D.P_8

4 3 0
                                    

Xiera's POV

Tumingin si Weiz kay Aexza na animo'y humihingi ng permiso na sya na lang magsalita. Hindi ko din lubusang maisip kung bakit sa lahat ng babae ay baguhan pa?

Si Alli, Matagal na itong may pagtingin sa lalaki pero ito mismo ang lumayo sa babae, nagpagawa pa ito ng sariling mansyon at opisina, at talagang nilagyan nya pa ng nakakamatay na barrier. My goodness, tanda ko pa, na sa tuwing inuutusan kami ng principal na pumunta sa kanya para tawagin ay nag- tuturuan pa kami kung sino ang pupunta. Si Alli? Hindi nya kinakaya kasi hinihimatay sya, hindi pa sya nakakatungtong sa barrier nya, she's MLevel 2 5*, di naman sya mahina pero pinapairal kasi kaartehan at kalandian, sorry to say such words but I'm just stating the fact.

And Weiz Zyax Leiua, a hearthrob, pero laging nakakulong. Introvert kasi ang isang yan at hilig ang mapag-isa kaya bihira lang namin yan nakikita, sa mga events lang yan sumusulpot, kaso malalala yata yan kasi tinutulugan nya lang. Ang ayaw nya sa lahat ay ang tinatawag syang Zyax kung bakit? Hindi ko din alama, pero last time na may tumawag sa kanya  ng Zyax ay talagang di nakabangon ng isang buwan. Ang brutal kasi masyado ni ginoo, yuck ginoo daw. Last time ang alam ko nasa MLevel 2 na sya, first rank and 4 stars. Hindi pa sya pwedeng maging MLevel 3 kasi di pa nagkakaroon ng panibagong leveling. Pero siguro ngayong bagong taon ng eskwela ay mapapaltan na yan. Kapag ginanap na ang anniversary ng school.

"Uhh, Zyax---" hindi nya natapos ang sasabihin dahil lahat kami ay pinanghinaan ng tuhod dahil sa narinig at napaupo bago umatras sa malayo. Lahat kami ay kabado at lahat kami ay pinagpapawisan. Maliban na lang sa isang taong nakatayo lang doon at nakatingin sa kanilang dalawa halatang sinusuri ang tinginan ng dalawa.

"Totoo ba to? T-tinawag nya si Weiz sa ikalawang pangalan?" Lahat kami ay nanginginig sa takot at hindi makagalaw. Hindi kami makatayo at parang nawalan kami ng kaluluwa sa sobrang takot.

"I'm o-out" tinignan namin si Aexza na nagtataka siguro sa amin. Pero maya maya ay nabaling ang tingin nya kay Weiz ng hawakan nito ang braso nya at tumayo.

Lahat kami ay napasinghap lalo na ng walang emosyon itong humarap kay Aexza na hanggang ngayon ay nakakunot ang noo.

"Fine, you may go, but, just take care of yourself okay?" Hindi ko alam pero, ang alam ko sa ngayon? Lahat kami nawalan ng malay.

Ae's POV

"What's going on with them?" Tanong ko ng may pagtataka. Lahat kasi sila ay nawalan ng malay at kasalukuyang itinabi ng mga halaman ni Zyax ang kanilang katawan na tinulungan ni kuya Zaique.

"Don't mind them, they are just overacting." Patay malisyang sambit nito saka tumingin kay kuya Zai.

"Weiz, I don't really know what's going between you and my sister, just, just don't do anything." Inis na saad ni kuya Zaique kay Zyax kaya nagtatakang lumingon lingon ako sa kanilang dalawa. Ano bang sinasabi nila?

"Kuya He's my Master kaya ano bang pinag-aalala mo jan? I'M his servant, nothing more nothing less." Tango lang ang sinagot sa akin ni kuya Zai pero alam kong di pa din sya kumbinsido sa mga sinasabi ko.

"I'll make a portal to your House, dalhin mo na ang mga yan doon." May awtoridad na saad ni Weiz at itinaas ang kanyang kamay kaya't onti-onting lumalabas ang itim na lagusan. Portal maker din pala sya. Now I know. May taga gawa na ako ng portal, hakhak.

"Are you giving us Exit pass? My sister wants also to go with them." Mahinahong tanong ni kuya Zai. Siguro'y wala na rin syang lakas pa na makipag-bangayan kay Zyax.

"Yeah, here." May kinuha si Zyax na Red Slip at ibinigay ito kay Kuya Zai. Tumango na lang si kuya and through his Ice ay itinulak nya lahat ng kasamahan nya bago sya pumasok sa portal, kaya't nawala na ang portal sa harap namin.

Disguise PropertiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon