Chapter 21: EXO Showtime Ep.1
Play: EXO - Let out the Beast
Ang EXO at ang kanilang magandang noona/manager ay kasalukuyang nasa dorm. Lahat ay may sari-sariling ginagawa. Nagsisigawan at naghihiraman ng kung anu-anong gamit sa isa't-isa. Hinihintay rin kasi nila na tawagin na sila ng isang staff para pababain at pasakayin na sa van. At dahil wala pa ito, hindi nila inaaksaya ang oras para linisin ang kanilang dorm sa utos ni Dara.
Dumating na kasi ang araw ng first shooting sa kanilang reality show. Lahat ay hindi magkanda-ugaga sa pag-aayos ng kanilang sarili. Kahit iniutos na magsuot ng casual na damit, hindi pa rin nila maiwasang magsuot ng maganda dahil gusto nilang maging presentable sa harap ng camera.
" Noona, ok na ba 'to? " tanong ni Tao kay Dara habang umikot ito sa harapan nya at inayos ang suot na fedora hat nito.
Tinignan muna sya ni Dara mula ulo hanggang paa saka tumango.
" Maglinis ka na. " utos nito.
Nakangiti namang tumango si Tao at nagthumbs up saka nagsimulang magpulot ng kalat. Lumabas si Dara sa kwarto nila Tao at Kris saka nagtungo sa kwarto nina Chanyeol at Baekhyun. Malinis ang kanilang kwarto maliban lang sa mga sumbrero na nagkalat sa sahig. Nakita nya si Chanyeol na nagsusuot ng sumbrero at nakaharap sa salamin
" Oh? " tanong ni Dara matapos nitong makalapit kay Chanyeol.
" Aish! Noona~ anong magandang suotin ngayon? " turo sa mga sumbrero na nakalagay sa kaharap na cabinet nito.
Napansin ni Dara na mahilig mangolekta ng sumbrero si Chanyeol dahil marami ang mga ito na tila ba halos sakop na ang kalahati ng cabinet ng lalaki. Pinasadahan muna sya nito ng tingin saka nagsimulang maghanap. Nakakita sya ng isang itim na sumbrero sa sahig na bagay sa damit nito saka pinulot nito.
Humarap sya kay Chanyeol at sinimulang isuot sa lalaki ang sumbrero. Dahil sa katangkaran ng lalaki, nakatingkayad si Dara sa paglalagay sa ulo. Nanatili pa ring nakatitig si Chanyeol sa magandang noona habang abala ito sa pag-aayos ng kanyang buhok. Hindi maiwasang mamula ang pisngi nya dahil sa lapit ang kanilang mga mukha.
" Done. " nagising sa ulirat si Chanyeol dahil sa boses ni Dara. Hinawakan pa nito ang kanyang balikat saka lumabas ng kanilang kwarto.
Naiwang parang istatwang nakatayo si Chanyeol. Tinapik nya ang kanyang dalawang pisngi para pakalmahin ang sarili. Inisa-isa nya na lang pulutin ang mga nagkalat na sumbrero para maiwasang maisip ang nangyari.
Naglakad si Dara sa sala at umupo sa sofa. Kinuha nya ang folder na naglalaman ng schedule ng EXO saka pinag-aralan ito. Lumapit sa kanya si D.O at ipinatong sa mesa ang dala nitong rice cakes at juice.
" Kumain ka muna, noona " ngiti nitong sabi saka umupo sa tabi nya.
Tumango naman si Dara at ibinaling ulit ang pansin sa folder. Ilang minuto pa ay tumunog ang sariling phone kaya sinagot nito ang tawag.
" Suho. " tawag ni Dara sa papalapit na si Suho.
Mukhang naiintindihan nito ang tawag nya kaya isa-isa na nitong tinawag ang mga kamiyembro sa tulong ni Kris. Lumabas na ang lahat saka sila bumaba sa papuntang parking lot. Pumasok na ang sila sa kani-kanilang van. Sumakay na si Dara sa kanyang motor, pinauna nya muna ang van ng EXO saka pinaandar ang makina at sundan ang mga ito.
BINABASA MO ANG
EXO's Bodyguard
Fanfiction" A-ako?! Bakit naman ako? Tito naman, nagbagong buhay na ako. Ayoko nang bumalik ulit sa dati. Ang dami-dami nila tapos ako lang? Hell no! Sakit lang sa ulo ang mga yan! Tsk! " - Dara. Isang ex-gangster na magiging bodyguard ng isa sa pinakasikat n...