"Ma'am nandyan na po 'yung orders nating beverages."
Nag-angat ako ng tingin kay Maricel sabay tango.
"Sige, Maricel. Ikaw na ang mag check kung kumpleto ba at walang problema."
Simula ng malaman ko ang ginagawa ng dating manager ng supermarket namin ay tinanggal na namin ito ganoon din ang empleyado ng Vereci na kasabwat nito at palagi kong binibilin na bilangin ang mga orders pag dumadating.
Aalis na si Maricel ng may maalala ako.
"Maricel."
"Yes po, ma'am?"
"Mga 3 pm lang ay mag out na ako. May pupuntahan pa kasi ako eh. Ikaw na ang bahala rito pagka alis ko."
"Sure po."
Nginitian ko lang ito at lumabas na para icheck 'yung mga orders namin na beverages.
Ngayon ang birthday party ni Mary kaya naman maaga akong uuwi para magbihis. Syempre ay kasama ko si Dewy at ang parents ko pero mauuna silang uuwi dahil kailangan kong umattend ng after party ng bruha.
"Hello po, mommy?" Pagsagot ko ng makitang tumatawag sa akin si mommy.
"Baka makalimutan mong daanan 'yung mga damit natin sa ninang mo ha. Baka mag bikini tayo sa party ni Mary."
Natawa naman ako. Pangatlong beses na akong pinapaalalahanan ni mommy sa damit namin na susuotin para mamaya.
"Opo hindi ko po kakalimutan. Baka matakot po 'yung mga bisita pag nakita kayong dalawa ni daddy na naka bikini."
Nagtawanan lang kami bago nito ibinaba ang tawag. Nagset nalang din ako ng alarm para sure na hindi ko makakalimutan.
Naging abala ako sa pagchecheck ng mga reports at pagrarounds sa ibaba. Kung minsan ay tumutulong ako sa pagkacashier o kaya naman ay pagbabagger lalo na pag maraming tao para hindi masyadong mahirapan 'yung mga staffs namin. Kinatok ako ni Maricel noong lunch pero sinabi ko na sa bahay nalang ako kakain dahil gusto kong tapusin ang mga trabaho ko ngayong araw kahit hanggang alas tres lang ako.
Pagtungtong ng alas tres ng hapon ay inayos ko na ang mga gamit ko at tinext ang ninang ko na dadaanan ko na ang mga damit namin.
"Maricel, alis na ako."
"Ingat po ma'am."
Kinawayan ko lamang ito at nagdirediretso na papuntang parking lot.
Napakunot naman ang noo ko ng may makita na sticky note na nakadikit sa pinto ng sasakyan ko.
'Have a good day, Hermosa'
"Kanino naman galing 'to?" Lumingon-lingon ako pero wala namang tao.
Pumasok nalang ako sa loob ng sasakyan ko at idinikit sa bag ko ang sticky note.
Uso pa ba secret admirer? Sa tanda ko na 'to ewan ko ba! Baka stalker 'yon. Maka-usap nga mga guards bukas.
Nagmaneho na ako papunta sa shop ng ninang ko na hindi naman kalayuan sa supermarket pero ibang direksyon sa bahay.
"Ninang! I'm here--"
Nahinto ako ng makita ko si Aries na kausap ang ninang ko. Mukang kumuha rin siya ng tuxedo.
"Oh, Ciello nandito ka na pala anak. Sandali lang ha."
Tumango lang ako at pumunta sa couch para umupo. Nakita kong sinundan ako ng tingin ni Aries kaya naman tinaasan ko siya ng kilay pero nginitian lang ako nito at naglakad papunta sa akin.
"Hi."
"Hello." Lumingon ako sa ibang gawi. Nakakasilaw ang laki ng ngiti niya.
"Anong ginagawa mo rito?"
BINABASA MO ANG
Love At First Thrust
RomanceDoes a one night stand can become a long time commitment? I believe it takes a minute to be starstruck and another minute to feel the emotion called love.
