"Bakit hindi ka sumasagot, Ciello? Siya ang ama ng anak mo, diba?"
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Natatakot ako. Kinakabahan na may gawin sila.
"P-paano niyo nalaman?" Sa wakas ay natagpuan ko na rin ang boses ko.
"Noong unang araw mo sa trabaho, narinig ko ang kinwento mo kay Ferds. Nakita ko rin ang keychain sa bag ni Dewy. So, tama ako. Si Mr. Verecillo ang ama ng apo ko. Bakit hindi mo sinabi sa amin? Ang tagal tagal namin siyang hinahanap. Bakit?"
Kinagat ko ang labi ko habang nakayuko bago nagmamakaawang hinawakan ang kamay ni mommy.
"Mommy please, please po, gagawin ko ang lahat huwag niyo lang sasabihin sakaniya. Promise mommy, kahit ako na ang maghandle sa lahat ng supermarket. Huwag niyo lang sasabihin sakaniya ang tungkol kay Dewy. Huwang niyo siyang guguluhin mommy, I beg you."
"Bakit?" Seryoso nitong tanong sa akin.
Yumuko naman ako. Hindi ko kayang magsinungaling kay mommy lalo na at alam na niya.
"Natatakot ako na hindi niya tanggapin si Dewy. Mommy, what happened between us is just a one night stand. Ayoko pong masaktan si Dewy. Ayoko rin siyang guluhin lalo na kung may karelasyon po ito. Ayokong makasira ng relasyon."
"Single si Mr. Verecillo sa pagkaka-alam ko."
Pinandilatan ko naman siya ng mata.
"Mommy!"
"What? Totoo naman eh. Ayaw mo ba na bigyan ng kumpletong pamilya ang anak mo? Ayaw mo ba siyang sumaya? Kilala manlang ba niya ang ama niya?"
Yumuko na naman ako.
"Syempre gusto ko pong bigyan ng kumpletong pamilya si Dewy. Gusto ko siyang sumaya pero paano po pag hindi siya tinanggap at masaktan siya nang sobra? 'Yun po ata ang hindi ko kakayanin mommy."
"Kilala ba ni Dewy?"
Tumango naman ako at kinwento kung paano nito nalaman at ang insidente sa playground.
"Aba! Irereklamo ko ang mga batang iyon! Binully nila ang apo ko!"
"Highblood ka na naman mommy. Don't worry po hindi natrauma si Dewy sakanila. Thankful pa nga ang apo niyo dahil kung hindi raw siya binully ay hindi niya ako matatanong tungkol sa papa niya."
"Anong plano mo ngayon? I can tell it to him."
Mabilis akong lumingon dito at umiling.
"No, mommy. I'll find out po kung paano sasabihin sakaniya." Ito nalang ang sinabi ko dahil hindi ko rin alam kung magkaka-plano ba ako na sabihin ito sakaniya.
He must enjoying his single life tapos bigla akong susulpot na dala ang anak niya at bibigyan siya ng responsibilidad. Paano kung may gusto pala ito? Edi nasira ko pa ang love life niya. Ayokong maisumbat niya sa akin na sinira ko ang buhay niya. Ayokong masaktan si Dewy. ayoko.
"Hindi alam ng daddy mo kaya huwag kang mag-alala."
Ngumiti naman ako at sumandal kay mommy na hinimas naman ang ulo ko.
"Thank you, mommy."
"Pero boto ako kay Aries ha. Xerox na xerox sila ni Dewy. Sure kang ikaw ang nanay?" Pagbibiro nito.
"Mommy naman!"
Tinawanan lang ako nito at nanatili kami sa ganoong itsura.
Nagkwentuhan lang kami ni mommy nang kaunti pa at nagpaalam na akong matutulog dahil may pasok pa ako bukas.
"Mama, sama ako?"
Naka-upo sa kama si Dewy habang pinapanood akong mag-ayos para sa pagpasok sa trabaho.
BINABASA MO ANG
Love At First Thrust
RomanceDoes a one night stand can become a long time commitment? I believe it takes a minute to be starstruck and another minute to feel the emotion called love.