Someone's POV
Nakahalukip-kip lamang sya sa sulok at inaantay ang pagdating ng isang bigatin na artista. Pina-anyayahan kasi sya ng kanyang manager na kung pwede ay asikasuhin nya ang artistang darating. Naka-makeup sya ng pang horror, but not that na tipong matatakot ka talaga. Ang isang bahagi ng mukha nya ay may mga nakaguhit na iba't ibang klase ng mga bulaklak, at sa kalahating mukha naman nya ay mukha ng isang sirena. Pinalilibutan ng mga kaliskis na kulay Aqua green hanggang sa maging neon blue. Tapos ang kanyang pulang buhok ay nakatali sa dalawa.
Naka-suot sya ng uniform ng isang maid, black and white ang kulay nito, at nakaboots sya ng kulay pula.
"Zei! Mabuti at nandito ka na, pagpasensyahan mo na kung natagalan kami, ikaw na ang bahalang magtour sa kanya sa loob ng Leiua Corporation." Sinagot ko na lamang sya ng ngiti kung kaya't umalis na sya at para bang nagmamadali.
"What's with the outfit?" Tanong ng isang taong kasama ni manager at napaka-baritono ng boses nito, kaya't napatingin ako sa gawi nya.
"Got a problem with my outfit sir? If you have a problem, then I can call other person to be your guide." Pagmamataray ko dito. Hindi porket bigatin sya ay di ko na sya papatulan. Di naman ako takot mawalan ng trabaho eh. Nambibwiset ang isang to.
"Tsk. Just start touring will you?" Aba aba, at sya pa ang may ganang mainis? Eh sa inaakto pa lang nya ay hindi na sya kagalang galang! Nakakainis ang isang to.
"But before touring, what's your name?" Dude akala ko ba nagmamadali ka? Oh eh bakit parang ayaw mo naman kitang i-tour?
"Zei!" Inirapan ko muna sya bago nagsimulang lumabas ng backstage. Oo sa backstage ako nag-intay at hindi sa opisina ni Manager.
"Your attitude Ms." Saad nito pero napatalak na lang ako at di na lang tumugon sa kanya. Aba porket sya ay isang BIGATING GUEST ay magsisiga-sigaan na sya? Itapon ko sya sa mars maintindihan nya.
"This is the auditorium room." Saad ko at itinuro ang room kung saan kami nag-voice record. Ehem, syempre kahit papaano ay may boses din naman ako at napapasali dyan hakhak.
Nagpatuloy kami sa pag-iikot at thank goodness kasi ang tahimik nya lang at para bang malalim ang nasa isip nito.
"Ms. Did we met before?" Napaharap naman ako sa kanya ng nakapameywang, aba't matindi din pala kung mag-imagine ang kulogo ha!?
"No! And never, ngayon nga lang kita na-encounter tapos sasabihin mong nagkita na tayo! Ha!" Inismidan ko ulit sya at tinalikuran. Ayaw ko sa mga lalaki ay pasikat, nakaka-irita masyado ang kahanginan nila. Nakakasuka.
"Tsk, parang nagtatanong lang." I stiffened when I hear him talking to me in tagalog language. Aisshh, baka guni-guni ko lang yun. Imposible, tama, napaka-imposible.
"Tara na nga, pupunta tayo sa pinag-shoo-shootingan ngayon ni Ms. Ad." Nagpasimula na akong maglakad at dama ko naman ang pagsunod nya. It's been a while since I've gone here for so long. I think two months or three. Neither the two, and a lot of changes takes place. I really don't know, but when the news burst out that Adellein will join to Legendary Troop, the rank 1 troop of Leiua Corp, everything change. We lost our position, at para bang tinatamad ng lumaban ang mga ka-grupo ko. Wala ng may lakas ng loob para kalabanin ang Legendary Troop. Napapag-iwanan na ng ibang troops ang Lynx. Kung dati ay nakaka-first place pa kami. Ngayon hindi na.
"What do you think about Adellein Morrei?" Biglang basag sa katahimikan ni Zame, yes si Zame ang kasama ko ngayon. Hindi naman sya talaga arogante, haha I'm just kidding, takot lang akong ilabas ang iba kong nararamdaman. And to think na, may pagka-arogante ang character ko ngayon.
BINABASA MO ANG
Disguise Properties
General FictionEvery person have their own personalities, some of them can change their moods based on their situations, some of them was changing their moods because it was normal for them. Some people were covering their specific personalities because of such ce...