Ni minsan ay hindi sumagi sa isip ko na darating ang araw na ito. Hindi ko naisip na dadating ang araw na aayusin ko ang burol para sa dalawang pinaka-importante sa buhay ko.
Hanggang ngayon nga ay umaasa akong didilat nila ang mga mata nila para ngitian ako at ipagluto.
"Kumain ka na muna."
Nilingon ko si Aries na may bitbit na pagkain para sa akin.
Binalik ko ang tingin sa magkatabing kabaong sa harapan ko. "Hindi ako nagugutom."
"Naalala ko kung gaano ka excited si mommy na magka-apo ng babae..." napangiti ako.
"Gustong-gusto niya para naman may mabihisan siya na parang manika. Masaya sana siya ngayon at nagluluto nang marami para icelebrate ang gender ng anak ko. Pero...w-wala na..." napatakip ako sa mukha ko ng muling tumulo ang mga luha ko.
"W-wala na sila...wala na ang mga m-magulang ko."
Naramdaman ko nalang ang braso ni Aries na nakapalibot sa akin habang iniiyak ko ang lahat ng bigat at sakit na nararamdaman ko sa puso ko.
Pangalawang araw na ng mga magulang ko. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa unang araw dahil ilang beses akong nawalan ng malay sa sobrang pag-iyak ko kaya ngayong pangalawang araw lang ako medyo nakatulong sa pag-aasikaso sa mga nakikiramay.
"Mare, ako na rito. Magpahinga ka nalang muna." Inagaw sa'kin ni Ferds 'yung tray na hawak ko pero kinuha ko rin ito sa kan'ya.
"Ako na. Kapag naupo ako ay kung ano ano lang ang maiisip ko. Gusto kong may ginagawa."
Kinuha ni Ferds ang tray sa akin at ibinaba saka ako hinila paupo sa unahan.
"Magpahinga ka. Sa tingin mo ba matutuwa sila tito at tita kung gan'yan ka?"
Tumingin ako sa mga mata nito, namumuo na ang luha sa mga mata ko. "Bakit hindi nila ako inisip kung ganon? Sa tingin ba nila natutuwa ako ngayon?"
Pinahid ko ang luha sa pisnge ko pero patuloy pa rin sa pagtulo ang mga luha ko. "Hindi ko naman ginusto na pagurin ang sarili ko pero sa t-tuwing mauupo ako sa harapan nila ay kung ano ano ang pumapasok sa utak ko. What if's are all over my head. Everytime I close my eyes, I see their faces, smiling at me."
Niyakap ako nito dahil hindi ko na naman nakokontrol ang emosyon ko.
Hawak ang dibdib. Ang naninikip kong dibdib sa tuwing maaalala ko ang mga magulang ko. "Ang sakit. Ang sakit sakit, Ferds...I lost both of them. Ni hindi ko manlang nasabi na babae ang magiging apo nila...hindi manlang ako nahahatid ni daddy sa altar...hindi pa ako nakakabawi sakanila. I miss them so much...I miss my mommy and daddy so much..." Iyak lang ako ng iyak habang nilalabas ang lahat ng sakit na nararamdaman ko. Even my tears are not enough to express how much I'm hurting right now.
All my life, sila na ang kasama ko. Mahihiwalay lang ako sakanila every fieldtrip sa school. They are with me when every single detail of my life. My first laugh, my first cry, my first wound, my first achievement, all of them, they witnessed it all before anybody else. When I got pregnant, they guided me all through out. Utang ko sakanila kung sino at ako ako ngayon. They never left my side until that day happened. 'Yung akala kong magiging pinaka masayang araw ko ay naging malagim na araw pala. I was so excited that day, akala ko mga nakangiti nilang mukha ang makikita ko pero duguang bangkay pala nila.
Pinilit ako ni Ferds na umuwi muna para makapag-pahinga kaya kahit ayaw ko ay wala akong nagawa kundi hayaan si Marie na ihatid ako sa bahay.
"Can you drop me at my parents house? Please?" Namamaos kong pakiusap. Pagod na rin ako sa kakaiyak pero 'yung sakit ay nandito pa rin.
BINABASA MO ANG
Love At First Thrust
RomanceDoes a one night stand can become a long time commitment? I believe it takes a minute to be starstruck and another minute to feel the emotion called love.