Someone's POV
"Uno, bakit hanggang ngayon ay wala pa din si Tres at Quatro?" Tanong ni Dos habang hinihipan ang umuusok pa nyang kape. Ilang oras na ba sila dito sa Quadra nila? Lima o Anim? Hindi na nya matandaan, hindi pa rin kasi nagpapakita ang Master nila, binilinan pa naman silang huwag aalis ng quadra nila hangga't hindi ito umaalis, kung kaya't inaaliw ni Uno ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pagbuklat ng iilang identification forms.
"Dos, nabalitaan mo ba na, nasa panganib ang buhay ni Ad ngayon?" Nangunot naman ang noo ni Uno at minadali ang pagbuklat sa sinabing palayaw ni Sinko. Tatlo lang sila ngayon, dahil hanggang ngayon, wala pa silang balita sa bagong recruit ng team nila.
"Huh? Bakit naman, may kahina-hinala ka bang nabalitaan sa actress na yon? Ang balita ko, sasali daw ang isang yon sa Cosplay Event sa Leuia." Patuloy pa rin ang kanyang isipan sa pakikinig kahit na ang mga mata nya ay binabasa ang mga impormasyon ng mga actor at actress na kailangan nilang subaybayan. Hinire kasi sila ng Leiua Company para maging Eye ng mga actresses at actors ng nasabing kumpanya.
"Hmm. Kaya kailangang kumpleto tayo kapag pumunta sa event na yon. Hindi natin masasabi ang mangyayari, kailangan nating bantayan ang babaeng yon. Isa yon sa panlaban ng Leiua Corp." Anas ni Uno, si Uno ang nagsisilbing leader nila, lalo na at nagiging busy na ngayon ang kanilang master.
"Isa pa ang bagong Actor na nag-sign ng contract sa Leiua Corp. Dagdag na naman iyon sa susubaybayan natin. Hindi ba kasi pwedeng pumasok tayo bilang tauhan nila? Ang hirap kaya kung sa malayo lang tayo nakatingin." Suhestyon ni Dos kay Uno.
Napaisip naman si Uno sa sinabi ni Dos. Tama nga naman ang lalaki, kailangan nila ng susubaybay sa loob ng Company, kailangan all around at hindi ito para-reklamo. Pero sino naman ang ipapadala nila doon? Hindi pwede si Dos dahil kanang kamay nya ito at ito ang palagi nyang kasama sa lahat ng imbestigasyon.
"Si Tres kaya? Papayag kaya ang isang yon? Kaso ang pagkaka-tanda ko, papasok daw sya sa paaralan ngayon. Si Quatro naman, hay." Napapa-iling na lang si Dos sa mga sinabi nito. Masyado pa din kasing bata si Tres sa mga nangyayari, pero nagagalit ang babae kapag nakikielam naman sila at nagtatanong kung bakit sumali ito sa agency nila. Hindi rin naman mapigilan ni Master dahil nalagpasan pa nito sila Quatro at Sinko na mas nauna pa sa babae. At isan pa, ang sabi ng master nila, may potensyal itong nakikita sa bata, kaya't di na rin nila napigilan.
"Just inform the two of them na magkakaroon tayo ng meeting ngayong linggo, inform ko na lang kayo kung anong araw." Sabi ni Uno at tumayo saka lumabas ng kanilang Quadra.
"Diba sabi intayin si Master, bakit nilayasan tayo?" Maktol na saad ni Dos pero nagkibit balikat na lang si Sinko bago umupo sa kanyang upuan at umupo.
Bawat isa sa kanila ay walang nakakaalam sa impormasyon ng isa't isa. Bakit? Pribado ang mga iyon, at ikinagagalit ng Master nila ang pag invade ng privacy ng bawat isa. Well iniisip din nila kung paano kung may magtraydor at ibagsak sila sa ibang agency? No, wala silang masasabi patungkol dito, why? They vow to death, whoever says outside about their Agency, they will automatically capture that agent and torture them to death. Takot na lang nila.
Ae's POV
"Please principal, payagan mo na kaming lumabas, please." Pagmamaka-awa ni Xiera sa principal namin. Iba pa ang Principal sa Master. Si Master ay kadalasang wala sa Academy at nasa Council. President kasi sya doon kaya iniiwan nya lang ang eskwelahan at pinagkakatiwal kay Principal. Etaim Zir ang pangalan ng principal ng academy. He's well built and handsome and so young! Crush nga daw ito ni Ate Amien pero syempre malayo daw ang agwat nila kuno.
Sa House of Royalty sana sya, kaso isa din sya sa mga bumukod, kahit na estudyante pa sya ay kailangan nyang gampanan ang iniatang sa kanta ni tanda.
MEL4 na sya, Rank 1 Star 4, yes Rank 1 sya at napakalakas.
BINABASA MO ANG
Disguise Properties
General FictionEvery person have their own personalities, some of them can change their moods based on their situations, some of them was changing their moods because it was normal for them. Some people were covering their specific personalities because of such ce...