Chapter 6

1.9K 39 1
                                    

Savana

MALAMIG ang ibinigay kong tingin sa kanya. Hindi ko siya binati, ni pag ngiti hindi ako nag aksayang pakitaan siya. Nakaupo lang ako sa monoblock chair habang nakahalukipkip na nakatingin sa mga papel na nakatambak sa kanyang mesa. He's room is a total mess.

Nakita kong umupo siya sa swivel chair at ramdam kong nakatingin siya sa akin kaya tiningnan ko rin siya ng walang halong takot. Ngumiti naman ang gago.

"Eat this," Aya niya sakin sabay lapag sa chocolate cake na nasa table.

Tinitigan ko muna ito.

"No I won't," Umiling ako. "I'm sure na nilagyan mo nang lason ang cake na yan," Poker face kong sabi.

"No bakit ko naman gagawin yun? Sa ganda mong yan?" Saad niya habang nakangiti ng nakakaloko.

Para sa matandang professor na panot, ganito siya ka manyak. Ang sarap sapakin ng mukha at dalhin sa ibaba eh.

"So what do you want?" Iritado kong tanong.

"I want you," Nakangiti niyang saad. Tanginang I want you naman yan, parang sa the voice lang. Geez, Nakakadiri talaga siyang tingnan swear.

"Stop the bullshit sir," Saad ko habang pinipigilang mainis at masapak yung panot niya.

"Shh my student, mabuti pa't inumin mo nalang tong ice tea ng mawala naman yung init sa utak mo," Inabot na naman niya yung Ice tea ngunit muli akong umiling.

"As I've said, may lason yan." Saad ko. "Sige sir, mabuti pa't umalis na ako. Malalate na kasi ako sa next subject ko." Sabi ko sa gigil na boses habang tumayo.

Aalis na sana ako ng bigla siyang tumayo at hinawakan yung braso ko. Napadaing ako sa sobrang higpit ng kanyang pagkakahawak kaya kahit ilang pilit kong alisin ang kanyang kamay, mas lalo lang akong nasasaktan.

"Refusing me like before huh," Wika niya habang mas lalo pa niyang hinihigpitan yung kapit sa akin.

Tanggap kong maganda at sexy ako. Matalino at may flaws rin. Pero hindi ko naman hinangad na pati yung guro naming panot ay mahuhumaling sakin. Mahirap maging maganda, Sobra.

"Sir ano ba! Mahiya naman po kayo! Maghanap naman kayo ng babaeng kasing edad niyo wag na ako!" Matigas kong sabi habang pinipilit ang sariling makawala.

Ngumiti lang ito ng nakakaloko. He tried to approach me pero umatras lang ako.

"I'm sorry," Saad niya.

Nagulat na lamang ako ng may bigla siyang inilabas na syringe. Sa sobrang bilis ng kanyang pagkilos ay kaagad niya itong naitusok sa braso ko kasabay ng kanyang pagbitiw sa akin.

He was laughing like a demon.

"Shit a-anong ginawa mo?" I Stuttered while gasping for air.

I can't breath. I am slowly losing my consciousness while trying to open my eyes. Para akong tinurukan ng pangpatulog sa kadahilanan na nagiging madilim yung paningin ko.

"Goodnight for now Sleeping beauty,"

That's the last word I heard from my maniac professor before my vision went black.

Third Person's POV

ILANG oras na tambay ang binatang si Aaron sa loob ng cubicle ng Men's Comfort Room. Ginusto man niyang lumabas, ngunit kinakabahan siya na baka mag ka LBM siyang muli. Paulit ulit niyang binubulong sa sarili na ang tanga niya dahil hindi man lang niya magawang sabihin sa roommate niya na nagmamadali siya ng araw na yun dahil bigla siyang nakaramdam ng pagsakit ng kanyang tiyan.

Seducing My Nerd Roommate [Under Major Revision] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon