D.P_6

5 3 0
                                    

Ae's POV

Since first day of school wala pang gaanong ginagawa so heto kami ng tatlo kong friends nasa cafeteria at kumakain. Bakit kami magkakasama?

Nakita kasi nila akong gumagala at nagwa-wander sa may corridor at walang kasama kaya inaya nila ako na kung gusto ko daw bang sumama sa kanila sa paglilibot, since hindi ko mahagilap si kuya ay pumayag na lang din ako, kesa naman mag-isa akong naglilibot diba?

Tanda ko pa ang sabi ni Zai, na ako lang daw ang pwedeng pumunta sa personal ground nya at wala ng iba, kaya hindi ako pwedeng basta basta na lang pumupunta doon, di pwedeng may makasunod sa akin. Manghinala pa sila patungkol sa akin. Ayoko pa magkaroon ng death threats no.

"Alam mo ba ate Ire? Minsan lang daw makita ang panganay na anak ni Mr. Leiua, subsob daw kasi yun sa trabaho at walang nakakaalam kung saan nag stay." Ang dakilang gossipmonger ng barkada. Ay hindi, parehas pala sila ni ate Ire na nangangalap ng balita. Kesyo, baguhan daw kami at kailangan ng info's patungkol sa mga nangyayari sa academy.

"Ang pagkakaalam ko din kasi, bumukod yun ng titirahan at ng office dahil sa di malamang dahilan." Di ko din alam yan. Di naman kasi ako nagtatanong sa kanya about his personal matters. Okay na yung casual kami pagdating sa isa't isa.

"BABY AE!" Nagulantang ako sa damuhong bigla na lamang sumigaw out of our discussion. Bwiset to si kuya, humahakot ng fame! Kairits.

"Hala si Zaique! Kyaah, alam mo ba bhie crush ko yan, kaso mukhang bata pa eh, baka maging child abuse ako pag nagkataon." Malungkot na saad ni ate sabay higop ng kanyang apple juice while glimpsing against my brother.

"Age doesn't matter naman ate, pursue lang ng pursue." Asar sa kanya ni Ree kaya natawa na lang kaming dalawa dahil pinamulhan ito ng mukha. Naku kung alam mo lang ate, pusong bato ata ang sanggala.

"Pwede ba Zaique tumahimik ka dyan? Pwede mo namang hanapin ng tahimik yang kapatid mo!" Saway sa kanya nung lalaki, sa pagkaka-alala ko He was Hae, a hottie din. Wala naman atang magpapatalo sa kanila pagdating sa appearances.

"Tsk inggit ka lang. Gaya ka." Parang batang saad ni kuya at iginala ang paningin. At ng magtagpo ang aming mata ay mabilis syang lumapit sa akin  kaya tumayo ako at hinalikan sya sa pisngi.
Tinignan ko ang aking mga kaibigan, as expected gulat ang mga ito dahil sa ginawa ko.

"Woaahh baby girl, kelan ka pa naging friendly?" Eto talaga si kuya, pagdating sa akin sweet na mangangasar sarap itapon sa pluts. Bwiset.

"Di lang naman kasi ikaw ang maraming friends, duh." Irap ko dito at nagflip hair, yung tipong tatama sa mukha nya hakhak.
Sarap talaga asarin yan si kuya, pikonins kasi yan haha. Laging talo sa akin kapag kami ay nagbabangayan.

"Oh Aexza, umattend ka mamaya sa class ha? Remember may introduction pa tayo?" Oo nga pala hindi ko nasabi. Si Kuya Raiz ay isa ding Royalty, pero lagi syang wala sa house kasi busy sa paper works. Para na rin kasi syang teacher kahit na MEL2 palang sya Rank three, 3 stars. Pangarap nya rin kasi ang magturo, kaya ayan naging assistant sya ng adviser namin. Kahit leader pa lang sya ay parang sya na rin daw ang tumatayong adviser sa klase.

"Yes Kuya Raiz." Ngiti kong saad dito at nagpatuloy na sa pagkain. Kumuha naman ng pagkain ang ibang royalties at ang naiwan sa table ay si Kuya Zai, Si Alli maarts arts, tapos si ate mahinhin na ang ngalan ay Amien, at si Yena.

"Namiss kita baby girl, ba naman kasi may umepal pa eh. Tsk." And about dun sa pagtira ko kay Zyax ay isa ng malaking sikreto na ang House of Royalties lang ang nakakaalam. Hindi dapat iyon kumalat, dahil ang nagkalat, patay.

"Ano ka ba kuya, para namang di tayo magkakasama parati." Pinandilatan ko ito ng mata na nagsasabing 'tumahimik ka na nga lang dyan kuya.'

"Mind if you introduce yourselves ladies?" Doon namam natauhan ang aking dalawang kaibigan at nahihiyang napapayuko na lamang. Nalimutan sigurong isang myembro ng Royalty ang kanilang kaibigan.

Disguise PropertiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon