Zaique's POV
"Ang unang pokus natin ay ang pagpapalabas ng guardian spirit ng bawat isa, makakatulong iyon dahil mas mapapalakas nito ang bawat indibidwal." Ang pasimula ni Principal Etaim sa meeting namin ngayon. Importante ang pagpapalakas ngayon dahil kakailanganin naming bantayan ang mamayan ng Egamie's World, at kailangan namin silang protektahan dahil hindi namin alam kung dito lang ba nanakop ang mga Teneberians o may ginagawa din sila sa kabilang mundo.
Hindi ko alam ang balak ni Aexza kung bakit nandoon sya sa kabilang mundo pero parang nahihinuha ko na kung bakit. Kailangan na rin ng dalawa ko pang kapatid na bumalik dito."At sa napag-usapan, ang House of Royalties ang mag-guide sa ibang House kasama ang ibang Teachers. Raiz Xei, you need to be with them, Itotoka kita sa House of Crystalier together with Zaccheus Leiua and Zaique Xin, you need patience kapag pumasok kayo sa House na yon, alam nyo naman siguro ang rumors about them, they are stubborn, wicked and ma-pride, kaya kailangan nyong pukpokin sa training ang mga yon. I will trust them in your hands." Tumango kaming tatlo sa sinabi ni Principal Etaim, totoo ang lahat ng sinabi nya, sumunod kasi sa malakas ang mga iyon, at talaga naman mapapride ang mga tao doon, feeling nila alam na nila lahat.
"Next is Win Die, I will entrust on you the House of Falcon together with, Princess Ilva Cia, Allie Zon, and Yena Zyr. Kayo ang inatasan ko dahil alam kong kaya nyo silang hawakan. Mababait naman ang mga tao doon kung kaya't hindi na kayo mahihirapan pa. Maasahan ko ba kayo?" Sumagot naman silang apat kaya tumango tango na lang si Etaim. House of Falcon, sila ay malalakas din at hindi mahirap turuan, higit sa lahat madaling pakisamahan. Sila ang House na masasaya lang kasama at parang walang problemang kinakaharap.
"Then in the House of Wolverine, their professor will be Fiel Win, Byn Zeir and Xeira Zan, kahit naman matatapamg ang mga yon ay may takot pa rin naman sila sa mga taong alam nilang malalakas kaysa sa kanila. Madadali lang din naman silang turuan kaya hindi kayo magkakaproblema." Tango lang ang isinagot nila Xeira at Byn. Nako, tinakasan na naman ng dugo ang katawan ni Byn at napunta sa mukha. Well kung di nyo natatanong, may lihim na pagtingin ang aking matalik na kaibigan sa isa ko pang matalik na kaibigan. Nako, apakamanhid kasi nitong si Xeira. Hayaan nyo na nga.
"And lastly, the House of Valmier, as you can see, malalakas din ang mga member doon like Crystaliers, pero unlike the latter, marunong naman silang gumalang at makisama. Kaya hindi kayo magkakaproblema. Prof Kie Rex, you will be incharge together with Amien Zan and Hae Ran." Tumango naman ang dalawa. Naalala ko na naman si Aexza, ano na bang ginagawa ng babaeng yon? Hay naku may sariling mundo kasi ang isang yon.
Nagulantang kami ng may bigla na lang sumulpot sa harap namin. At lalong nanginig ang kalamnan ko ng makilala ko kung sino iyon.
"Za!" At tae ka talaga Weiz! Ako yung kapatid inunahan mo pa ako?
"Aexza! Anong nangyari sayo? Bakit duguan ka?" Naalerto naman silang lahat ng marinig nila ang pangalang binanggit ko. Gulong gulo ang mahaba at puti nitong buhok, habang sugatan sya at nababalot na sa pulang dugo ang puti nitong damit. Sugat at hiwa kung saang saang parte ng kanyang katawan. Agad syang dinaluhan ni Prof Fiel at inabisuhan ang mga nagdurugong sugat ng kapatid ko. Inalalayan naman ni Weiz si Aexza at sinandal ang ulo nito sa kanyang dibdib.
So, alam pala ni Weiz ang tunay na itsura ni Aexza? Hay ano pa nga bang aasahan ko?"S-si Aexza yan!?" Gulat nilang tanong, hay nako kanina pa pala nakatulala ang mga ito at hindi makahinuha sa mga kaganapan sa paligid. Sabagay, hindi naman kasi nila talaga mahahalata dahil naka wig ang kapatid ko ng mga nakaraang nandito sya.
Maya-maya pa ay maayos na ang kalagayan ni kapatid at humiwalay na sya sa bisig ng magaling kong kumpare. Makatyansing ang kumag wagas eh.
"Kuya Zai, inabisuhan ko na sila Kuya Zeque at ate Areiza tungkol sa mga Teneberians, pakalat-kalat na ang mga ito sa mundo ng mga tao. Pumapatay sila doon at sa hinuha ko ay ginagamit nila ang pagkatao ng mga taong pinapatay nila. Hindi ko alam kung bakit nila iyon ginagawa." Napabuntong hininga sya at tiningnan kami isa isa. Parang iniisip nya kung bakit magkakasama ang Royalties at Prof sa isang kwarto.
BINABASA MO ANG
Disguise Properties
General FictionEvery person have their own personalities, some of them can change their moods based on their situations, some of them was changing their moods because it was normal for them. Some people were covering their specific personalities because of such ce...