Chapter 1

5K 70 0
                                    

Savana

I SLAMMED my apartment's door really hard when I saw my sister' inside. She was a little bit shocked while looking at me seriously.

"Ano na naman bang kailangan mo?" Walang hiya kong bungad sa kanya. I get some water for myself to drink.

Ghad, I am really annoyed this early morning and then this? Makikita ko pati mukha nang kapatid ko? Too much. Nakita ko kung paano gumuhit ang lungkot sa kanyang mukha kaya napamura na lamang ako.

"I said what do you need?" Kalmado kong sabi habang nilalagay ang baso sa lababo. Nagulat na lamang ako nang bigla niya akong lapitan.

"Oh ano?" Pagtataka kong tanong.

I can't read her expressions. She's being peculiar right now. Para bang ngingiti siya at maya maya ay sasabihin niyang natatae lang pala siya.

"Sav, please accept my offer."

Simpleng salita ang nagpakulo ng aking dugo sa katawan. I don't want people in my life. I don't want them to feel pity for me. I don't fucking need their help.

"Seriously Sierra? I don't need that. I have my own job." Sabi ko sa seryosong boses.

Mas nilapitan niya lang ako at paatras naman ako ng paatras. Mukha akong tanga sa ginagawa ko kaya ko naisipang paalisin na agad siya bago ko pa siya masabihan nang masasama.

"Get out Sierra," I said full of authority.

Hindi siya gumalaw at nanatiling nakaabot ang kanyang kamay sa akin habang hawak hawak niya yung puting envelope na naglalaman ng pera. The money I don't really want to accept.

"Please Sav, it's for your own good. Alam kong nahihirap---" Natigil siya ng magsalita ako.

"I DON'T NEED IT." Matigas kong saad. "Lumabas kana bago pa magdilim ang paningin ko." Patuloy ko.

Sa sobrang bait ko, nagawa ko pa siyang pagbuksan nang pintuan. I saw her begging, begging me to take the envelope but I chose to ignore. I don't really need her help. I can take care myself.

"Sav please," She pleaded.

"No," Giit ko. "I'm still alive Sierra, help me when I am about to die." Sarkastiko kong sabi at binalibag pasara ang pinto.

Ghad, what a nice day. Matapos kong managinip na pinagtutulungan ako ng limang lalaki na hubaran, tapos yun? Yun ulit ang bumungad sa sira kong umaga? Ano pa bang mas malala dun?

~~~

Umagang umaga ay napasalampak ako sa aking kama. Nakatingin lamang ako sa puting kisame at umaasang may dumaan na butiki na pwede kong kunin at pagbuntungan ko ng galit but, it seems that the fairy God mother is protecting that little insect. Nakaainis, ang sarap manapak.

Napabuntong hininga na lamang ako. Punyeta ang init naman nang apartment na ito, may air conditioned nga mukhang 50-50 naman kong gumana.

Napaupo na lamang ako sa kama at iniisip ang mga posibleng dahilan pag nagkataon na tinanggap ko yung alok nang kapatid ko. Honestly, my hand was very itchy to take my beloved sister's damn offer but yea ayokong magkaroon nang utang na loob sa kaniya. Baka mamaya pag namatay siya ako pa sisihin, petengene lang talaga.

Maya maya lang ay tumayo ako sa pagkakaupo at lumabas na muna ng kwarto. Naisip kong hindi pa pala ako kumakain kaya nagluto na muna ako ng fried rice na may itlog at hotdogㅡyan lang kasi yung kaya kong lutuin. That's my specialty after all.

Muntikan pa ako mapaso ng matalsikan ko ng tubig ang kawali, buti nalang mabilis akong kumilos.

Matapos kong magluto ay inihanda ko na yung kakainin ko sa lamesa. Nagtimpla ako ng gatas at nagsimula ng kumain.

Seducing My Nerd Roommate [Under Major Revision] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon