Chapter 20

3.4K 151 14
                                    

Chapter 20: Reali-TV?

> Tao's POV <

" Yah, panda. Gumising ka na. "

" Aray! "

Napabangon ako bigla sa kama at hinimas ang bewang kong tinadyakan ni Chen-hyung.

" Hahaha! Bumangon ka na dyan, kakain na tayo. " tawa nya saka umalis ng kwarto.

Psh~ tumayo na ako at pumuntang bathroom. Lumabas na rin ako ng kwarto para pumuntang kusina at kumain ng agahan. Naabutan ko silang kumakain na kaya umupo na rin ako para kumain.

" Gege, si D.O-hyung? " tanong ko kay Kris-gege na nasa tabi ko.

" Kitchen. Gumagawa ng agahan ni noona. " sagot nya nang hindi tumitingin sakin.

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya. Noona? Dara-noona ko? Sinilip ko si D.O-hyung sa kusina saka tumingin kala Chanyeol-hyung na kumakain pa rin.

Gusto kong pumunta ngayon kay noona kaya sinimulan ko nang bilisan ang pagkain ko.

* coughs coughs *

" Tao, hinay ka lang sa pagkain. " inabutan ako ni Suho-hyung ng tubig kaya inabot ko ito.

" Hahaha, gutom na gutom ka Tao ah? Anong nangyayari sayo? " tanong sa akin ni Luhan-gege.

" Dinaig mo pa si Xiumin-hyung ah? Hahaha! " tawa ni Chen-hyung.

" Ako na naman! " sigaw ni Xiumin-hyung sa kanya.

Hindi ko na lang sila pinansin at pinagpatuloy na lang ang pagkain. Nakita kong lumapit na sa amin si D.O-hyung na may hawak na plastic container.

" Guys, ibibigay ko muna to kay-- "

" Hyung ako na! " sigaw ko habang itinaas ang kamay ko.

Napahinto silang lahat sa pagkain at tumingin sa akin. Alam kong gusto nilang butasin ang katawan ko sa sama ng tingin nila pero sorry hyungs you will never defeat the great panda Tao! Hahahaha~ bleh!

" Tutal hindi ka pa naman kumakain hyung, ako na lang ang magbibigay nyan kay noona. " sabi ko saka ngumiti ng malaki at tumayo.

Good job, Tao. Ang galing mo talaga. *imaginary pats my shoulder*

" D.O, ibigay mo na lang yan kay Tao at kumain ka na dito. " utos ni Suho-hyung.

Napahinga muna ng malalim si D.O-hyung saka ibinigay sakin ang container na may lamang pagkain ni noona. Hindi ko na lang pinansin ang masamang tingin nya kaya inabot ko na lang. Yehey!

" Dalian mo kung ayaw mong iwan ka namin dito. " sabi ni Kai.

EXO's BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon