D.P_23

2 2 0
                                    

Xeira's POV

Currently nandito kami sa office ni Principal Etaim dahil pinatawag kami. Sina Allie, Princess Ivy, Zaique at ang dalawa nyang kapatid na sina Zeque at Areiza, si Byn, Hae, Yena, Amien At Zaccheus. Lahat ng Royalties pinatawag liban na lang kayna Aexa my bebe at si Weiz,  may sariling mundo ang dalawa at hindi na pinatawag ni Principal.

"So I guess we're now complete, shall I start?" Tanong naman ni Mr. Etaim kaya tumango na lamang kami bilang pag-sang ayon sa kanya.

"I called you because,  I will give you a mission,  Ilang buwan na itong nakalagay sa bulletin pero ni isa sa inyo o sa ibang level ay hindi ito pinapansin,  wari ko ay sobrang abala nyo sa pagpapalabas ng inyong spirit animal. Kung iniisip nyo ang maiiwang trabaho? Don't worry,  those students who are be able to call their Spirit animal will be your substitute." Nakinig lang kami sa bawat sasabihin nya at hindi na kami umangal o kumontra pa. Iilan pa lang sa mga royalties ang nakapagpalabas ng spirit animal, those are,  Zaique for the first, Si Byn with his Dove, but not just a normal dove,  pwede ito magtransform.

The siblings of Zaique, hindi talaga pangkaraniwan ang pamilyang Xin,  sobrang lalakas nila pero tinatawanan lang nila ang mga bagay bagay,  parang go easy go with the flow lang sila. Si Weiz with his Nine tailed fox. And me ofcourse, I have my oh so lovely cutie bear. White bear to be exact,  isang mystical beast.

On the process pa rin ang mga natitirang royalties,  sobra kaming nahihirapan,  inaabot kami ng dalawa at tatlong araw para lang magpalabas ng spirit animal,  at sa loob ng mga araw na iyon,  bugbog sarado ang katawan namin dahil sa leaking of egamie.

"Ipapadala ko kayo sa City ng Eiren, binabagyo ng snow at yelo don,  ilang buwan na ang lumipad pero kada araw ay palala ng palala ang sitwasyon nila doon. Sa tingin namin ni master Fore ay may source ito kung bakit ganoon ang nangyayari sa lugar ng Eiren City." Doon kami nanggaling Ni Hae, sa City ng Erien, pero ng dahil sa pagiging abala hindi na kami nagkakaroon ng oras para makibalita sa mga magulang namin. Sana ayos lang silang lahat doon.

"Xiera,  Hae,  I will entrust this matters to you, kayo ang gagabay sa kanila okay?" Tumango kami sa sinabi ni master at sabay kaming nagkatinginan ni Hae pero nagkaiwasan din. Namula pa ako at ramdam ko iyon. Pero umiling-iling na lang ako bago tumingin kay Amien ng marinig ko itong nagpipigil ng tawa. Pakikutusan nga ang isang yon. Tsk.

Pagkaraan ng ilang minuto ay lumabas na kami at sabay sabay na kaming nagtungo sa House namin para makapaghanda na kami sa pag-alis. Tumabi sa akin si Amien at naramdaman ko na lang na kinurot nya ako kaya sinamaan ko ito ng tingin,  pero ang huli ay pinipigilan ang tawa nya.

Hinila ko ang buhok nya at binulungan ito...

"Sabihin kita kay Principal,  may umaaligid sayong lalaki." Pagkasabi ko non ay humagalpak ako sa tawa kaya naman nagcause iyon para tumingin sa gawi ko o namin ang mga mata ng estudyante.

"Bwiset ka Xiera!" Hinila din nito ang buhok ko bilang ganti. Naghilahan lang kami ng buhok na parang bata hanggang sa makarating kami sa House namin. Bubuksan na sana ni Zaique ang pinto ng makarinig kami ng halakhakan ng dalawang tao.

"Sabihin kita kay Kuya! Sinira mo yung robot nya! Hahahahah!" Hindi muna binuksan ni Zaique ang pinto at nakinig muna kami. Dahil isa kaming dakilang tsismoso at tsismosa.

"Wag ka nga dyan maingay Za! Eto na nga inaayos ko na eh! " parang taranta pa sya sa pagsambit nun. Maya-maya pa ay nakarinig kami ng kalabog kasabay non ay ang malakas na paghalakhak ng babae sa loob. Kaya naman binuksan na ni Zaique ang pinto at nagulantang kami sa aming naabutan.

Magulo ang loob,  as in magulo,  yung chandellier namin sa loob ay gumegewang na,  yung TV namin ay kulay itim na, yung mga sofa nakatumba na, mga gamit at frames ay basag basag na,  at higit sa lahat,  ang isang lalaking robot na dapat na ireregalo namin kay Principal Etaim ay....

Disguise PropertiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon