D.P_9

3 3 0
                                    

Ae's POV

"Za, take care okay? Wala ako sa tabi mo." Eto sya ngayon nakadikit sa akin at nanlalambing. Wala daw kasi sya at hindi magkakasama. Ang sabi ko naman, nandun naman si kuya, di naman nun pababayaan kapatid nya. Natatawa na lang ako sa kanya, isa din syang malaking OA kamo.

"Don't worry about me. I can protect my own self." Sabay irap ko dito pero tinatawanan nya lang ako.

"Sir! Wala ba kayong tiwala sa Servant nyo?!" Diniinan at ginawa kong sarkastika ang pagkakasabi ng Sir at servant para dama. Haha

"Ayan ka na naman, nanga-ngasar ka na naman." I just pinch his nose kaya awtomatikong napahawak sya dun.

"Ay? Retokado ka sir?" Haha ang sarap nyang asarin lalo na kung mag-frown sya. Sarap nyang inisin.

Tungkol sa garden nya ay inayos na namin at sobra ang pagkamangha ko, oo ako lang ang namangha, dahil sa sobrang ganda ng kinahinatnan. And he add the punching bag and I love him from doing that. Tapos yung fountain naman ay sa may harap ng hut nya namin nilagay. Surrounded by pixie dust. Nilagyan nya masyado syang maarte eh, sabi ko okay lang naman kahit wala na, sabi nya di daw yun okay para sa kanya.

"Siguraduhin mo lang na makakabalik ka dito, kung hindi hahanapin kita kahit saang lupalop pa yan." Saad nito kaya nabatukan ko. Walanya, ang corny mo dude. Saan nya ba nakakalap ang ganyang mga sabihan?

"Ay sir, napapaghalataan ka sir, siguro may gusto ka sakin nuh. Ayiee.." pang-aasar ko sa kanya, tapos sinundot sundot ko ang kanyang tagiliran, sya naman pinipigilan ang sarili nyang hindi tumawa. Iba din to eha noh, hindi onesto!

"Ehem, stop okay." Napabusangot naman ako kaya tumayo na ako at iniwan sya dun. Ang Kj nya talaga, minsan na nga lang ako mangasar eh pipigilan nya pa. Tsk bahala nga sya. Minsan kasi ay umaalis na aggad aki ng bahay nya, dun ako sa training room pumunta, well, mas marami ang weapon dun sa training room kesa sa Garden nya.

"Hey, Za, hey come back here." Hindi ko sya pinakinggan at nag-umpisa ng umalis sa teritoryo nya. Hindi naman yan makakalabas dyan, takot nya na lang sa tao. Kumaripas ako ng takbo at dumiretso sa History class ko. Nabalitaan ko kasi, sa mga kaibigan kong chismosa, na ni minsan hindi pa daw nila nakikita itong si Weiz tanging si Zac lang talaga. Iniisip pa nga daw nila ang dahilan kung bakit ganoon ang pakikitungo ni Weiz sa kanila.

"Biee!!! Andito ka na!" Ay hindi ate Ire, nandun pa ako sa pinto nagkakape. Common sense te nasa harap mo na at hinihingal.

"Akala namin di ka na naman papasok." Umupo na ako sa upuan ko at huminga ng malalim. Iniisip ko pa rin si Zyax, magwawala yun panigurado. Sus di naman yun makakaalis dun, ayaw nya kaya yung maraming nakatingin sa kanya. Ayaw nya ng Center of attraction at ayaw nya ng dinudumog sya ng mga kababaihan, as if naman, eh presensya pa lang nya nakakatakits na.

"Ah, diba sabi ni sir Nix, may quiz tayo sa kanya?" Sagot ko sa kanila habang sinusuklay ang fake hair ko. Sumabog kasi nung tumakbo ako. Kumaripas na ako ng takbo knowing na malelate ako sa klase ni Sir Nix, though di naman strikto ang guro namin.

"Ay oo nga pala ano, ate Ire nagreview kaba?" Binaling ni Ree ang tingin nya kay ate Ire na nakatulala. Haha. Palagi ng tulalaa yan si ate Ire, nakakasalamuha nya daw kasi ang crush nya, and that was my brother. Dami nga nyang tanong pero di ko sinasagot. Ang sinasabi ko parati, 'diba chismosa ka naman?' ayun tatalikod sa akin at ngunguso.

"Hoy ate Ire kinakausap kita!" Nahulog naman si ate kaya humagalpak kami sa tawa. Ayan tulala pa more.

"Excited lang, kayo naman." Nasabi ko na rin pala sa kanila na mamayang gabi ang alis namin sa academy. Hindi pa nga rin daw sila makapaniwala na inabutan kami ng Red Slip. Eh kasi daw, kesyo masungit daw si Sir Weiz at Sir Etaim.

Disguise PropertiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon