Chapter 19: Mad
> D.O's POV <
Nakarating kami ng SM Ent. ng maayos. Pumasok kami sa isang bakanteng practice room saka umupong lahat sa sofa. Tinignan ko ang mga kasama ko, lahat tahimik at walang nagsasalita. Napako ang tingin ko sa shirt na suot ko, may bahid ng dugo. Naalala ko kanina na muntik na akong masaksak ng kkangpae. Mabuti na lang niligtas ako ni Dara-noona. Napayuko ako.
Dara-noona.
Natatakot ako. Hindi sa sarili ko kundi para kay noona. Iniwan namin syang nag-iisa at wala man lang kaming nagawa. Nakakainis.
" *coughs* "
Pinahid ko ang nangilid na luha ko saka humarap sa nagsalita.
" Wag na kayong malungkot. Ligtas na kayo. " sabi ng chinky-eyed na lalaki.
" Yup. Oh eto, ice packs at ointment. Lagyan nyo yang mga pasa nyo sa mukha. " inabot namin ang gamit sa lalaking mukhang panda.
Nilapat ko na ang ice pack ko sa bandang ibaba ng kanang mata ko. Siguradong matagal gagaling 'tong pasa ko.
" Si noona? Alam ba ninyo kung nasaan sya? " tanong ni Chanyeol-hyung.
" Baka nandoon pa sya sa parking lot. " sagot ng isa pang singkit na lalaki.
" Ligtas ba sya? " tanong naman ni Luhan-hyung.
" Oo naman! Si noona pa! " ngisi ng pandang lalaki. " Sandali. " bigla syang lumayo sa amin at sinagot ang cellphone nya.
" Thino ba kayo? Kaano-ano nyo thi noona? " tanong ni Sehun.
" OMG, hyung! Hindi nila tayo kilala! " sigaw ng singkit na lalaki.
" Pabo, malamang ngayon lang tayo nila nakita. Tsk! " binatukan sya ng lalaking malalim ang boses. ( stupid )
" Sorry naman! Hahaha, ako nga pala si Daesung! " nakipagshake-hands sya sa amin.
" I'm Top. " pakilala ng lalaking malalim ang boses na parang si Chanyeol-hyung.
" Ako si Taeyang. Tawagin nyo na lang kaming hyung. " ngiti nito sa amin.
" Ayun si Seungri. " tinuro samin ni Daesung-hyung ang lalaking mukhang panda na may kausap pa sa cellphone.
" Kaibigan kami ni Dara matagal na. Pinasundo nya kayo sa amin para masigurong ligtas kayo papunta rito. " paliwanang ni Taeyang-hyung.
" Tumawag tayo ng pulis! Kailangan ng tulong ni noona! " sigaw ni Tao.
![](https://img.wattpad.com/cover/14013360-288-k407913.jpg)
BINABASA MO ANG
EXO's Bodyguard
Fanfiction" A-ako?! Bakit naman ako? Tito naman, nagbagong buhay na ako. Ayoko nang bumalik ulit sa dati. Ang dami-dami nila tapos ako lang? Hell no! Sakit lang sa ulo ang mga yan! Tsk! " - Dara. Isang ex-gangster na magiging bodyguard ng isa sa pinakasikat n...