Chapter 24: Maze
LAY
" Noona. " Tawag ko kay Dara-noona na nakaupo sa bench habang umiinom ng beer. Nandito lang pala sya sa rooftop. Kanina ko pa sya hinahanap dahil bigla na lang syang nawala matapos naming ihatid si Luhan-hyung sa clinic ng SM Ent. Dito kami diniretso ni noona dahil iwas daw sa media at mas safe.
" Si Luhan? " tanong nya. Lumapit ako sa kanya at umupo malayo-layo sa tabi nya. " Maayos na sya, noona. "
Nakita ko syang tumango lang at ipinagpatuloy ang pag-inom sa beer in can nya.
" Noona, okay ka lang? " Napapansin ko kasing hindi sya lumilingon sa akin. Palagi lang nakatingin sa langit.
" There's a lot of stars tonight. " Napabuntong hininga ako. Hindi sinagot ni noona ang tanong ko. Napatingala rin ako sa langit. Tama sya. Maraming bituin ang nakakalat sa langit ngayong ala-una ng madaling araw.
" Jiji and I used to watch stars until dawn before. " Ha? Ji- ano?
Napalingon ako kay noona na nakatingala pa rin ngunit nakapikit na ang mga mata.
" Kunin mo raw ang pinakamalaking bituin gamit ang mga kamay. Ikulong mo raw ito saka bulungan at ihipan ang hiling papalayo. Makakarating iyon sa langit at matutupad ang wish mo. " malumanay na sambit nya. Napakunot ako ng noo. Hindi ko maiintindihan kung bakit nagkakaganito si noona ngayon.
Tahimik ko syang pinapanuod habang itinaas nya ang mga kamay sa langit na para bang may kinukuha. Isinirado nya ang mga kamao at itinapat sa bandang dibdib saka isiniradong muli ang mga mata. Hindi ko maiwasang mamangha sa ganda ni noona habang hinahangin ang kanyang mahabang buhok patungo sa kanyang mukha.
Dug. Dug.
Napatingin at napahawak ako sa dibdib ko. Ano to? Napalingon ulit ako kay noona na nanatili pa ring nakapikit at nagulat nang may isang luhang dumaloy sa kanyang kanang pisngi.
" Noona. " tawag ko.
Binuksan nya ang mga palad saka ito inihipan. Napatingala muna sya sa langit saka ibinaling ang tingin sa akin. Ang dating malungkot na mga mata kanina ay napalitan na ng malamig at matalim na titig.
" Let's check Luhan. " tumayo na sya at naglakad na pababa ng rooftop. Tinignan ko ang papalayong si noona.
' Sino ba ang Sandara Park kanina? '
---
" Stable na ang kalagayan ni Luhan ngayon. Natanggal na ang bala sa kanyang balikat at naagapan na rin ang sugat nya. Kailangan nya ng pahinga. Mas maganda siguro kung dadalhin natin sya sa ospital para mabigyan sya ng sapat na medical attention roon. " sabi ng doktor pagkapasok namin ni noona sa loob ng clinic. Nandito ang lahat ng mga kamyembro ko maski si sajangnim ay nandito rin.
Malungot akong napatingin kay hyung na maputlang natutulog sa clinic bed.
" No, its too risky. Hindi natin mababantayan si Luhan kung nasa ospital sya. Doon sya sa dorm magpapahinga. I'll provide a private doktor to check on him everyday. No need for the nurse 'cause we can take care of him. " madiin na sabi ni noona.
Napalingon ang doktor kay sajangnim para humingi ng approval. Tumango ito bilang pagsang-ayon.
" Okay, miss manager. Kukunin ko lang ang mga papeles ni Luhan para mailabas na sya rito sa clinic at maihatid na sya sa dorm. " ngiti ng doktor at lumabas ng kwarto.
" Dara-ah. " napalingon kaming lahat kay sajangnim. " Don't worry about what happen to the staffs. Safe silang naihatid sa kani-kanilang mga inuuwian. "

BINABASA MO ANG
EXO's Bodyguard
Fanfiction" A-ako?! Bakit naman ako? Tito naman, nagbagong buhay na ako. Ayoko nang bumalik ulit sa dati. Ang dami-dami nila tapos ako lang? Hell no! Sakit lang sa ulo ang mga yan! Tsk! " - Dara. Isang ex-gangster na magiging bodyguard ng isa sa pinakasikat n...