Chapter 12

2.3K 42 0
                                    

Savana

NOONG bata pa lang ako, tinuruan ako ni mama kung paano mahalin at protektahan ang sarili. Tinuruan niya ako kung paano pumili at umiwas sa mga tao. Tinuruan niya rin ako kung paano pahalagahan ang mga tao, lalo na't andiyan pa sila sa tabi mo at handang manatili para sayo.

"Weh? Seryoso?"

Kumunot ang noo kong nakatingin sa kay Aaron. Gwapo na sana siya kaso lagi akong nadidistract at napapamura ng palihim sa tuwing napapatingin ako sa sout niyang malaki pa sa malaki.

Ngumiti siya. "Ano ayos na ba yun? Pwede ko na bang sabihin kay Ami ang mga salitang yun?" Nahihiya niyang sabi sabay ayos ng kanyang salamin.

Napasinghap ako at muling napamura.

"Ang mais. Ampanget," Saad ko na lamang tsaka ko siya binatukan. Napatingin ako sa puntod ni mama.

"Aray," Daing niya.

Kanina pa kaya siya nakarating rito? Narinig niya kaya yung mga pinagsasasabi ko?

"Pangit daw pero napatulala kanina," Nakita ko siyang ngumisi.

Humarap rin siya sa puntod ni mama. Pareho kaming nakaupo at sa harap nito ng bigla niya akong tiningnan.

"Magugustuhan niya kaya ako?" Tanong bigla ni Aaron sakin.

Nakahalukipkip ko naman siyang tiningnan.

"Sa tingin ko hindi," Umiling iling ako.

Kung hindi lang siya dumating, siguro iyak parin ako ng iyak rito na parang tanga.

Kunot noo siyang napatingin sa akin.

"Bakit?" Tanong niya.

Umayos ako sa pagkakaupo. "Look at yourself Aaron." Walang gana kong saad.

Hindi pwedeng kay Amethyst ang bagsak mo. Dapat sa akin lang. Sa akin.

"Malaki yung salamin mo at tsaka are you the son of Einstein? Mukha kang geek. Ang gulo pa ng buhok mo hindi naman kita sinasabunot at tsaka, bakit malaki lagi yung damit mo? Hindi naman malamig sa Pinas," Nakasimangot kong saad sa kanya sabay tingin sa kabuuan niyang anyo.

"She likes Nerd," Sabi niya.

Yea alam ko yun, pero hindi pwedeng sa kanya ka mahulog. Dapat sa akin lang. I need to change you para madisappoint ang tanginang Amethyst na yun.

"No she's not. I know her. She's been my bestfriend remember?" Wika ko.

Kung naririnig lang kami ni mama ay sigurado akong pinagalitan na niya kami.

"Gusto mo lang mahulog ako sayo eh, aminin mo na kasi." Nakangiting nakahalukipkip si Aaron sa harap ko.

Bigla niyang nilapit sa akin yung mukha niya. At ako? Nope hindi ako aatras, dapat nga mas lalo ko pang ilapit yung mukha ko para mas lalong kumbinsido siyang gusto ko talaga siya.

"Aaron gusto kita," Nakangiti kong saad. Konting sukat na lamang ang nakapagitan sa aming dalawa.

At kapag gumalaw pa ako palapit sa kanya, siguradong mahahalikan ko na siya.

Nakatingin lang siya sa mga mata ko, hindi ako tanga kaya hindi ko na sinayang pa yung opportunity na halikan siya ngunit, bago ko pa maabot ang kanyang labi nang bigla niyang inilayo yung noo ko gamit yung palad niya.

"Tigilan mo ko," Sabi niya sa malamig na boses.

Bigla siyang tumayo at naiwan ulit akong mukhang binuhusan ng malamig na tubig. Akala ko ako na. Akala ko mahuhulog na siya. I think I can seduce my nerd roommate. But I think I can't.

Seducing My Nerd Roommate [Under Major Revision] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon