Someone's POV
"Where is Tres? Lagi na lang syang wala sa pagpupulong natin!?" Padabog na nilagay ng master nila ang Folder pagkapasok nya sa meeting hall. Si Tres agad ang hanap nya dahil buwan na ang binilang pagkatapos na mailagay sya sa posisyon nya ay hindi na muli ito nagpakita.
"Master, kilala mo naman sya hindi ba? Marami iyong pinagkakaabalahan." Saad ng leader ng grupo na si Uno, napabuntong-hininga na lamang ang master nila at napailing.
"Ano bang gagawin ko sa batang iyon? Importante--" hindi nya natapos ang sasabihin nya dahil may bigla na lamang nagbukas ng pinto at inilabas nito ang isang babaeng naka hoodie at jeans na pinartneran nito ng boots na hanggang binti ang taas, nakamaskara ito ng black na may nakaukit na black rose sa half part, at nakalugay ang mahaba nitong buhok na black at may highlight na grey sa duluhan nito.
"Woaahh, ganda ng entrance natin bunso ah." Nakataas na paang sambit ni Dos kay Tres na bagong pasok at umupo sa tabi nito. Nakipag-fist bump pa ito bago tinanguan ang leader nila.
"Mabuti at nakarating ka ngayon Tres? Akala ko ay di ka na sisipot." Hindi rin nila matukoy kung mabait ba talaga itong master nila or what, kasi sa lamig ng boses nito na parang papatay anumang oras.
"Busy lang sa acads master, sorry." Pag-paumanhin ni tres kung kaya't napabuntong-hininga na lang ang master nila, ano pa nga bang magagawa nya kundi ang paamuhin lahat ng myembro ng kanyang agency. Somehow, maswerte pa rin sya sa mga naging agent nya dahil mababait at mga masunurin ang mga ito, kahit si tres na laging liban ay nagpapaalam pa rin naman sa kanya ( kahit papaano).
"Okay so we will discuss on how we will divide our security to the actresses and actors of Leiua company, nagsisimula ng kumilos ang iba't ibang kompanya, para lang mawala sa landas ang mga artistang sikat sa company na under supervision natin." Palihim na napairap si tres dahil dito.
"Kailangan pa ba yon? Mga maarte naman ang mga iyon, walang mga alam sa martial arts miski pag-gym nga kinatatamaran, puro kaartehan lang naman ang alam." Saad nito sa isipan, pero bukas pa rin ang kanyang tainga sa pinag-uusapan.
"Master can I have a suggestion?" Di na sya nakatiis at nagtaas na sya ng kamay.
"Yes what is it?" Tanong ng kanilang master sa may mababang tono.
"Hindi ba pwedeng turuan yang mga artista, na kahit basic martial arts man lang? Hindi yung pinapairal ang kaartehan sa katawan.tsk." pabagsak syang umupo at umirap.
"Tama ka, pero ang problema, masyado na silang abala sa kanilang mga trabaho kung kaya't wala na silang oras para sa mga ganoong bagay." Pag-kontra ni Quatro sa sinabi ng dalaga kaya palihim syang napa-irap, porque may nagugustuhan lang ang mga ito ay ganito na lang sila kung umasta.
"Ikaw ba Tres, hindi ka ba nababahala na may mangyaring masama kay Zame Zi?" Hirit pang segunda ni Quatro pero as usual, umismid lang sya.
"Why would I, If he can manage those goons?" Napa-cross arm na lang ang dalagita, ramdam naman nya kasi sa isang tao kung marunong ng self defense or what. Even those thin guys out there can manage those basic tricks to fight some goons.
"Tsk palibhasa--" pinutol ng master nila ang pagtatalunan ng dalawa kaya napa-ismid na lang si Quatro.
Masama kasi ang loob ni Quatro kay Tres dahil sa baguhan pa lamang ito ay natalo nito sya agad, hindi naman kasi mapag-kakailang mas malakas si Tres kaysa sa kanya, isipin pang natalo sya ng isang babae ay nakakababa na ng tingin sa isang lalaki.
[ You might encounter some errors, pero Quadro and Quatro was the same person, na-iiba lang po ang tawag. Thank you for the love and support. <3 ]
BINABASA MO ANG
Disguise Properties
General FictionEvery person have their own personalities, some of them can change their moods based on their situations, some of them was changing their moods because it was normal for them. Some people were covering their specific personalities because of such ce...