Isang linggo na simula ng mangyari ang araw na iyon at isang linggo ko na rin iniiwasan si Aries.
Sinundo ko agad si Dewy sa bahay nila Eze para maiwasan si Aries at nagpunta sa bahay namin para tumambay. Maghapon kaming hindi nagkita ni Aries non. Umuwi lang ako nung gabi na. Pagpapasok naman ay inaagahan ko ang pasok at iniiwan si Dewy kila mommy. Sa gabi naman ay late na rin ako umuuwi at sa kwarto ni Dewy ako natutulog. Ganoon ang gawain ko sa loob ng isang linggo hanggang sa pigilan na ako ni Aries sa braso ng tangkain kong umiwas na naman ng pumasok siya sa loob ng kusina.
"Stop it, Ciello. Pinabayaan na kita ng isang linggo pero hindi na ngayon. I gave you enough space. Hindi ko na kaya, please?"
Umiwas ako ng tingin dito at nagsimulang magluto.
I cleared my throat. "Si Dewy?"
This is the first time that I spoke to him since last week.
"Eze's house. Playing."
Hindi na ako kumibo at nagpokus nalang sa pagluluto. Saturday ngayon kaya nasa bahay lang talaga ako.
"Hindi mo ba talaga ako kakausapin?" Nagmamakaawa ang boses nito.
"Wala naman tayong pag-uusapan." Naghihiwa lang ako ng ingredients na gagamitin ko sa pagluluto.
Kumabog naman ang dibdib ko ng hawakan ako ni Aries sa balikat at iniharap sakaniya.
"Ciello," He locked his gaze with mine.
"Alam kong iniiwasan mo ako dahil sa nangyari sa atin last week, and I'm not going to say sorry for it. I know what we did and I'm willing to do it with you if given a chance again."
Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya.
"You know my feelings, Ciello. Please, stop avoiding me, hmm? I barely survived that one fucking week. Ayoko ng ganito tayo. I hope you doesn't regret what happened to us."
Umiwas naman ako ng tingin. "Paano kung pinagsisisihan ko 'yung nangyari sa atin?" Tinignan ko kung ano ang magiging reaksyon niya.
Nakita ko siyang natigilan at nakabuka lang ang bibig pero walang lumalabas na salita. Pain is clearly visible in his eyes.
"Joke lang. Iiyak ka na eh." Bawi ko at bumalik sa pagluluto.
"Is that how you tell a joke? Hindi nakakatawa Fallaria!"
Tinaasan ko naman siya ng kilay. "Surname basis na tayo, Verecillo?"
He pout and hug me on the back. I need to bite the inside of my cheek to stifle my smile.
"Bati na tayo ha, pansinin mo na ako. Ayoko ng hindi mo ako pinapansin. Ang hirap pa magpapansin sa'yo."
"Kaya ba maghapon mong iniwan na nakabukas 'yung ref nung isang araw?"
He nodded.
"Ikaw ang magbabayad ng kuryente ngayon, Aries!"
Naramdaman kong hinigpitan nito ang yakap sa akin. Napangiti ako dahil doon. I miss him, especially his sweetness.
"Hindi mo ba talaga pinagsisisihan 'yung nangyari...sa atin?"
Actually, hindi ko naman talaga pinagsisisihan 'yung nangyari sa amin. Oo, nagpanic ako pero wala akong naramdaman na pagsisisi. Natakot lang ako na baka lalo akong mahulog sa kaniya at hindi niya ako saluhin. I can't hold to the words that he said before. Natatakot ako na pinapakisamahan niya lang ako dahil sa anak namin. But this, this sweet gesture of him, I felt secured.
"No. I was just joking."
Nakita ko naman siyang ngumiti kaya natawa ako.
"So...pwede natin ulitin?"
BINABASA MO ANG
Love At First Thrust
RomanceDoes a one night stand can become a long time commitment? I believe it takes a minute to be starstruck and another minute to feel the emotion called love.