Aexza's POV
Napakamot na lang ako sa aking leeg ng marinig ang lahat ng balita nya tungkol sa Academy. Kainis na mga Teneberian yan palagi na lang sumasalisi sa lahat ng plano ko! Una ang pagpatay kay Ad, eh bwiset naman kasing traydor yan! Nakakaimbyerna talaga ang pagpapanggap nya, kapag talaga hindi sya tumigil, at kapag dumating ang araw na may pinatay pa sya ay hahuntingin ko talaga sya kahit ano pang palit nya ng pagkatao nya!
"Kailangan kitang i-train para sa pagpapalabas mo ng Spirit Animal, hindi biro iyon Za, kaya pinahintulutan ako ni Master Fore para dito." Napabaling ang tingin ko sa kanya bago muling binalik ang tingin sa makina ng patahian at nagsimula na ako sa aking gagawin.
"Can I- uhh- Can I take a look of your Spirit Animal?" Napakamot ako sa aking leeg dahil sa hiya na aking nararamdaman. Ano ba ito, gusto ko lang naman kasi makita ang Spirit Animal nya para naman magkaroon ako ng konting inspiration. Konti lang naman.
"D-do you have the barrier, H-here?" Uhh uso yata pagkautal ngayon. Hindi kasi maipagkakailang nagkakailangan kami dahil sa nangyari kagabi. Muli ay pinamulahan ako ng aking pisngi at palihim na kinagat ang aking labi. Kinalma ko ang aking sarili at muli ay ipinokus ko ang tingin sa aking ginagawa at napabuntong hininga.
"Y-yeah. We must have, because sometimes we can't control our power and it was leaking, ayaw naman naming ma-caught ang attention ng mga kalaban." Sinabi ko yun ng hindi tumitingin sa kanya at sa tinatahi ko lang. Naiinis ako sa sarili ko dahil muntik na talaga akong bumigay, buti na lang at natauhan kaming dalawa kagabi. Aarrgh, sabi na kasing wag magtatabi ng higaan eh. May patampo-tampo pa kasing nalalaman, ayan, aisshh kakarume.
"Uhh Yes." Naramdaman ko na lang ang pagkalma ng paligid at ang muli kong naramdaman ang mabigat nyang aura, mabuti na lang at sinanay ko ang sarili ko para dito, para di na ako bumagsak mula sa pagkakatayo. Nasa meditation pose sya at nakapikit, maya maya pa ay nakikita ko na ang itim nyang aura at pinalibutan sya nito. Manghang-mangha ako sa nakikita ko lalo na ng magkaroon ng Void Portal sa gilid nya, at doon ay may lumabas na itim na NINE TAILED FOX!? Ang gandara!
Unti-unting nawala ang itim na nakapalibot sa kanila at kumalma ang kapaligiran at nagmulat na sya ng kanyang mga mata. Ngunit namangha ako ng makita ko ang pagbabago ng kulay na nya. It was Golden Orbs at nakakabighani naman talaga iyon.
Inilahad ko ang aking kamay sa harap ng Fox nya kaya tumingin ito sa akin. Dahan dahan ay lumapit sya sa akin kaya niyakap ko sya.
"Ang lakas ng enerhiyang dumadaloy sa iyo." Ang nasabi ko na lang na sinagot nya naman ako ng ungol. Hanggang ngayon ay namamangha pa din ako dahil sa taglay nyang kagandahan.
"Ipinakita ko lang kung paano magpalabas ng Spirit Animal sa unang pagkakataon, pero maari mo na syang isummon kapag tinawag mo lang ang pangalang ibinigay mo sa kanya." Napangiti akong binaling ang tingin sa Spirit Animal na nasa harap ko at hinaplos ang malambot na itim nyang mga balahibo.
"Anong pangalan mo?" Tanong ko sa kanya kaya napatingin sya sa akin. Kuminang ang mga mata nya at lumapit sa may leeg ko at kinuskos ang mukha nya dito kaya napatawa ako.
"Ae---" naudlot ang sasabihin ni Zyax ng may banggitin na pangalan itong kayakap ko ngayon. Napangiti naman ako sa sinagot nya at tumingin sa lalaking nakayuko ngayon at kita ko ang pamumula nya ng tenga. How adorable he is when he's embarrassed.
"Ikaw ba ang nagbigay sa kanya ng pangalan?" Napatingin sa akin si Zyax at nakakunot ang noo nito at napatingin sa kayakap ko ngayon.
"Did you really understand what he says?" Napatango akong ngumiti sa kanya habang hinahaplos ko ang balahibo nya. Ramdam ko ang kasayahan sa kanya kaya hinayaan ko sya sa aking mga bisig. At muli ay binaling ang tingin sa lalaking kaharap ko ngayon.
BINABASA MO ANG
Disguise Properties
General FictionEvery person have their own personalities, some of them can change their moods based on their situations, some of them was changing their moods because it was normal for them. Some people were covering their specific personalities because of such ce...