Dad told me na sinabi sakaniya ni mommy at huwag na raw akong magalit kay mommy dahil pinilit niya ito. Although nangako naman ito na walang sasabihin o gagawin kahit ano pero may doubt pa rin sa akin. Sana lang huwag nila akong pangunahan sa mga desisyon ko.
"Dewy?" Pagtawag ko sa anak ko ng makita kong wala na ito sa tabi ko.
Bumangon na ako at nagpunta sa banyo para mag-ayos ng sarili. Pagkatapos ay bumaba ako para hanapin si Dewy.
Ang aga naman niyang nagising.
"Anak? Dewy?"
Nakarinig ako nang maliit na boses na tumatawa sa pool area kaya naman doon ako dumiretso.
Nandoon nga ang singkit na bata. Maagang nagtatampisaw sa tubig. Dahil sa tabing dagat kami tumira noon ay marunong itong lumangoy. Mas magaling pa nga kesa sa akin.
"Mama!" Kumaway ito sa akin habang nagpapalutang-lutang sa tubig.
"Good morning, love!" Kumaway rin ako rito.
Kasama ni Dewy na nagsuswimming ang lolo niya at si mommy naman ay naka-upo sa couch sa lilim kaya naman doon ako tumabi.
"Anak, kumain ka na."
Binigyan naman ako ng pagkain ni mommy sa plato. May napapansin ako sa mga 'to ha.
"Mommy, bakit parang binebaby niyo ako ni daddy ngayon?" May pang-aakusa kong sabi.
Natawa naman ito at kinurot ang pisnge ko. "Baby ka naman talaga namin ng daddy mo. Kahit may sarili ka ng anak, ikaw pa rin ang baby namin. Hindi na magbabago 'yon."
I pouted. "Thank you, mommy. I love you."
Ginulo naman nito ang buhok ko at nakangiting nagsalita. "I love you most!"
Magana akong kumakain habang pinapanood ang mag lolo na lumalangoy. Tawa nang tawa si Dewy habang naglalaro sa tubig kasama ang lolo niya.
"Ang saya-saya ng anak mo at mas sasaya pa siya kapag...pinakilala mo na ang tunay niyang ama."
Nahinto naman ako sa pagsubo dahil dito.
"Alam ko naman po mommy. Naghahanap lang ako ng tamang oras para sabihin."
Ngumiti ito sa akin. "May tiwala ako sa'yo, anak."
Ngumiti naman ako. Nag-iisip kung sasabihin ko na ba o hindi. I need more time.
Umahon na rin naman sila Dewy sa pagsuswimming pagkatapos ng ilang minuto kaya naman inakyat ko na ito sa kwarto para paliguan at bihisan.
"Come here, love. Popolbusan kita."
Lumapit naman ito sa akin at masunuring nag-iintay.
Napatitig naman ako rito. Kahit anong titig ko talaga iisang mukha eh. Unfair.
"Mama, why are you pouting?"
"Why you don't look like mama?"
He giggled. "It's because I'm a boy and look like papa, mama."
I gasped. "You don't want to look like mama?" Sinapo ko pa ang dibdib ko na kunwari ay nasasaktan.
He chuckled and hugged me. "I look like papa but mama is Dewy's favorite!"
Napangiti naman ako at natawa dahil sa sinabi nito. Indeed a mama's boy.
Pinulbusan ko ito at sinuklay ang buhok bago inayang tumambay sa veranda ng kwarto namin.
"You don't have work, mama?"
"Nope. We will play today and go to your doctor later."
Nakita ko namang kinabahan ito kaya hinawakan ko ang kamay.
BINABASA MO ANG
Love At First Thrust
RomanceDoes a one night stand can become a long time commitment? I believe it takes a minute to be starstruck and another minute to feel the emotion called love.