasagutin ko lang ." Sabi ko sa dalawa na ikinatango nila.

Lumayo ako sa kanila at sinagot ang tawag.

"Hello bhabe. Tonight? Yes I'm free .. See you.." pagkatapos ay binaba ko na ang tawag . Lalong lumawak ang ngiti ko ng may panibagong number ang nag appear at sinagot ko ito.

"Hi love, tomorrow? Tignan ko muna schedule ko ha. Bye" binaba ko naman ang tawag at lumapit na sa kanila.

"Hindi ka ba nagsasawa sa pagka playboy mo Kiel?" Tanong ni Bernard at liningon ko naman ito habang nakangiti.

"Masarap kayang magkaroon ng napakaraming girlfriends na walang commitments hanggang s*x lang. " Sabi ko naman dito . Napailing naman silang dalawa.

"Be careful bro baka matyempuhan ka at magkacommitments ka na wala sa oras ." Paalala ni Jiro.

"Thanks for your concern mr. Jiro ." Nakangiti kong sabi at umalis na sa lugar na iyon.

Aeiou P.O.V.

Napaunat ako dahil sumasakit na ang batok ko. Sa wakas ay nakakalahati ko na din ang paperworks na ito.

Napatingin ako sa orasan at alas dos na ng hapon. Ganun naba ako katagal sumasagot ng paperworks? Isang oras nalang at darating na ang tatlong tutor ko at for sure ay tatambakan nanaman ako ng mga ito. Ganito ba kahirap maging apo ng pinakamayaman sa buong Asia? Mabilis naman akong matuto at nasa honor naman ako lagi. Ngunit parang sobra naman ata tong mga papel na ibinigay sa akin. Feeling ko di ko to matatapos ng isang oras nalang.

Binasa ko ulit ang libro at sinagutan ang iba pang mga tanong.

Nang matapos ang isang oras ay napaangat ang aking tingin at nakita si Water na nakangiti sa aking harapan.

"Miss Aeiou (A-YU) nasa conference room na po ang mga nagtuturo sa inyo. " Nakangiting sabi nito.

Tumayo ako at pumunta ng conference room.

Nang makapasok ako ay naabutan ko si miss Min. Ang etiquette teacher ko na nakangiti sa akin.

"Hi miss Aeiou (A-YU). Today ay ako muna ang magtuturo sayo dahil naka off ang dalawang teacher mo." Tumango naman ako sa sinabi niya. Mabuti naman at hindi ako gaanong mahihirapan ngayon.

Nagsimula na ang klase at tinuruan ako nito kung paano ibalanse ang aking paglakad habang naka heels at nakapatong ang apat na libro sa aking ulo. Noong una ay nahuhulog pa ang apat na libro sa aking ulo kapag humahakbang ako ngunit matyaga din magturo si miss Min at nagtyaga din ako hanggang sa nakuha ko na! Naglulundag pa ako sa saya ng walang librong nahulog at maayos na ang balanse ko sa aking paglalakad. Ilang ulit pa niya akong pinalakad hanggang sa makuha ko na ng buo at maayos . Nagpasalamat muna ako at nagpaalam na din siyang umalis.

Agad  natapos ang klase namin na aking lubos na ikinatuwa at diretso office ko nanaman ako.

Napatingin ako sa paperworks at napangiti ng makitang one fourth nalang ang natitira. Agad akong umupo at katulad din kanina ay maraming pagkain ang nakahanda sa side table ko kaya hindi na ako mag aabalang pumunta sa silid kainan dahil may foods na ako dito.

Muli ay sinagutan ko iyon at pinag aralang maigi.

Nang matapos ko ay tinignan ko ang aking watch. Alas dose na pala ng gabi. Tumayo na ako at nagtungo sa aking kwarto. Sinilip ko ang paligid.

Himala at hindi nagpunta si Water ngayon upang i half bath ako. Nagkibit balikat naman ako at tinungo ang cr. Nag half bath ako at pagkatapos ay kinuha ko ang pantulog na nasa dressing room ko mismo at isinuot yon di na ako nag undies at hininaan ko nalang ang aircon ng kwarto ko pagkatapos ay humiga na ako ng maayos sa aking kama. Ipinikit ko naman ang aking mga mata. Hindi din kasi ako sanay na nakapatay ang ilaw kaya iniwan ko nalang bukas iyon at natulog na.

Itutuloy...

THE TRUE HEIRS PRINCESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon