Zei's POV
"Ikinalulungkot namin ang pagkawala ni Adellein Morrei, Ms. Rin Drex, hindi natin inaasahan ito dahil biglaan ang nangyayari. Hindi namin alam ang mga susunod na magaganap lalo pa at paparating ang concert ni Mr. Zame Zi at ang Cosplay Event, ng dahil sa nangyari nawalan tayo ng isang contestant, pero may nahanap din naman kami na papalit dito." Mahabang salaysay ni Madame Lyz sa manager ng Vyre Troop, ang kinabibilangan ng yumaong si Adellein Morrei.
Tumango na lamang ang malungkot na si Madame Rin bago umalis, ramdam ko ang kakaibang kilos nya pero hindi ko na lang pinansin pa, pinagsawalang bahala ko na lang ang aking nakita, siguro naman ay alam nya ang mali at tama at alam nya kung ano ang dapat gawin sa mga magiging desisyon nya, kapag nabalitaan kong napahamak sya, katangahan na nya iyon at hindi ako mag-aaktong naaawa.
Hindi kami masaya dahil sa nawalan kami ng katunggali, hinahangaan din nila ang nasawing artista at kahit na ganoon ay may natitira pa rin naman kaming respeto sa artista. Ibinurol na si Ad matapos makunan ng mga detalye ang nalabi nito bago ibigay sa kapamilya. Malungkot ang lahat dahil sa sinapit ng dalaga pero hindi naman maaaring maudlot ang mga events na gaganapin.
"Zei, you're the contestant no. 8, at ang no. Ni Adellein ay no. 3, but because of the circumstances, I had another cosplayer that will obtain that no. Her name is Heya Aze." Tumango-tango ako bago tingnan ang batang actress na sa palagay ko ay nasa katorse lamang. Sobrang bata pa nya pero nalalaman kong may potensyal sya sa larangang ito.
"Ah! I forgot, Mr. Zame Zi wants your presence at his office, he wants your assistance, nabanggit ko kasi na magaling kang tumugtog ng mga instrument kaya naman naaliw sya at gusto ka nyang makitang tumugtog." Palihim akong napairap dahil sa sinabi ng manager ko. Kakainis to kahit kailan, lagi na lamang akong binubugaw kahit kanino.
Pero as usual hindi ko na lang sya sinagot."O sya sige na pumunta ka na doon, kanina ka pa hinihintay ni Mr. Zi, and by the way, your character is so awesome." Napairap na lamang ako ng kindatan nya pa ako bago ako tumalikod at lumabas ng meeting hall. Kahit kailan talaga pinapangunahan nya ako, pero mas okay na siguro yon, dagdag panggastos na rin. Magastos ako dahil lagi na lang akong kumakain, lalo na pagdating sa mga matatamis.
Before I forgot, nagrandom pick na lang ako ng character ko ngayon, at naisipan kong gayahin si Pain, lahat ng katangian nya ay ginaya ko kaya nagsusungit ako at tahimik ngayon, let see kung tatagal ba sa akin ang Zame Zi na yon, napakaarte. Mapa-panlabas na anyo ni Pain, sa mata sa mga nakasaksak sa katawan nito at sa suot nitong damit ay ginaya ko, ano pa at nagcosplay ako diba, pati na rin ang pag-uugali nito. Kahit na expose ang mukha ko ay hindi ako magagagwang makilala dahil si Pain ako ngayon at hindi si Zei o ang pagkatao kong tunay.
Nakarating ako sa office ni Zi at hindi na ako kumatok ngunit naisara ko ulit iyon at walang emosyon akong tumitig sa pinto. Tsk, mga nakakadiring bagay ang aking nakita na sana ay hindi ko na lang naabutan pa. Rinig ko pa rin ang ingay nila mula rito pero nag-intay lang ako kahit na nakakalaswang bagay ang naririnig ko.
Sino? Si Zame Zi at ang kalampungan nyang si Madame Rin, akala ko nagluluksa pero parang tinawag ng kalamnan at ganto ang naabutan ko. Mga walanya, nakakadiring isipin, mabuti na lamang at hindi ako malapit sa kanila dahil baka kung ano na ang gawin ko sa lalaking iyon.
"Z-zam, uhh, let's stop this..." Napairap ako dahil nagsasalita ito na parang nahihirapang huminga, kung wala lang akong business dito iniwan ko na, pero teka nga ano bang pakielam ko diba? Nagkibit balikat na lang ako at nagpasimula ng umalis doon sa harap ng opisina nya. Nakakadiri ng lumapit dito at kahit na ano pang proyekto nito ay hinding hindi ko na tatanggapin. Pwera lang sa isang yon, kailangan kong gawin yon, hindi naman kami masyadong nagdidikit at hinding-hindi talaga ako didikit sa kanya, nakakadiri, baka mahawaan pa ako ng aids.
BINABASA MO ANG
Disguise Properties
General FictionEvery person have their own personalities, some of them can change their moods based on their situations, some of them was changing their moods because it was normal for them. Some people were covering their specific personalities because of such ce...