Chapter 22: Fan meeting
> Dara's POV <
♬Good morning sunshine! Dada, wake up baby! Another great day ahead so you better eat a good breakfast. Smile for me, Dada. See you later, i love you~!. Good morning sunshin--♪
Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko matapos kong patayin ang alarm sa phone. Ipinatong ko ang braso sa mukha ko para matakpan ang mga mata dahil sa sinag ng araw na nanggagaling sa bintana ng kwarto.
I sighed.
' Another day had passed huh? '
Bumangon na ako para maligo at magbihis. Nagsuot ako ng shirt na pinatungan ng hoodie jacket pati na rin winter jacket dahil malamig na ang panahon. Black pants at black sneakers.
Nagdala ako ng mga baril, silencer, dagger na may poison at kung anu-ano pa at inilagay sa bag ko. Nagdala rin ako ng malaking shades, cap at mask dahil alam kong kakailanganin ko ito mamaya.
Binitbit ko na ang mga folder matapos ay lumabas ng unit at pumunta sa EXO. Pinindot ko na ang password ng pintuan nila saka pumasok sa loob.
" Good morning, noona. " bati sa'kin ni Suho.
" Yeah. " sagot ko.
Dumiretso na ako sa sala at naabutang nakaupo ang ibang mga bata at nanunuod ng kung anong cartoon.
" Hello, noona! Umupo ka muna. " alok ni Sehun.
Umupo ako sa bakanteng pwesto sa tabi nya at nakinood ng hindi maintindihang palabas.
' Tss. Childish Brats. '
" Chen! " sigaw ni Xiumin mula sa kusina.
" Ne, hyung? " tanong ni Chen sa kabilang sofa.
" Gisingin mo na si duizhang. " sabi nya nang makalapit na kay Chen.
" Hehehe~ okay! " ngumiti si Chen na parang bang may binabalak saka tumayo at pumunta sa kusina.
' This troll. '
" Noona, dito ka kakain ng breakfast diba? " tanong sa akin ng Xiumin at umupo sa tabi ko.
Tumango lang ako at humarap ulit sa t.v.
" Hyung, ibalik mo yan sabi eh! "
Napalingon kaming lahat sa sigaw ni D.O mula sa kusina. Nakita naming lumabas si Chen na may hawak na frying pan at malaking kutsara kasunod ang galit na si D.O na may hawak ng bread knife na humahabol sa kanya.
Patakbong pumunta sa'min si Chen habang tumatawa kaya tumayo na ako para pigilan sila. Napahawak ako sa sintido ko.
' These kids, really? '
Papalapit na si D.O kaya nagtago na si Chen sa likod ko.
" Noona, si D.O oh~! " sumbong nya habang tinuturo si D.O na namumula na sa inis.
" Hyung, ibalik mo kasi sabi yan! Noona, oh~! " maiyak-iyak na sabi ni D.O habang itinututok ang bread knife sa batang nasa likuran ko.
BINABASA MO ANG
EXO's Bodyguard
Fanfic" A-ako?! Bakit naman ako? Tito naman, nagbagong buhay na ako. Ayoko nang bumalik ulit sa dati. Ang dami-dami nila tapos ako lang? Hell no! Sakit lang sa ulo ang mga yan! Tsk! " - Dara. Isang ex-gangster na magiging bodyguard ng isa sa pinakasikat n...