Chapter 15.2: SM Ent. Idol Groups? Part 2
" Annyeong! "
Biglang tumayo ang buong EXO at nagbow sa paparating na grupo sa kanila.
" Annyeong, ShiNee sunbaenim! " bati nito sa kanila.
Nanatili pa ring nakaupo si Dara at hindi man lang pinansin ang grupo na dumating. Itinuon nya lang ang sarili sa pagkain.
' What is it this time? '
" Bakit nandito kayo, thunbaenim? " tanong ni Sehun sa kanila.
" Urm.. kinakamusta lang naman namin kayo. " sagot ni Jonghyun kasabay ng pagngiti ng lahat ng kagrupo.
Napatingin sa isa't isa ang EXO saka bumaling ulit ang tingin sa ShiNee.
" Umupo muna tayo. " alok ni Suho.
Kumuha ng upuan ang ilang miyembro sa kalapit na mesa at umupo sa tabi nila.
" Kamusta na ang upcoming song nyo? " panimula ni Taemin.
" Malapit na naming irelease, hyung. " sagot ni Kai.
" Guys, sino sya? " itinuro ni Minho si Dara na busy sa pagkain at parang walang pakialam sa paligid nya.
" Ah, sya si-- " Naputol ang sagot ni Chanyeol.
" Yo, annyeong! " bati ng panibagong papalit na grupo sa kanila.
Nagtaka ang EXO sa nakita at napakunot ng noo.
' Super Junior-sunbaenims? '
Tumayo rin sila at bumati rito kasabay ng ShiNee. Umupo rin ang mga ito sa tabi nila. Halos matakpan na si Dara na wala paring pakialam sa dami ng lalaking nakapaligid sa pwesto nila.
Nakwentuhan ang lahat at nagkamustahan ngunit hindi parin mapigilan ng ilan na bumaling ng tingin sa di kilalang babae na kasama ng kanilang hoobae na EXO.
Habang busy ang lahat sa kanilang mini reunion ay umusod si Eunhyuk sa namumula na katabing si Donghae at inilapit ang bibig sa tenga nito.
" Fishy, sigurado ka bang sya yung babaeng tinutukoy mo? " bulong nya rito.
" Oo, sya nga yun. " sagot nito sa kanya at tumingin ulit kay Dara na busy pa rin sa pagkain.
Napapout si Donghae dahil hindi man lang sya binalingan ng tingin ng nasabing babae. Mula pagkakita nya rito sa counter hanggang sa paglapit nila sa pwesto ng kanilang hoobae ay hindi nya pinutol ang tingin rito. Mukhang wala itong paki sa kanila ngunit may misyon sya, ang mapalapit sa misteryosong babae.
Hindi maiwasang mapangiti si Minho sa tuwing tinititigan nya si Dara. Bakas rin sa mukha nito ang pamumula na animo'y lahat ng dugo ay napunta sa mukha.
" Hyung, baka mapunit ang mukha mo kakangiti. " kalabit ng katabing si Taemin sa kaniya.
Ngumiti lang ito sa kanya at bumaling ulit ng tingin kay Dara. Isa lang ang nasa isip nya, sisiguraduhin nya na makikilala sya nito.
Halos walang masabi ang lahat ng mapalapit sa pwesto ni Dara. Hindi sila makapaniwala na mas maigaganda ito sa malapitan. Hindi nga talagang mapagkakaila na dyosa ito.
BINABASA MO ANG
EXO's Bodyguard
Fanfiction" A-ako?! Bakit naman ako? Tito naman, nagbagong buhay na ako. Ayoko nang bumalik ulit sa dati. Ang dami-dami nila tapos ako lang? Hell no! Sakit lang sa ulo ang mga yan! Tsk! " - Dara. Isang ex-gangster na magiging bodyguard ng isa sa pinakasikat n...