Third Person's POV
Nagpasimula na sila sa kanilang pagmemeditate at kapansin-pansin ang iba't ibang aura na nakapalibot sa kanila. Kapansin-pansin ang malalakas na aura na binibigay nila lalo na ang apat na magkakatabi, Zeque na nababalutan ng Pula at Abong kulay at parang bagyong umiikot sa kinatatayuan nya. Si Areiza na pinalilibutan ng itim na aura, kalmado lang itong umiikot sa kanya pero malakad ang naging presensya nya sa kanyang kinatatayuan. Si Dexon, na pinalilibutan ng asul na aura at parang Cyclone na umiikot sa kanya. Kahanga-hanga ang tatlong nakikiramdam sa kani-kanilang paligid.
Nadatnan ng Proctor nila na si Kie Rex ang pagmeditate ng lahat at napangiti na lamang si Reiz ng makita ang mga bago nyang estudyante sa Egamie level 1, hindi na sya magdududa kung tataas agad ang ranggo ng apat kapag narating na nila ang Egamie level 3, masyadong magaganda ang performance na pinapakita ng apat, kahit na hindi nya pa nakakasalamuha ang dalawang bago sa EL1.
Maya-maya pa ay naudlot ang lahat ng ito ng may humuni ng pagkalakas-lakas at sumulpot ito sa tabi ng nakapikit na babae. Pinapalibutan ito ng Ibat-ibang kulay pero nangingibabaw ang Itim at Puti na aura dito. May mga gold na lumilitaw at abo na umaaligid din sa kanya. Walang pagsidlan ang pagkatakot at pagnginig ng karamihan sa nasaksihang nilalang, masyado itong malaki at kung tutuusin ay napakalakas nito at made drain talaga ang enerhiya mo. Mas lalong namangha ang lahat ng may tatlong creautures na magkakasabay ang lumabas mula sa iba't ibang portal.
Isang Phoenix, Mermaid, Raven. Ang pheonix ay nangangapoy at napakatingkad ng kulay nito, para bang masisilab ka kung hahawakan mo ito, ang Spirit animal ni Zeque.Kumikinang naman sa sobrang kintab ang kulay Pilak na buntot ng Spirit animal ni Dex, Isang Mermaid at nakakabighani at nakakaakit ang kagandahan nito. Walang pagsidlan ang paghanga ng mga kalalakihan sa Spirit animal ni Dex, lahat ay tulala.
Ang panghuli ay ang nakakabighaning Raven sa tabi ni Areixa. Malaki ito at nasa anyong tao ngunit nakakabighani ang kagandahan ng naglalakihan nitong itim na pakpak at may higlight pa ng gold sa mga buto nito. Mas lalong humanga ang lahat dito.
At higit sa lahat, ang nangingibabaw na ungol ng isang Spirit animal, May apat na kulay na matatagpuan sa malaki at mahaba nitong katawan, Kulay itim, puti, ginto at pilak. At pagmulat ng mata ng dalaga ay ang nakakabighaning pinagsamang kulay ng apat. Ngunit naudlot iyon ng, mahimatay ang dalaga at mawala ang malaking Dragon.
Agad namang sumaklolo ang binata sa tabi ng dalaga at binuhat ito na para bang isang makabasag pinggan. Agad syang gumawa ng Void portal patungo sa kanyang mansyon at iniwan ang lahat ng estudyante doon na tulala at may pagkamanghang nakikita. Sa tanang buhay nila ay ngayon lang nakita ang Presidente nila, at ganoon pa ang makikitang emosyon sa mga mata, pagkatakot, pagkamangha, pagkabahala at pag-alala. Maswerte, yan ang masasabi nila sa kanilang sarili, lalo na ang tatlong nangungurap-ngurap ang mga mata, kahit na hindi alam ng dalawang baguhan kung paano ang kanilang magiging reaksyon.
"Kakaiba talaga ang kinikilos ni Mr. Leiua pagdating sa dalaga." Iiling-iling na sambit ni Proctor Kie sa mga Royalties na nasa tabi nya.
"Kung alam mo lang Prof, ako ang mababaliw kakahagilap sa kapatid ko." Saad naman ni Zaique na ngayon ay nakatingin sa mga estudyanteng nagpasimula na ulit sa pagmeditate. Nakita naman nila ang tatlong nagkakasayahan kasama sa tabi nila ang kani-kanilang Spirit animal. Well a mermaid is an animal, kaya kasama sya sa mga mystical creatures.
"Anong pinangalan mo sa kanya Dex?" Saad ng dalagang nagngangalang Areiza, habang nasa balikat at hinihimas nya ang katawan ng Raven na nagbalik sa pansamantalang anyo nito bilang ibon. Ikinaaliw naman ito ng ibon, naku, hindi pe-pwedeng mainlove ang Spirit animal sa kanilang Master, isang babala, pero, pwedeng labagin!
BINABASA MO ANG
Disguise Properties
General FictionEvery person have their own personalities, some of them can change their moods based on their situations, some of them was changing their moods because it was normal for them. Some people were covering their specific personalities because of such ce...