28

424 17 0
                                    

Nakalabas na ako ng ospital at total bed rest ang bilin sa'kin ng doctor ko.

Napatingin naman ako kay Aries ng kunin niya ang kamay ko at iginiya ako papasok sa bahay. Simula ng lumabas ako ng ospital ay inaalalayan niya ako pero hindi naman niya ako kinakausap. Nagtatampo pa rin.

I smiled to myself. Paano ko natiis ang ganitong kacute na tao? I'm so stupid.

Nakita kong nakatingin ito sa akin at tinaasan ako ng kilay kaya naman pinilit kong itago ang ngiti ko.

"Mama!"

Sumalubong kaagad sa'kin ang umiiyak na si Dewy. My baby.

He hug my legs. "Mama, are you okay? I'm sorry..."

Naiyak naman ako agad. Seeing my Dewy cry because of me hurts me a lot. I failed him as his mother.

Binuhat naman ni Aries si Dewy at iniharap sa akin.

I cup my son's face. "You did nothing wrong, love. Mama is the one who must say sorry. I'm sorry for making you worried...mama is sorry for failing you my baby."

Umiling ito at pinunasan ang pisnge ko. "I understand, mama. I miss you so much." Yumakap ito sa leeg ko habang karga ni Aries.

"Mama miss you a lot too, baby. I love you so much..." I kissed his head and cheeks.

"Kiddo, mama need to rest na. Let's take her upstairs?" Tinignan ni Aries ang anak.

Tumango naman si Dewy at nagpababa para hawakan ako sa kamay at si Aries naka-alalay sa bewang ko.

Pinahiga lang nila ako sa kama at tumabi naman ng higa sa'kin si Dewy. I miss him a lot.

"Mama is my baby sister still here?" He asked me while touching my tummy.

I smiled. "Yes. Your baby sister is a fighter."

"Yey!" He clapped his hand kaya naman natuwa ako.

Nagsimula na magkwento si Dewy tungkol sa mga napanood niyang cartoons sa bahay ng tito Eze niya at mga playmates niya. Natutuwa ako na nag oopen up na si Dewy sa ibang tao. Masaya ako para sa anak ko. Masaya ako na hindi niya masyadong dinibdib ang mga nangyari.

Napatingin naman ako kay Aries na nakatayo lang medyo malayo sa amin at titig na titig kaya tinaasan ko siya ng kilay.

He cleared his throat bago nagmamadaling lumabas ng kwarto. Natawa naman ako.

"Why are you laughing, mama? I told you na nadapa ako and dumugo knee ko po." Nakakunot ang noo nito. Hindi ko narinig kasi kwento niya.

I smiled sweetly at him. "Sorry baby. Hindi naman ikaw pinagtatawanan ko. Your papa is cute."

"Like me?"

I nodded and kiss his cheek. "Yes. You two look a like tho."

We both laughed. I miss laughing like this with my son.

Nagkwentuhan lang kami ng nagkwentuhan like we missed a lot of important details in each other's life until we fell asleep.

Nagising nalang ako ng may humahaplos sa buhok ko pero hindi ko dinilat ang mga mata ko. I knew it's Aries.

"I miss you. I miss you a lot. I want to kiss and hug you so much but I'm mad at you..." he whispered.

"But you went through a lot too." He kissed me on the forehead. Naramdaman kong humiga ito at yumakap sa akin, nakasubsob ang mukha sa leeg ko.

I smiled when I heard him snore. Buti naman at nakapagpahinga na rin siya. Alam kong wala siyang maayos na tulog. I can see dark circles under his eyes, nangangalumata rin ito at pumayat. Kahit nasa ospital ako ay hindi ito natutulog nang mabuti. Wala siyang maayos na pahinga. Ngayon lang. Ngayon lang siya nakapag-pahinga talaga.

Love At First ThrustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon