D.P_5

9 3 0
                                    

Zaique's POV

"WEIZ ZYAX LEIUA ANG KAPATID KO! HELP! LEIUA KIDNAPPED MY SISTER! MY BABY!" walang hiya kong sigaw. Aba paniguradong sya ang kumuha ng kapatid ko! Aba napapalapit na sa kanya eh, pinagpapalit na ako and it hurts. An drama ko ata banda dun

"Sure ka bang si Leiua ang kumuha sa kapatid mo?" Kunot noong tanong ni Hae sa akin. Anong tingin nila sa akin nagloloko? Pusanggala naman, kapatid ko pinag-uusapan dito.

[ Hae Ran,22, MLevel 2 4****, Ice Egamie, Teleportation, Touch of Cold breath, sense of hearing.]

"Anong tingin mo sa akin nagloloko? Pre kapatid ko pinag-uusapan dito." Madrama kong saad sa kanya habang kibit balikat lang ang naging sagot sa akin.

"Kung sakali man, wala naman sigurong gagawing masama si Weiz sa kapatid mo." Seryosong saad naman ni Byn sa akin matapos nyang tapikin ang balikat ko at binalik ang ang tingin sa kanyang libro.
Oo nga't may tiwala ako kay Weiz, pero iba parin kasi kung nakikita ko ang kapatid ko, mismo dito sa harap ko.

[ Byn Zyr, 22, MLevel 1 2***, Zyax bestfriend and a nerd, Wind Egamie, Speed, Teleportation, Sense of hearing]

"Sana nga, Mahal ko yun kahit makulit." Hinagod naman ni Yena ang likod ko. Kumalma na ako pero di pa rin mawala sa isip ko na wala sa tabi ko ang kapatid ko.

[ Yena Zyr,19 , sister of Byn, ELevel 3, Wind Egamie, Teleportation, Illusion, Sense of Sight]

Si Byn ang bestfriend kong hinila ako palayo sa kapatid ko. I-tour ko sana si Ae kaso hinigit naman ako ng kumag kaya ayun napahiwalay sa akin ang aking magandang kapatid. Hindi pa nya gamay ang Academy kaya nag-aalala ako sa kanya. Pero dumating si Alli at ang sabi nya dala ni Weiz ang kapatid ko kaya nagsimula na akong magharumintado. Di imposible yun dahil nung nakaraan, sa pinapakita pa lang ni Weiz sa kapatid ko ay iba na. And please take note, he never did contact to a woman or a girl, just this time and luckily sa kapatid ko pa.

I know Alli is insecure and desperate to have Weiz to be beside her, and because of it, Weiz make his own mansion and office that no one can enter without his permission. The whole place is surrounded by his murderous power, at yoon na ang isang rason kung bakit nagtataka ako kay Ae na nakapasok ng ganun ganun lang. Samantalang ako, kapag lumalagpas sa barrier ni Weiz ay sobra na ang panghihina ko at paghina ng stamina ko. Kaya nung nakaraan hinahanap ko si Ae ay hingal na hingal akong pumasok sa office ng kumag. Bwiset yun eh.

Nagulantang kaming lahat dahil tumunog ang telephone sa House na bihira lang namin magamit, kasi palagi naman kaming sama sama except Weiz but because of his attitude, di na namin aasahang tatawag yun sa amin.

"Hello? Amien speaking?" Malumanay na sagot ni Amien sa kabilang linya.

[Amien Zan, 20, water egamie, MLevel 1 5****, manipulator, Healing, sense of smell]

"He wants to talk to you Zai." Malumanay na saad ni Amien. Nasanay na ako sa kanya, isa syang magandang dilag at mahinhin, pero si Ae lang babae ko.

"Who is that?" Mataray na saad ni Alli habang ang tingin ay nasa kuko nyang bagong linis. Sa magkakaibigan, sya ang pinakamaarte sa lahat at sya ang pinaka-ayaw kong makasama. I hate her that's it. As long as na kasama ko sya ay mapapanatag ang loob ko na hindi nya gagalawin o sasaktan ang kapatid ko, kung magkataon man at atakihin sya ng insecurities nya at pagkadesperada towards my sister, ay magkamatayan na. I will destruct her physically and emotionally, kahit sabihin nyang babae pa sya.

"Weiz." Pagkasabi nya non ay agad kong kinuha ang telepono at nagsalita.

"Hoy Weiz ibalik mo ang kapatid ko! Malilintikan ka sa akin." Galit galitan kong saad. Pagbigyan nyo na , para sa kapatid ko, gagawin ko lahat, makuha ko lang. Aissh, drama ko.

Disguise PropertiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon