Chapter 23

3.4K 166 72
                                    

Chapter 23: Highway Action

" J-jiji, hinababol nila tayo .. "

Ssshh Dada, baby, wag ka nang umiyak ok? "

" P-pero n-natatakot na ako .. "

" Wag ka nang mag-alala, poprotektahan kita. Nandito lang ako, hindi kita iiwan. "

" D-dara-ssi. "

Hindi pinansin ni Dara ang tanong ng staff sa kanya. Inilapag muna nya ang kanyang dalawang baril sa sahig at dali-daling hinubad ang winter jacket at binuksan ang bag nya.

Kinuha nya ang belt na naglalaman ng mga nakasabit na bomba, dagger at mga bala ng baril at ikinabit sa bewang nya. Nanlaki ang mga mata ng mga staff at EXO sa nakita. Ibinigay nya sa lalaking staff na nasa harapan ang bag nya.

" Hawakan mo. " utos nya.

" H-ha? " mautal-utal na tanong ng lalaki. Inabot nito ang bag at niyakap.

" Umupo lang kayo dyan. Huwag kayong tatawag ng pulis. "

Kinuha ni Dara muli ang dalawang baril at isinabit sa belt ang isa. Tumalikod sya at naglakad papunta sa nagmamaneho ng bus.

" Ajhussi, kahit anong mangyari magdrive ka lang. " utos nya sa matanda na ikinatango nito habang nakatingin pa rin sa daan.

" Buksan mo ang pinto. " utos nyang muli.

Ikinagulat ito ng EXO at nang mga staffs kaya napatayo ang ilan sa kanilang kinauupuan.

" Noona, anong gagawin mo?! " sigaw ni Chanyeol dahil malayo ang kanyang pwesto.

" Dara-ssi, mababaril tayo! " sigaw ng pang staff.

Lumingon ulit si Dara sa kanila. Makikita ang takot at pag-aalala sa kanilang mukha. Pawisan na ang mga noo nito sa tindi ng nerbiyos.

Binaril ni Dara ang mga ilaw na ikinatili ng lahat. Dumilim ang paligid sa loob ng bus. Tanging ang mga mumunting neon lights lang na nakadikit sa mga compartment sa itaas ang nagbibigay liwanag sa kanila. Makakatulong ito para hindi sila makita ng mga kkangpae sa loob ng sasakyan.

" Ajhussi, ang pinto! "

Natarantang binuksan ng matanda ang pintuan ng bus.

" YUKO !! " sigaw ni Dara.

* BANG BANG BANG *

" AAAAAAAAAHHHHHHHHH !!! "

Nagsiyukuan ang lahat para magtago sa kani-kanilang upuan. Lahat ay takot sa kung anong nangyayari sa kanila. Gusto nilang mabuhay pa.

Hindi ininda ni Dara ang lamig ng hangin na tumatama sa kanya. Binabaril nya ang mga nasa loob ng mga sasakyan gamit ang kanyang kanang kamay samantalang ang kabila ay nakahawak sa metal bar malapit sa pintuan. Ang kalahati ng katawan niya ay nasa labas na ng bus.

EXO's BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon