Chapter 22

1.5K 26 2
                                    

Savana

ILANG BESES kaming nag try mag shoot ng dahil sa partner kong may mahinang memory. Ewan ko ba, hindi ko alam kung sapilitan lang ba siyang sumali sa acting club o gusto niya talaga ito kasi ayon sa nakikita ko para hindi naman siya marunong umarte.

"Mr. Bautista! Can you act a little bit emotional? Pang apat na shoot na natin ito, ayusin mo naman!" Galit na saad ni Mrs. Delavin sa partner ko.

Napayuko lang ito, hindi ko naman magawang lapitan siya kasi ako rin mismo ay nang gigil na rin sa kanya. Ang sarap niyang sakalin.

"Ms. Mockery go to your place and let's shoot again. Please wala nang mali!" Utos niya so I did. "At ikaw Mr. Bautista, please don't give me headaches." Mahinang tugon ni Mrs. Delavin at winagyway ang board na hawak niya.

Nag s-shoot kami para sa huling event na magaganap bago mangyari ang graduationㅡBefore the Day ito kung tawagin. I don't know kung bakit pa ako sumali, nakakainis mapilit kasi si Mrs. Santos kaya ayun. Mahirap pa naman umayaw sa taong mabait, nakaka konsensiya.

"No," Matigas na tugon ng kasama ko.

Nagsisimula na ang acting kaya dapat seryoso.

"Please Vince I'm begging you! Please don't leave me. You know hoㅡ"

"Kiela please I don't want to be with you again. I'm done,"

"Why? What's wrong with me? Did I do anything that makes you mad? Please Vince, please.." Lumuhod ako sa harap niya. Seryoso yung mukha ko pero ilang beses ko naman siyang minumura sa aking isipan.

I cried..

"Kiela were over. Stop being desperate. I don't love you anymore." Tinulak niya ako. Nice acting dude.

"After all these years? I gave you everything even it's breaking me inside. I thought you love me then why are you doing this to me? You told me you won't leave me but look at us now, your breaking your promises." Tumayo ako ngunit tuloy parin ang luha sa mga mata ko.

Naalala ko si Jason, bakit hanggang ngayon naiisip ko parin siya? Kaya ba siguro gusto ko ring sumali para ilabas lahat ng galit ko sa kanya?

"Kiela I love her,"

Napasinghap ako at inalala yung huling script na sasabihin ko bago pa man dumating yung kunwari pinagpalit niya sa akin. Wew.

"How can you love someone when you told me I'm the only one? How can you smile to her when you told me I'm the only one who can make you smile? How can you be happy with her when you told me that I am the only one who makes you happy and how can you easily forget me when you told me were forever? JaㅡI mean Vinㅡ"

"Cut!"

Nakita ko ang pagbagsak ng balikat ni York ganun na rin ni Mrs. Delavin dahil sa pagkakamali ko. Geez, nadala ako sa eksena.

"Savana," Lumapit si Mrs. Delavin at hinawakan ako sa magkabilang balikat.

Nakikita kong pinipigilan niya lang magalit. I can't be mad at her kasi kasalanan ko naman. Kung hindi lang sana ako naging tanga kanina siguro ayos na.

"Savana I understand your feelings but please, we need your cooperation para sa movie feast. Maraming magagaling na kalaban sa different school. Dapat ayusin niyo yung acting niyo." Napasinghap ang direktor at lumapit naman kay York aka Vince.

"Break time!" Saad nung producer.

Nagmadali naman akong bumaba habang si Mrs. Delavin naman ay seryosong nakikipag usap kay York.

Nilapitan ko naman sila Hani at Rosh na kanina pa naghihintay sa upuan kung saan sila nakatanaw sa akin habang umaarte ako. May scene kasi kami na kunwari nasa Gym kami.

Seducing My Nerd Roommate [Under Major Revision] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon