Chapter 21

1.3K 25 0
                                    

Savana

PUTING kisame. Iba't ibang klase ng gamot ang naaamoy ko matapos akong maisugod dito sa clinic. Masakit ang ulo ko at wala paring tigil sa pagpilipit ang aking puson dahilan upang mas lalo akong magwala sa kama na hinihigaan ko.

"Kalma Sav, para kang sinasapian." Pigil ni Rosh sa akin.

Kaninang umaga pa mainit yung ulo ko. Ayoko nang kausap pag inaatake ako ng bisita ko sa puson. Nakakainis ang sarap manapak.

"Nasaan na ba yung nurse?" Tanong ko.

Nanginginig ang boses ko habang yung itsura ko ay hindi na halos maipinta. My body curled in pain as I'm cursing the nurse for not coming back in time.

"Masakit ba talaga?" Tanong ni Hani sabay tayo sa kanyang kinauupuan.

Napairap ako sa kawalan. Tanga.

"Gusto ko nang pumatay ng tao Hani. Gusto mo mauna?" Nang gigil kong tanong pabalik sa kanya.

Umupo siya. "Ay pass muna. Baka si Rosh gusto niya." Saad niya.

Bigla namang naupo si Rosh at binatukan si Hani.

"Gago walang ganun," saad nito.

Namimilipit na ako sa sakit habang ang dalawang kaibigan ko ay wala man lang ginawa kundi ang pagmasdan ako habang si Rosh naman ay tuwang tuwa sa pagkuha sakin ng video. Gracious Goodness!

"Rosh itigil mo yan hindi nakakatuwa," Utos ko habang hindi nakatingin sa kanya.

Pinapapigil naman siya ni Hani ngunit ayaw nitong magpawat sapagkat nakatanggap ito nang malutong na hampas mula kay Rosh. Napadaing si Hani sabay irap sa kanyang katabi.

Goodness! My belly aches really bad and this friend of mine is enjoying the scenarios. What the hell?

"Rosh please," Nagmakaawa ako.

Napasinghap siya. Tumawa muna siya ng ilang segundo bago ibinaba yung cellphone niya. Nilingon niya ako at muling tumawa.

"Nakakaawa ka pala pag ganyan!" Tumawa siya. "Sana ganyan ka nalang lagi!" Tumawa siyang muli.

Inirapan ko siya at minura nang ilang ulit habang nakahiga parin na parang kakatayin na.

"Tawa ka lang, pag ako napikon." Tumigil ako. "No, napikon na pala ako, sisiguraduhin kong mapipikon ka rin sakin. Big. Time!" Ngumiti ako.

Humagalpak lang siya ng tawa at napatampal naman si Hani sa kanyang noo. Ngumiti parin ako kahit gusto ko na siyang kalbuhin. Damn, where's the nurse?

Speaking of the devil, napalingon kaming tatlo sa babaeng iniluwa ng pinto. Nakasout ito ng nurse suit at may dalang paper bag tsaka check book. She smiled but I cursed her inside my mind while giving her the devilish smile.

"I'm sorry, may inasikaso pa kasi ako." Ngumiti siya tsaka lumapit sakin. "Anong pakiramdam mo?" Tanong niya.

Hinawakan niya yung braso ko tsaka yung noo. Pinakiramdaman niya kung mainit ba ako.

"Nurse I'm fine. I just want to kick your ass, " Inirapan ko siya.

Napakunot yung noo niyang nakatingin sa akin. Huminto yung kamay niya sa braso ko kaya agad ko naman itong pabagsak na inalis.

Seducing My Nerd Roommate [Under Major Revision] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon