Chapter 39

208 6 2
                                    

Savana


NAGDADALAWANG isip ako kung tutuloy ba ako sa pagpasok o maghihintay na lamang ako na bumukas ang pinto ng apartment na ito. Matapos sabihin ni Isabelle sa akin ang lahat ng impormasyon ay agad akong nagtungo dito kahit na gusto ko ng umuwi dahil sa sobrang lamig.

Nakaharap ako ngayon sa pinto ng apartment ni Amethyst. Sana ay tama ang room number na ibinigay ni Isabelle dahil kung hindi ako mismo ang tatapos sa kanya.

Sampung minuto na akong nakatayo rito ngunit hindi parin ako mapakali kung pipindotin ko na ba ang door bell o hindi. Ilang tao narin ang napasulyap sa akin, maging ang mga crew ay napapatingin din. Ilang minuto pa ang dumaan bago ko naisipan na pindutin ang bell, it took three rings before someone finally opened the door.

Pagkabukas ng pinto, nakita ko si Ami na nakatayo sa harap ko habang hawak ang doorknob. Nakasoot lamang siya ng pajama at tsinelas na pambahay. Bakas sa kanyang mukha ang pagkagulat ng makita niya akong nakatayo sa harap niya.

"May I come in?" Tanong ko.


Kumunot ang kanyang noo habang nakatingin sa akin. Napasulyap siya sa aking likod at sa labas ng pasilyo na tila sinisigurado niya kung may kasama ba ako o wala.


"I'm alone, may I come in?"

"Why?"


Walang emosyon niyang sagot. She looked tired, her eyes are weary and she looks like she hasn't eat anything. Her pale skin and dried lips are telling me that she's been a lot of pain. Well who knows?


"It's Aaron Ruiz," I told her, while waiting for her to let me in.


I saw how her face lit up as I've said Aaron's name, she smiled at me then she suddenly opened the door wide open at agad akong pinatuloy sa loob ng kanyang apartment.

Agad na isinara ni Ami ang pinto at iginiya ako sa sofa malapit sa kusina. Sakto lang ang sukat ng kwarto, maliit pero hindi masikip. Maganda ang kulay, desente at mukhang mamahalin. Napansin ko ang mga nagkalat na food packs sa sahig ganun na din sa lamesa. It looks like it's been there for three days straight, she doesn't seem a fan of cleaning dahilan para mapangiwi ako ng kaunti.

"Tinatamad akong maglinis ano bang pakialam mo?" I saw her rolled her eyes at pabagsak na umupo sa sofa. Napansin niya siguro ang pagngiwi ko kaya niya nasabi iyon.

"Excuse me? I didn't say anything." Inirapan ko rin siya at umupo sa sofa.


Sinadya ko talagang pagpagin ang sofa kahit hindi naman ito maalikabok bago ako umupo dahilan para mas lalong mainis si Ami.

"Sinasabi mo bang madumi ako?" inis niyang tanong at bahagyang itinaas ang isang kilay.

"Did I say anything?" I asked, looking confused.


Nagulat ako ng bigla siyang tumayo, galit ang kanyang mukha na para bang kaya niya akong saktan anytime. Itinuro niya ang pinto at galit na nagsalita.


"Get out!" Sigaw niya ngunit hindi ako nagpatinag. "I said get out!" ulit niya ngunit ngumiti lamang ako.

"Bingi ka ba!?"

"Oo bingi ako," Mahinahon kong sabi kaya mas lalo pa siyang nainis.




I don't know why I am doing this, I just love seeing her face raging on fire because it makes me happy. Napatayo ako ng biglaan ng bigla niyang hinatak ang braso ko at akmang kakaladkarin pero agad rin siyang natigil sa sinabi ko.


Seducing My Nerd Roommate [Under Major Revision] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon