Ae POV
"A-ah sir if you didn't mind?" Alanganin kong sabi kaya naman inalis nya ang pagkakahawak sa palapulsuhan ko. Kaya agad ko itong hinimas at napanguso. Ang harsh ni kuya sa akin ha, pati palapulsuhan ko kinakawawa.
"What's your name? And your section?" Napatingin ako sa kanya at nakitang hawak nya ang forms at unti-unti itong binubuklat. Bakit di mo na lang itanong dyan sa form mo?
"Ah, Aexza sir, Egamie Level 1 ang section ko sir." Alanganin kong sagot pero tango tango lang ang sagot nya sa akin. Napatingin ako sa paligid, parang ayaw ko na talagang lumabas eh. Huhu ang ganda kasi dito, kaso baka hanapin na ako ni kuya, kaso ang ganda talaga dito.
"You like the place?" Seryosong tanong ni sir kaya napatingin ako sa kanya.
"Yes sir, napaka-aliwalas." Sagot ko dito. Pinagalaw ko ang isang baging. Pero bago iyon pumunta sa akin ay pumitas muna ito ng gumamela bago ilagay sa may tenga ko.
Ang ganda ng gumamela, pulang-pula. Parang ayaw ko ng umuwi hihi."How old are you Za?" Z-za? Woaahh, kakameet-up lang namin pero may palayaw na ako. Ay ang landi ko, ang bata-bata ko pa. Mayayari ako nito kay kuya. Haha
"Uh, 17 sir." Magalang kong saad, di alintana kung nangangalay na ba ang mga alak-alakan ko o hindi pa. Nakaka-intimidate kasi to si kuya eh, di ako makagalaw, para akong robot na nawalan ng makina. Haha
"Cut the sir, just call me Zyax." May diin bawat pagkakasabi nya na parang pinahihiwatig na ayaw na ayaw nyang tinatawag syang sir. Tumingin sya sa gilid at gamit ang mga baging ay nakagawa sya ng bench sa may gilid.
"You may rest there, I know you just finished the entrance exam." Kahit di ko alam kung bakit ay sinunod ko ito at umupo ako sa bench na ginawa nya.
"Here." Gamit ang baging na inutusan nya ay may inabot sya sa aking libro. And base sa cover ng book ay about ito sa history ng mundo namin. Hmm..
"Ah si- I mean Zyax nakapunta ka na ba sa mundo ng mga tao?" Tumingin ako dito pero napatungo din kasi nakatingin pala sya sa akin habang ang pisngi nya ay nakadantay sa likod ng palad nya.
"Yes." Ang tipid nya talaga magsalita. Ipinokus ko na lang ulit ang tingin ko sa libro not minding him na nakatingin sa akin.
Maya-maya pa ay bumukas ang pinto kaya with my instinct napa-takip ko ang libro sa aking mukha at dinig ko ang mahina nya tawa kaya sinamaan ko to ng tingin. Nagseryoso naman sya bago ibaling ang tingin sa taong bagong dating.
"Weiz! Ang kapatid ko nawawala!" Napatuwid naman ako ng upo ng makilala ko ang boses ng taong dumating. Tumingin ako kay Zyax at nag sign na tumahimik muna.
"What's her name?" Seryosong saad nya kay kuya while his gaze is on me. Huhu. Gusto ko pa mag-stay kaso parang hindi talaga pwede kasi kusang dumating si kuya.
"Aexza! Tri-nack ko na sya tapos ang sabi dito ko daw makikita, kaso ang labo naman na pumunta yun dito." Maktol at kinakabahan na sabi ni kuya habang ginugulo ang buhok nya.
Pero si Zyax ayun nagpipigil ng tawa sa pamamagitan ng pagkagat ng kanyang labi at tinitignan ang gawi ko.
"Why? What's with the face? Atsaka, woaah, ngayon ko pa lang nakita na may pinapapasok ka pala dito, take note babae pa huh? Tapos nakadress pa ng dark blue at boots na b-black, t-teka?" Ramdam ko ang hangin na napunta sa harap ko at marahas nyang kinuha ang libro sa akin.
"Uh hi kuya?" Alanganin kong saad na agad naman nyang tinugunan ng yakap.
"Waahh akala ko kung saan ka na nagpunta! Pinuntahan kita sa room mo pero wala ng tao! Buti na lang at suot mo ang salamin na binigay ko sayo! Alalang-alala ako alam mo ba yun ha?" Tango na lang ang saad ko sa kanya. Lumayo na sya sa akin, maya maya pa ay may pagtatakha ng naka-ukit sa mukha nya.
"Pero teka, bakit nandito ka nga pala? At bakit hawak mo ang libro ni Weiz?" Nagtaka naman ako at tinitigan ang librong hawak ko.
"Weiz? Sino yun kuya? Atsaka binigay to ni Zyax sakin." Inosente kong saad at sinuri pa ang libro pero natigil ito ng napa-upo si kuya sa sahig.
"Stop overacting Zaique. I give it to her." Seryosong saad ni Zyax na ikinatango ko naman. Tumayo na ako at dahan dahang lumapit sa table ni Zyax.
"Nice meeting you po, uuwi na po kami ni kuya." Tumayo naman sya at umikot sa table nya at pinat ang ulo ko. Pati ba naman sya!? Ano bang meron sa ulo ko?
"Ang liit mo kasi." Nanindig ang balahibo ko dahil sa binulong nya at matagal akong nakabawi at namalayan ko na lang na inakbayan na pala ako ni kuya. His voice, ang lalim at nakaka-akit.
"Back off dude! She's my little sister! Pananagutan mo yan!" Binatukan ko naman si kuya kaya napatingin ito sa akin ng nakanguso.
"Tsk. Just Go away Weiz! Don't come back here, your face makes me feel irritated." Saad nito kaya napatawa naman si kuya. Feeling ko lang ha, parang sobrang close nila, kasi si kuya, ang daldal nya ngayon, eh napaka-seryoso naman nito kung hindi ako ang kasama.
"Ang sama mo sa akin! Tara na nga Baby ko!" Tapos kinaladkad nya ako gamit ang mga braso nyang nakalagay sa aking balikat.
"Kuya ang bigat mo!" Inis kong saad pero tinawanan lang ako ng magaling kong kuya. Bwiset talaga to.
Muli ko syang sinulyapan na nakatingin pala sa akin. Nginitian ko sya ng pag-katamis tamis kaya napangiti din sya. Hihi
"Paano ka ba napunta dun Bhie? Alam mo bang masungit ang isang yon!?" Kanina pa yan si kuya, dada ng dada di na natigil sa kakasalita eh..
"Sabi ko naman kasi sayo kuya, inutusan lang ako ni Kuya Rai na dalhin yung forms sa Royalties office." Sabi ko sa kanya habang ang tingin ko ay nasa unahan lang.
"Royalties office!? Pero hindi naman yun yung Royalties office eh!" Huh? Mabilis ang tingin kong bumaling sa kanya at tinignan sya ng pagtataka.
"Huh? Pero ang sabi ng instinct ko dun ako pumunta eh! So I assume yun ang office ng Royalties." Napahinto si kuya sa pagdrive at nangunot noong tumingin sa akin.
"No and never will be. That hut is his OWN office at ni isa man sa mga estudyante ang pumapasok doon, sa takot na lang sa kanya, and FYI sis, miski kami hindi nakakapunta doon ng walang pahintulot nya kuno." He started again the engine at pinaandar na ang kotse namin.
"Kaya pala nung dumating ako dun, kahit sobrang lawak tanging swivel chair nya lang ang upuan." Tatango-tango kong saad. Nainis naman ako kay kuya nga napatigil na naman sya and when I look up at the street ligths it was red.
"Teka, ibig mong sabihin," napatingin ako kay kuya ng di nya matuloy ang sasabihin nya.
"Huh? Oo gumawa sya nung bench na gawa sa baging. Nakakangalay kayang tumayo." Irap kong saad bago kinuha ang phone ni kuya, wala eh, naiwan ko sa bahay..
"Wag mong sabihing inutusan mo yun!?" Huh ba't ba to makasigaw? Napa-iling na lang ako at nagbukas ng social media.
"No kuya, bakit ko naman uutusan yun eh tumingin ka palang sa kanya nakakapanghina na ng tuhod sa sobrang lakas ng Egamie." Nangunot naman ang noo ko ng mag-share ng status si Dianne Azure, isa sa mga bigatin at famous actress ng Leiua company.
"Kuya tamo si Dianne, may concert sila sa manila. Pupunta ba tayo?" Saad ko sa kanya at nag scroll na ulit.
"Gusto mo bang pumunta? Balita ko kasi kasabayan nyang magconcert yung crush mong singer na si Zame, ikaw din choice mo, sasamahan na lang kita." Pigil ang tili kong sinearch ang pangalan ni Zame Zi at tama nga si kuya, may concert sya sa susunod na linggo.
"Pwede bang lumabas ng academy ng gabi kuya? Baka kasi pagalitan tayo eh pag tumakas tayo." Alanganin kong sagot sa kanya.
"Nope, magpapaalam na lang tayo ng maayos sa anak ng may-ari ng scool at kay Master Fore." Tumango na lang ako at ngumiti. Yey sana payagan ako. Excited na kasi akong makaharap si Zame at makapag-pa autograph. For remembrance syempre.
I remember ate Ire and Ree, hindi na pala ako nakapag-paalam sa kanila. Ayan, si kuya Rai kasi inutusan pa ako. Pero okay lang nakilala ko si Zyax.
"Pero one thing is for sure. This is the first time I See him laugh." It stiffened me. For Real!?
BINABASA MO ANG
Disguise Properties
General FictionEvery person have their own personalities, some of them can change their moods based on their situations, some of them was changing their moods because it was normal for them. Some people were covering their specific personalities because of such ce...