Maaga akong nagising ngayon dahil gusto ko magjogging muna bago pumasok sa trabaho.
Tinali ko lang ang buhok ko at tinignan ang anak kong mahimbing na natutulog. Hinalikan ko ito sa noo at nag-iwan ng note para hindi ako nito hanapin pag nagising at wala pa ako.
Pagbaba ko ay nakita ko si mommy at daddy sa kusina. Nagkakape ang mga ito at masayang nagkukwentuhan.
"Good morning!"
Napalingon sila sa akin at sabay na ngumiti.
"Good morning. Ang aga mo atang nagising ngayon, anak."
"Magjajogging po ako, mommy."
"Bakit pakiramdam ko nagpapaganda ang anak natin?" Tudyo ni daddy.
Natawa naman ako. "Matagal na po akong maganda."
Natawa naman sila.
"Si Dewy po ha. Saglit lang naman po ako."
"Sige, anak. Ingat."
Ngumiti lang ako at lumabas na.
Sinuot ko naman ang earphone at nag-umpisa na magstretching.
After 5 minutes of stretching ay nagsimula na akong tumakbo. Plano kong ikutin ng dalawang beses ang lugar namin hanggang sa playground.
Madilim pa dahil 4 am palang naman pero may pailan-ilan naman na akong nakikitang nagjajogging rin kaya hindi naman nakakatakot tsaka well secured naman ang village namin. Buti nalang at hindi ako nagmagaling na mag sports bra lang dahil panigurado lalamigin ang tiyan ko.
I feel like I'm in need of a jog. Pakiramdam ko ay bumibigat ang pakiramdam ko. Siguro stress lang. These past few days ay marami akong iniisip. I need a breather.
Iniisip ko kung sasabihin ko na ba kay Aries ang tungkol kay Dewy dahil sinumbong sa akin ni pretty girl ang nangyari sa playground na umiyak na naman si Dewy dahil inaway na naman ito ng mga bata tungkol sa wala itong daddy. Naaawa ako sa anak ko.
Ako muna ang magsasabi at kung hindi niya ito tatanggapin ay talagang lalayo na kami ni Dewy sakaniya at sasabihin kong patay na siya para hindi na siya hanapin pa ng anak ko.
"Ah--"
Napalingon ako sa bumangga sa balikat ko.
"Aries."
Tinapunan lang ako nito ng tingin bago dumiretso ulit ng tingin pero sinasabayan lang naman ako sa pagtakbo.
Ilang araw rin itong hindi nagparamdam sa akin.
"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko pero hindi pa rin ako nito kinikibo.
"Anong problema mo?" Tanong ko.
Wala pa rin akong sagot na natanggap kaya hindi ko nalang ito kinausap pa. Nagmumukha lang akong kumakausap sa wala.
"Suplado." Bulong ko at binilisan ang pagtakbo para hindi kami magkasabay pero humabol ito at sinabayan na naman ako.
Kung saan ako pumunta ay sinusundan niya ako at kahit subukan kong bilisan ang pagtakbo ay naaabutan niya rin ako. Ilang minuto na kaming tumatakbo pero hindi nagkikibuan.
Tinignan ko naman ito. Seryoso lang itong nakatingin sa unahan.
"Aray!" Napahawak ako sa tuhod ko ng madapa ako. Dumudugo ito.
Bakit kasi nag short pa ako! At bakit kase hindi ako tumitingin sa dinadaanan ko!
"Tsk! Napaka lampa mo naman." Niluhod ni Aries ang isang tuhod niya bago kinuha ang panyo sa likod ng bulsa niya at itinali iyon sa tuhod ko.

BINABASA MO ANG
Love At First Thrust
RomanceDoes a one night stand can become a long time commitment? I believe it takes a minute to be starstruck and another minute to feel the emotion called love.