Nagising ako dahil parang hinahalukay ang sikmura ko at nagmadaling pumunta sa banyo para sumuka.
Wala naman akong nakain na pwedeng makasira ng tyan ko.
Nagdecide nalang ako na bumaba at magluto ng almusal namin.
"Hello, Maricel." Umpisa ko ng sagutin nito ang tawag ko.
"Hindi na muna ako papasok ngayon ha. Medyo masama kasi ang pakiramdam ko. Salamat."
Hindi naman ganoon kasama ang pakiramdam ko. Inaantok lang ako tsaka tinatamad kaya ayoko munang pumasok. Puro overtime naman ako nung nakaraan kaya okay lang siguro na magpahinga muna ako.
Habang nagluluto ay hindi ko mapigilan ang maghikab. Antok na antok ata ako ngayon eh ang aga ko naman natulog kagabi.
"Good morn--"
"Please, itikom mo ang bibig mo." Masungit na suway ko kay Aries.
"What did I do?" Nagtataka nitong tanong.
Hindi ko ito pinansin. Naiinis ako sakaniya pero hindi ko alam kung bakit. Presensya niya lang sapat na para uminit ang ulo ko.
"Si Dewy gising na ba?"
"Tulog pa. Bakit ang sunget mo?" He pout.
Inirapan ko naman siya dahil hindi ko rin naman alam kung bakit naiinis ako sakaniya.
Natapos akong magluto na hindi siya kinikibo kaya naman mukha itong kawawang bata habang pinapanood lang ako.
"Tigilan mo kakatitig sa akin, Aries. Tutusukin ko mata mo."
"Mata ko na naman napagdiskitahan mo."
Hindi ko napigilan ang sarili ko at kinurot ko ang mga mata nito.
"Aray! Why did you do that? Ang sakit kaya!"
Nginisihan ko lang siya at umakyat na sa kwarto para matulog ulit. Mamaya nalang ako kakain, gusto ko muna matulog.
Hindi na naman ako pumasok ngayong araw. Wala talaga ako sa mood pumasok.
"Aries ang baho mo." Sabi ko ng mapadaan si Aries sa gilid ko para kunin ang cellphone niya.
"Ako? Kakaligo ko nga lang. Mamahalin pa perfume ko."
Sumama naman ang mukha ko. "Ang baho nga kasi."
"Your weird. Lagi mo akong sinasabihan ng mabaho. Akala mo ba hindi masakit 'yon? Ikaw nga nag-uulam ng kalapati."
Binato ko naman siya ng unan dahil sa kalokohan nito.
"Mama, diba you told me na you like papa's perfume before?" Tanong ni Dewy na nakahiga sa tabi ko. Nanonood kami ng spongebob.
"Hindi ba masyadong matapang 'yung perfume ng papa mo? Sumasakit ilong ko eh."
My son just shrugged and continue watching spongebob.
Habang nanonood ay may naisip naman akong kainin kaya nagpaalam muna ako sa anak ko na pupunta lang sa kusina sandali.
Parang nagliwanag ang mata ko ng makita ang hinahanap ko. Yum!
It's sunday kaya nasa bahay lang si Aries. Naka-upo lang ako sa sala habang ngumunguya ng tumabi ito sa'kin.
"Saan tayo tatambay ngayon? Kila mommy or kila Eze nalang?" Naka-akbay ang kamay nito sa likuran ko.
Umiling ako. "Tinatamad ako. Sa bahay nalang muna tayo. I'm sleepy too."
Napatingin naman ito sa kinakain ko at nangunot ang noo.
"Yelo na may toyo? Hindi ba nangingilo ang ngipin mo?"

BINABASA MO ANG
Love At First Thrust
Storie d'amoreDoes a one night stand can become a long time commitment? I believe it takes a minute to be starstruck and another minute to feel the emotion called love.