1

1.8K 26 3
                                    

"Oy! Bilis na kase punta na kayo! Nood kayo ng show namin sa Greenhills." pamimilit sa amin ng kaibigan naming si Klaire na nagsisimulang mag-artista habang magkaka video call kami.

"Hoy bakla! Hindi kabilang kanto lang ang Greenhills sa Bulacan no!" Pag-tataray naman ni Ferds, ang nag-iisang pusong babae sa amin.

"True! Tsaka saan kami matutulog aber? For sure aabutin kami ng anong oras na r'yan." dagdag na pagtatanong ni Jane, sa aming lahat s'ya ang pinaka-kaladkarin. Go lang ng go sa lahat ng lakad.

"Edi rito kayo matulog sa condo ko tapos ihahatid ko nalang kayo sa Bulacan kinabukasan basta manood kayo para bonding na rin, ilang months na tayong hindi nagkikita." pagpapa-awa pa nito sa amin. Simula ng mag drop s'ya sa school para ipursue ang pag-aartista ay hindi na namin s'ya nakita pwera nalang pag nagvivideo call kami or chat dahil sobrang busy na rin n'ya.

"Hay nako sige na nga! I'm in basta walang pasok sa school kinabukasan" pagpayag naman ni Marie.

"Yey! Thank you marie! O kayo? Bilis na!" Pumalakpak pa ito bago kami binalingan ng tanong.

"Sige na nga klaire, I'm in na basta ihahatid mo kami kinabukasan." Pagpayag din ni Mary. Pinakamatalino man s'ya sa amin pero s'ya ang may pinaka berdeng utak.

"Yown! Thanky Mary! O kayo? Chesca? Ferds? Cie?" Kaming tatlo nanaman ang huling tinanong dahil sa aming lahat kaming tatlo ang laging hindi nakakasama dahil hindi pinapayagan o may ibang lakad.

"Papaalam muna ako Klaire. Strict parents baka raw mawala ang maganda nilang anak eh." Tumawa ako pagkasabi ko ng biro ko. As usual 'yan ang lagi kong sinasabi.

"Loka-loka! basta hindi pwedeng kulang ha! Bye na muna magrerehearse na ulit kami. Love you guys!" Pagpapaalam nito bago nawala ang muka sa screen kaya isa-isa na rin kaming nagpaalam sa isa't-isa.

After we bid our goodbye's I went down to help in the kitchen. Syempre magpapaalam kailangan magsipag-sipagan. Pampa-good shot.

"Mommy, tulungan na po kita maghiwa." Nakangiting presinta ko bago kinuha ang kutsilyong hawak n'ya at nagsimulang maghiwa kahit hindi ko alam kung tama ba 'tong paghihiwa na ginagawa ko.

I saw how shocked she is. Looking at me with wide eyes while I'm slicing the carrots. I shook my head, I know I rarely help in the kitchen but no need to make it a big deal. I do know how to cook.

Nang makabawi sa gulat ay tinaasan ako nito ng kilay at may mapagbintang na matang tumingin sa akin at nagtanong.

"Saan at kailan? Gan'yan ka lang naman pag-magpapaalam ka eh. Nako Ciello, anak kabisado na kita." Pagtatanong nito habang naka krus ang mga braso sa dibdib.

Binitawan ko muna ang paghihiwa bago humarap sa mommy ko at nagpa cute. "Mommy kase diba, you know naman na may show si Klaire eh we want to support her." I said it on my sweetest tone.

"Where and when Ciello?" Masungit na tanong nito.

"Sa Greenhills po mommy." Tumawa ako ng kinakabahan.

"No." Mabilis nitong sagot. Ni hindi manlang pinag-isipan ang sagot.

I knew it. Bakit ba umasa pa ako na papayagan ako? Asa ka nalang, Ciello!

Bago pa ako talikuran ng aking ina ay lumuhod kaagad ako sa harap n'ya. "Mommy please! Once lang. Ngayon lang promise tsaka ihahatid din n'ya kami rito the day after the show--"

She cut me off.

"The day after the show pa?! Saan ka naman matutulog don aber? Nako delikado ron anak!" Dinig na dinig ko na sa boses n'ya ang pag-ayaw pero nagpumilit pa rin ako. Gusto ko talagang panoorin si Klaire and gusto ko rin lumabas. Buryong-buryo na ako sa bahay!

Love At First ThrustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon