Chapter 40

161 8 0
                                    

Savana

MABILIS kong inihampas ang alarm clock na nakapatong sa gilid ng lamesa. Alas otso pa lang ng umaga at gusto ko pang matulog. Napasinghap akong tumingin sa aking gilid ngunit napasimangot ako ng wala akong makita ni isang katabi. Nasaan ang mga kaibigan ko? Ang boung alam ko ay kasama ko silang natulog kagabie matapos naming mag movie marathon, ngunit bakit wala sila? Gising na kaya sila at lumabas na't kumain?

"Umaga na naman," Bulong ko sa aking sarili at nag unat ng katawan.

Dahil hindi na ako makatulog pang muli, mas pinili ko na lamang na bumangon na dahil maghahanda pa ako ng mga gamit dahil ngayong araw ako susunduin ni Sierra. Nagtungo muna ako sa bintana upang takpan ng kurtina ang nakaukling sinag ng araw dahil masyado itong nakakasilaw.

Pagkatapos ay nagtungo ako sa CR para gawin ang aking morning rituals. Ilang minuto rin akong nanatili sa loob ng banyo, iniisip ko ang mga pwedeng mangyari kapag nakaharap ko na ang mga taong hindi ko gusto. I'll be the bad version of myself where I have to lie and pretend everything.

"Oh Savana good morning, how was your sleep?" Bungad ni Hani na ngayon ay nasa counter table habang kumakain ng breakfast kasama si Rosedel.

"It's good," Matipid kong sabi at sinamahan sila sa pagkain.

Simple breakfast lang kinain namin— ham, hotdog, egg and milk. I prefer coffee more but because they are having milk, gatas narin lang sa akin.

"By the way, uuwi na ako sa bahay ni Papa at doon na muna ako titira kasama sila Sierra," Paalam ko sa kanila.

Pareho silang napatingin sa akin pero mas halata sa mukha ni Hani ang pagkagulat dahil hindi ko pala nasabi sa kanya ang pinag usapan namin ni Sierra kagabie. I guess Rosedel didn't tell her anything.

"Bakit?" Tumigil sa pagkain si Hani at itinoon ang atensiyon sa akin.

I sighed. "Sierra asked me and I am fine with it. I guess I have to be mature enough and stop being an independent bitch when I have nothing right? Look at me, I am poor and I don't have a job." napasinghap akong muli. "I need a home," pagpapatuloy ko.

Tumango tango lang si Hani sa sinabi ko at nagpatuloy sa pagkain ganun narin si Rosedel.

"So you'll be with Aaron too right?" Hani asked.

"Yes I am," I retorted, nodding my head.


"Oh," Tumango siya. "Okay na pala kayo? I thought you were mad at him for kil—" Napatigil siya ng bigla siyang siniko ni Rosedel.


"I am fine," I smiled. "Past is past," Sabi ko sabay kain sa huling piraso ng ham.

Tahimik ang bumalot sa amin, tanging ingay lamang ng mga kubyertos ang naririnig ko. Tila busy ang dalawa sa pagkain at parang wala silang balak magsalita. Hinayaan ko na lamang sila at nagpatuloy na rin sa pagkain.


"We will miss you," sabay nilang sabi kaya agad ko namang iniangat ang aking tingin.



"I'll be back," I told them. "At tsaka pwede kayong bumisita kung gusto niyo." Nakita ko ang pagpula ng pisngi ni Hani kaya pareho kaming napatingin ni Rosedel sa kanya.



"Are you okay? bakit parang kinikilig ka dyan?" Gulong napangiti na tanong ni Rosedel sa kanya sabay sundot.


"Wala," umiling iling lamang si Hani.


Naramdaman ko ang kakaibang kilos niya kaya mas lalo kaming nagtaka ni Rosedel. Did I say something bad? Nag isip ako ng ibang dahilan kung bakit nag iba ang kanyang kinikilos, magsasalita na sana ako ng bigla akong naunahan ni Rosedel. Ngumiti itong sinundot si Hani na tila ba nanunukso.


Seducing My Nerd Roommate [Under Major Revision] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon