Chapter 26

458 24 16
                                        

Chapter 26: The Hunt

" So, are you gonna tell me where’s your leader? " tanong ni Dara habang nakatutok ang baril sa sintido ng lalaki.

Nakaluhod ito sa harapan nya. Putok ang labi at duguan. Halos matakpan na ang kalahating mukha ng dugong dumadaloy mula sa ulo nito.

" Hindi ko alam. " sagot ng lalaki.

She chuckled. Inilibot nya ang paningin sa ibang mga lalaking wala ng buhay na nakahandusay at nakakalat sa lugar. Nagsisimula ng tumindi ang alingasaw ng dugo na naghahalo sa amoy ng kalawang at mahinang ulan sa labas ng abandonadong pabrika.

Lumingon ulit sya sa lalaki. Halatang namang nagsisinungaling  ito. Kilala itong matapat na kanang kamay ni Minjung. Hindi sya nag-atubiling barilin ang lalaki. " Ah Byungho, you bastard, wala akong makukuha sayo. "

Umalis sya sa lugar na iyon at sumakay sa kanyang motor. Nagsimula syang magbilang ng hanggang lima at lumingon ng makitang nasusunog na ang pabrika. Mabilis nyang pinaandar ang kanyang motor at lumiko sa makipot na daan sa gubat. Halos sumasagad na ang linya ng speed meter sa bilis nyang magmaneho.

Ilang minuto pa ay huminto sya sa tabi ng ilog at umupo sa isang malaking bato sa gilid nito.
Nakarinig sya ng mabilis na yapak. Bumulaga doon ang isang gulat na gulat na lalaki.

She smiled and waved her hand. " Oh, hi there Minjung! "

" P-paano? "

" Magic! " She coldly giggled. Pinasabog nya ang mga gulong ng lahat ng sasakyang nakaparada sa pabrika. Tanging ang gubat sa likod ng pabrika ang pwedeng pagtakbuhan nito.

" Minjung, sino ang boss mo?"

Namutla ang lalaki at muling tumagaktak ang mga bagong pawis sa katawan nito. " Boss? Ako lang ang boss sa kkamagwi! " Inilabas ni Minjung ang isang maliit na kutsilyo sa likuran nto.

" Ah c’mon, Minjung. Naglolokohan pa ba tayo dito? Hindi ko akalain na magiging tuta ka na rin ng nasa taas? I’m disappointed. " Hindi nakasagot ang lalaki sa kanya. " Bakit parang ang tindi ata ng galit mo sa mga bata ko? Hindi ka naman ganyan dati, Minjung. "

" Wala kang alam! Ang underground ay nagkaroon ng malaking pagbabago mula ng nawala ka Nabi! Isang malaking demonyo na ang nagmamanipula. Pati ang council ay hawak nya na. Kapag hindi sumabay kaming mga malilit sa kanya, lalamunin nya kami ng buo. "

" Sino sya? "

" Hindi ko kilala! "

Binaril ni Dara sa kaliwang binti ang lalaki. Napaluhod na sumigaw ito at humawak sa nabaril na binti.

" Hindi ko talaga kilala! Sumusunod lang kami sa utos! "

" Sigurado ka? Anong alam mo sa kanya? " Muling tinutukan ni Dara ang lalaki sa balikat nito.

" Kinakatakutan sya. Kapantay mo lang daw sya noon, Nabi. "

" Ano pa? " tanong ni Dara.

" Lima sila. Sya ang leader. "

-

Nilabas ni Dara ang kanyang listahan at minarkahan ng lapis ang pangalan ng gang bago iniwan ang lalaki sa gubat. Binigyan muna na ito ng isa pang tama ng baril sa kaliwang balikat.

Hahayaan nyang mabuhay ang lalaki sa gitna ng masukal na gubat. Maswerte na lang ito kung mabubuhay ito sa lugar ng maraming mababangis na hayop sa paligid. Sumakay sya sa kanyang motor at pinaharurot ito ng mabilis.

Hapon na ng makabalik sya sa SM Ent. at diretsong umakyat patungo sa practice room ng EXO. Habang nagpapractice ng sayaw ang mga ito ay tahimik syang umupo sa sofa at inilapag ang isang box sa kanyang tabi. 

Napahinto ang lahat at lumapit sa kanya.

" Noona, saan ka galing? Kumain ka na? " Tanong sa kanya ni Chanyeol matapos umupo sa kanyang tabi.

" Yeah. Kumuha lang ng supplies from Daesung. " Hindi nakaligtas sa paningin ni Kyungsoo ang maliliit na bahid ng dugo sa kwelyo ng damit ni Dara. Kahit nakapulang checkered ito ay mapapansin mo ang dugo sa malapitan. Napabuntong-hininga sya at binalewala ang nakita. 

Kinuha ni Dara ang box at binigay sa kanila. Inabot ito ni Suho at binuksan. " Wear that anklet. "

Pinagpasa-pasahan nila ito at sinimulang suotin. Para itong ruler na nabebend. Black strap ito na may ¾ na lapad. Manipis lang ito. May neodymium magnet ang bawat dulo nito kaya kapag pinagdikit ito ay mahirap nang tanggalin.

" That’s a GPS Anklet. Just tap the anklet three times and my watch will make a sound which indicates that you are in danger. " Tumango ang EXO sa kanya habang pinakita ang kanyang black watch. " Don’t worry hindi yan kaagad-natatanggal. It’s waterproof. That little red light will help me to locate your whereabouts. "

Habang busy na sinisipat ng EXO ang kanilang anklet, nakakunot-noong nakatingin si Kris sa kwelyo ni Dara. Lumapit ito sa kanya at hinawakan ang kanyang dalawang balikat. " What is this? " tanong nito nang nakahawak sa kwelyo ni Dara. Napatingin ang ibang kamyembro sa kanila.

She smirked. " Nothing. " Tinanggal nya ang kamay ni Kris sa kanyang kwelyo. " Just continue your practice. "

Kinurot nya muna ang pisngi ni Kris bago sya lumabas ng practice room.

" So, how can I locate them? " tanong ni Dara kay Minjung habang pinapaikot sa daliri ang kanyang baril.

" Mayroon itong hawak na grupo sa Yonsei University. Malakas ang koneksyon nito sa kanila. " sagot ni Minjung.

Pagkalabas ni Dara sa practice room ay inilabas nya ang kanyang phone sa bulsa.

" Hello, Kookie-ah. "

" Ne, noona? "

" When is your free time? "

************************************

A/N:

Kkamagwi - Crow
Neodymium magnet – World’s Most Powerful Magnet 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 04, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

EXO's BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon