"Couz! I'm here!"
Binagsak ko ang aking sarili sa couch dahil sa pagod. Kakatapos ko lang sa trabaho at dito na ako dumiretso. Medyo nakakapagod magdrive. Sa tingin ko ay kailangan ko na ng driver lalo na kung magpapabalik-balik na ako sa Bulacan simula ngayon.
Napangiti na naman ako ng maalala ang pagtatapat ko kay Ciello. I've got some nerves, huh?
Now, I can freely express myself to her.
"Anong nginingiti-ngiti mo? You look stupid."
Umupo ang pinsan ko sa couch sa harap ko bitbit na naman ang sanggol sa kaniyang mga braso at inihehele ito.
"Bakit hindi mo ihiga sa crib niya 'yang anak mo?"
Natutulog naman na kasi ito.
Hinihimas nito ang pisnge ng anak niya. "I can't. Nagigising siya kapag ibinababa ko siya at hindi naririnig ang boses ko."
Ngumiti ito at tumingin sa akin. "She's so lovely and she's a daddy's girl." May pagmamalaki sa boses nito.
"Yeah. Whatever." I rolled my eyes.
Naiinggit lang ako. I want to hold a baby too. A small baby like her.
"Bitter. Mag-anak ka na kase."
"You think it's that simple?" Tanong ko sakaniya at napailing.
"Having a child is not like having a cute toy that you can play with every time you want. It shouts great responsibility but great happiness at the same time. And wala nga akong girlfriend, anak pa kaya."
Humiga nalang muna ako at tinakpan ang mata ko. I'm tired.
"Kumain ka na ba?"
Umiling lang ako.
Narinig ko itong nagbuntong-hininga at papaalis na mga yabag. I guess umakyat siya ulit sa taas.
Should I text her?
Tinignan ko ang relo kong pambisig. It's 7 pm. Nasa bahay na siguro ito?
I get my phone from my pocket and start to type a message to her.
'Are you home?'
I hit send button before I close my eyes again.
"Let's go."
Umangat naman ang tingin ko sa pinsan ko.
"Where? I'm tired." Agad na reklamo ko.
He just gave me a bored look. "Bibili ako ng pagkain sa may restaurant sa tapat. Walang pagkain dito so get up. Nagugutom na ako."
Nauna na itong lumakad kaya naman napipilitan akong tumayo at sumunod dito.
"My car or your car?" Tanong ko dahil dirediretso itong lumabas ng gate.
"Mahal ang gas. Maglakad nalang tayo."
"What? I'm fucking tired, Ez!" Reklamo ko.
"Come on, medyo malayo ang lalakarin natin." Sabi nito na parang walang narinig.
Napapadyak nalang ako bago sumunod dito na nakabusangot ang mukha.
"Do you know that I'm from work? I went straight here after work! Tapos pinaglalakad mo pa ako eh pwede namang gumamit ng sasakyan." Patuloy ako sa pagrereklamo habang naglalakad kami.
"Sshh! Sinasayang mo energy mo sa pagrereklamo."
Sumimangot nalang ako at tahimik na naglakad.
Ang lukot kong mukha ay biglang nagliwanag ng makita ko ang sasakyan ni Ciello na paparating.
Pinarada nito ang sasakyan sa labas ng bahay nila at bumaba pagkatapos.
BINABASA MO ANG
Love At First Thrust
RomanceDoes a one night stand can become a long time commitment? I believe it takes a minute to be starstruck and another minute to feel the emotion called love.
