Chapter 16: EXO Comeback
> Third Person's POV <
Natapos ang isang linggo na pinaghandaan ng buong EXO. Halos hindi na sila makakain at kulang sa tulog sa sobrang higpit ng schedule nila. Pictorials, music video shooting, dance practices, fan meetings, guestings at kung anu-ano pa na ikinabusy ng lahat.
Dahil successful ang kanilang Mama Era at Wolf Era, inaasahan na ng lahat ng fans ang kanilang comeback. Ilang araw ay inilabas ang kanilang mv teaser na nagkaroon ng maraming views at likes. Usap-usapan sa halos lahat ng social networking sites ang kanilang tema. Inilabas na rin ng SM Ent. ang kanilang mga picture na kumalat sa iba't ibang website. Marami ang natuwa at excited na irealease ang kanilang mv.
Dumating na ang araw na inilabas na ang kanilang mv. Lumipas pa lang ang isang oras ay padami na ng padami ang views at likes hanggang sa maging milyon ito at tumataas pa. Tuwang tuwa ang buong EXO sa nangyari kaya lalo pa silang na-inspire. Nagpractice pa sila ng todo para sa kanilang comeback stage sa susunod na araw.
Si Dara naman ay busy rin sa trabaho. Maski sya ay napagod rin sa buong linggong kulang sa tulog at pahinga. Maraming tawag at meet-ups sa mga shows na gustong i-guest ang EXO at fan meetings sa iba't ibang lugar. Ikinaiinis nya rin ang pagiging personal assistant nya sa grupo nang nagpictorial at mv shooting. Napakakukulit nito at napakaclingy sa kanya. Simula noong natapos ang pangyayari sa cafeteria ay dumidikit na ang mga ito sa kanya. Mabuti na lang ay nakakatulong sa kanya sina Suho at Kris kundi baka binaril nya na ang mga ito. Tila mas gusto nya pang makipagsagupaan sa lahat ng kkangpaes kaysa makasama ang mga makukulit na bata.
Kinabukasan ay nagising silang lahat ng maaga para maghanda. Dumating sila sa lugar na pagdadausan ng kanilang comeback. Nagpapakulay na ng buhok at nag-aayos ng costume ang mga miyembro. Makikita mo ang mga staffs at other groups na kasabay nilang magpeperform na nagsisitakbuhan sa hallway na para bang gahol sa oras.
Nakaupo lang si Dara sa sofa sa gilid ng kwarto habang ang EXO ay inaayusan na ng mga make-up artist. Tinignan nya ang kanilang schedule at sa EXO saka tahimik na huminga ng malalim. Isinandal nya ang kanyang ulo sa headrest at ipinikit ang mata.
" Noona~ "
Napadilat sya at binaling ang tingin sa tumawag na katabi. Pokerface pa rin ang ibinigay nya rito.
' What? '
" Noona, nagugutom na kami. Hindi pa kami kumakain ng lunch. Pwede bang magpa-order? Bbuing bbuing~ " wika ni Tao at umangkla sa braso nya.
Pinasadahan nya ng tingin ang ilang miyembro na nakatingin sa kanya at nagmamakaawa. Kanina lang ay ang kukulit pa nila ah? Maski sya ay gutom na kaya inilabas nya ang kanyang cellphone at nagdial.
" Okay. " sagot nya.
Natuwa naman ang lahat kaya kumulit ulit ang mga ito. Ang iba sa kanila ay nagpapractice ng sayaw, kumakanta, tumatawa ng hindi malamang dahilan, nagkukwentuhan at naghahabulan.
' Tch. Childish brats '
Lumabas si Dara sa kanilang designated room at pumunta sa back door para kunin ang kaniyang pinadeliver. Pagkabalik ay inilapag nya ang limang chicken bucket sa mesa. Isa-isang nagsitakbuhan ang EXO papunta sa kanya na para bang mga lobong gutom.
" Wait. " itinaas nya ang kanyang kanang kamay na nagpahinto sa kanila.
Kinuha niya ang isang bucket at ipinatong sa mga binti nya at inusod ang apat pang bucket papunta sa kanila. Ang chicken bucket na iyon ay para lang sa kaniya. Nagulat ang lahat sa ginawa nya.
BINABASA MO ANG
EXO's Bodyguard
Fanfiction" A-ako?! Bakit naman ako? Tito naman, nagbagong buhay na ako. Ayoko nang bumalik ulit sa dati. Ang dami-dami nila tapos ako lang? Hell no! Sakit lang sa ulo ang mga yan! Tsk! " - Dara. Isang ex-gangster na magiging bodyguard ng isa sa pinakasikat n...