Chapter 34

344 10 4
                                    

Third Person's POV
5 years ago...


Ilang beses pinigilan ng batang si Sierra ang kanyang ina na hu'wag ng pumunta sa opisina ng kanyang ama sapagkat alam nito na may nangyayaring hindi maganda. Natatakot si Sierra na sabihin sa ina ang kanyang mga natuklasan, dahil para sa kanya mahina ang ina sa mga ganintong sitwasyon at ayaw niya itong masaktan.

Ang gusto lamang ni Mia ay sorpresahin ang asawa at mag usap sila tungkol sa mangyayaring kaarawan ng kanilang bunsong anak na si Savana. Hindi maintindihan ni Mia kung bakit pilit siyang pinipigilan ni Sierra na hu'wag na lamang magtungo sa opisina ng asawa. 

Ang pinakamasayang nangyari sa kanya ay no'ong nagsilang siya ng dalawang napakagandang anak matapos silang ikinasal ni Alfonso. Masagana sa kasiyahan ang kanilang pamilya, tila walang bahid ng kalungkutan at pangtataksil ang pamilyang meron sila. Ganito ibahagi ni Mia ang kanilang pamumuhay nung masaya pa sila. 

Makalipas ang ilang taong pagsasama ng mag asawa, tila ba biglang nag iba ang ihip ng hangin ng maramdaman ni Mia ang unti unting pagbabago ng asawa. Hindi na ito gaya ng dati na kahit pagod sa trabaho, ay nagagawa parin nitong yakapin siya. Lingid sa kanyang kaalaman na totoo pala ang kanyang mga hinala na maaaring may iba na itong iniibig. Maganda naman siya, matangos ang kanyang ilong, maliit ang hugis ng kanyang mukha na mas lalong nagpapabata sa kanyang anyo. Mabait at masipag kaya wala siyang nakikitang dahilan kung bakit siya ipagpapalit ng asawa.

Mabilis niyang pinatakbo ang sasakyan na para bang ito na ang huling araw na makakasakay siya sa sarili nilang sasakyan. Hindi alam ni Mia ang gagawin ng madatnan niya si Alfonso na may kahalikan sa opisina nito. Hindi niya kilala ang babae, o ni anino nito ay wala siyang ideya kung sino.

Nanginginig ang kanyang boung katawan, unti unting lumalabo ang kanyang paningin dahil sa mga luhang walang tigil sa pagdaloy mula sa kanyang mga mata. Ngayon lamang siya nakaramdam ng sobrang sakit, pakiramdam ni Mia ay sinaksak siya ng ilang beses at ibinaon ng buhay. Inisip niya ang pwedeng mangyari sa kanyang mga anak, wala siyang magawa hindi niya alam kung bakit kailangang mangyari ang lahat ng ito. Galit at pighati ang kanyang naramdaman para sa taksil na asawa.

Tanging hagulgol lamang ng batang si Sierra at iyak ng kanyang ina ang umalingasaw sa loob ng sasakyan. Takot ang naramdam nito ng mapagtanto niyang tila nawawala na sa pag iisip ang ina dahil sa paraan ng pagmamameho nito. Iyak lamang siya ng iyak habang pinipilit niyang pakalmahin si Mia, nasa likod lamang siya at tila sobrang lakas ng ina dahil hindi man lang niya itong magawang pigilan.

Yakap ni Sierra ang sarili, nalulungkot siya para sa kanyang ina. Hindi niya lubos akalain na ganito ang mangyayari, nagalit siya sa kanyang ama at ang naisip na lamang niya ay kung papaano niya ito aayusin lalo na't kaarawan bukas ng kanyang bunsong kapatid na si Savana. Ilang beses niyang pinigilan ang ina at pilit itong pinapakalma ngunit wala siyang magawa hanggang sa maramdaman na lamang niya ang malakas na pagkalabog ng kanilang sasakyan at ang unti unting pagdausdos nito sa ibaba ng bangin. 

~~~

Savana

Aaron brought me to the place where we first met—our apartment. I never asked him to bring me here because I want him to celebrate his graduation with his family but he just shrugged it all off and insisted to brought me here instead. 

He looks different when his eyes are serious, I think I'm gonna pray for this man to be mine for the rest of my life. I admit, I was wrong when I told myself he's nothing but a weird guy because of how the way he wears clothes and thick glasses. Impression is important but that doesn't decribe our personality. I thought based on how he looks, no woman would dare to fall for him but I guess I was wrong again. I am here instead, telling myself how lucky I am to be a part of him, well, am I?


Seducing My Nerd Roommate [Under Major Revision] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon