Ae POV
Pagkapasok ko sa port ay muntik na akong mahulog kung hindi ko lang nabalanse ang aking katawan. Pusang gala nga naman oo. Sa lahat ng matuntungan ko dito pa sa may sanga ng puno? Kung sineswerte ka nga naman.
Habang busy ako sa pagbalanse ng aking katawan ay hinanda ko na ang aking sarili at in-activate na ang aking senses. Yes senses.
Maya-maya pa ay tumawid ako sa kabilang puno at sinubaybayan ang aking ibaba. Malinaw na malinaw para sa akin ang lahat, ang malayo ay nagiging malapit lang sa akin. This is one of my senses, sense of sight. It enhance 10km apart and can be upgraded if sinasanay ko ang aking mga mata sa pakikipaglaban.
Inayos ko ang aking weapon ng may makita akong malaking oso sa di kalayuan. It was a big big black bear and seeing those one is a wonderful thing for me. Ngayon lang kaya ako nakapunta sa gantong sobrang magical, kahit na nasa illusion lang ako ngayon, atleast diba naka-experience.
Pagkatumba ng oso ay madali akong pumunta sa kinaroroonan nito at madaling inilagay sa aking space ring. Lahat kami binigyan nito, syempre, alangan namang literal na bitbitin ko lahat ng napatay ko diba, edi nanakaw na yun. Because of my sense of hearing ay may naririnig ako di kalayuan kaya tumakbo ako dun. Nagtago muna ako sa may mga damo at sumilip. There I saw a medium size cobra at kapag sinu-swerte ka nga naman, dalawa pa ito at naglalaban.
I immediately took my bow and arrows at itinutok ito sa kinatatayuan ng dalawa. Pumwesto ako kung saan isang tirahan lang ang dalawa and a couple of seconds ay patay na ang dalawang cobra. Oh well, pinuntahan ko ang dalawa at nilagay ito sa space ring ko.Maya-maya pa ay may isang ka-edad ko lang din na lumabas. Tinignan nya ako mula ulo hanggang paa at parang inusisa. Problema mo teh? Di ka naman insecure siguro?
"Oh hi?" Panimula ko dito pero si ate tinaasan lang ako ng kilay? Aba taray ni ate?
"Hoy bata hindi ito playground." Maangas nitong saad pero di ko na lang ito pinansin at tinalikuran na lang ito. Pero syempre, diba nga di sya papatalo? Ayun hihilahin nya ang aking magandang fake hair pero inunahan ko na sya at mula sa kinatatayuan ko ay nag-back flip at agad na tinuhod ang kanyang alak-alakan kaya napaluhod ito at saka ko tinaga ang kanyang batok kung saan mawawalan sya ng malay. Ng sigurado akong di na sya gumagalaw ay nag-flip ako ng hair bago umalis at nagsimula na ding mag-hunting.
Pag-kalabas namin sa Portal ay lahat kami ay nanghihina. Syempre ako din, nakakabawas kaya ng stamina ang pag-hunt ng hayok kakaloka.
"Woaahh, Good job Primiarians, And as I can see, halos lahat sa inyo ay nakapasok at ang iba ay di pinalad, better luck next time guys." Iba din tong assistant na ito eh no? Di mo alam kung nang-eencourage ba o sadyang nangangasar lang.
"So form a line guys dahil ilalagay nyo ang space ring nyo dito sa ibabaw ng counting table para malaman na natin kung saan kayo mapapabilang." At dahil excited ang lahat para malaman ang kanya-kanyang sections, at syempre dorm narin ay nagmadali silang pumila. Ang pagkakaalam ko sa sorting ceremony pa ang dorms kaya hindi pa din kami makakapagpahinga. Oks lang sa akin as long as nandito na ako at makakapag-aral.
"Bie Ae! Grabe napagod kami dun ha." Sabi ni ate Ire habang walang pakielam na pinunasan ang mukha gamit ang kanyang t-shirt. Iba din hahah, dugyot din pala kumilos ang isang to. Halata sa kanila ang pagod at mukhang napasabak sila dahil sa mga gasgas at sugat na natamo nila sa loob ng port. Di na impossible kasi short range ang weapon nila, samantalaga long range ang akin, pero pwede din namang short range kung yung arrows lang ang gagamitin ko at bows sa panghampas.
"Oo nga bie, nalulungkot ako kasi feeling ko mapapahiwalay kami sa iyo, see yourself? Even naka-dress ka parang wala pa ring nangyari sa'yo, kami mukhang haggard at muchacha, ikaw isang dakilang prinsesa." Napatawa naman ako sa sinabi nya. Isa din kasi sya, napakarami nya ring natamong galos at sugat. Di naman ako nagwo-worry kasi pagagalingin naman sila.
BINABASA MO ANG
Disguise Properties
General FictionEvery person have their own personalities, some of them can change their moods based on their situations, some of them was changing their moods because it was normal for them. Some people were covering their specific personalities because of such ce...