"10,556 po lahat,"
"Ano?! Baka nadoble ka ng swipe ng item ha! Hindi tumama sa kwenta ko! Ulitin mo 'yan!"
"Ma'am, wala po akong nadoble ng swipe at sure po ako. Marami pa po kasi kayong kasunod eh."
"Ano?! Ulitin mo 'yan! Hindi ko iyan babayaran! Wala akong pakialam kahit umulit ka pa at matagalan!"
Napalingon ako sa babaeng sumisigaw. Hindi ito katandaan, siguro mga nasa 40's.
Lumapit ako dahil nakakakuha na sila ng atensyon.
"Good morning. Ano ho ang problema? Ako po ang manager dito."
Tinignan naman ako nito mula ulo hanggang paa na akala mo hinuhusgahan ang pagkatao ko pero pinanatili ko lang ang aking ngiti.
"Etong cashier niyo, mali mali kung magkwenta! Sisantihin niyo 'yan! Hindi ko iyan babayaran!" Dinuro-duro pa nito ang cashier na nakayuko nalang kaya kumunot ang noo ko.
Hindi ko nagugustuhan ang aling 'to.
"Magkano ho ba ang kwenta niyo?"
"6,000 lang. Eto ang listahan ko."
Pinakita nito sa akin ang listahan niya at talagang kumunot ang noo ko dahil sa mga nakalagay na presyo.
Binalik ko ang listahan nito at humarap. Wala na ang ngiti sa aking labi.
"Ma'am, may mga presyo ho ang mga item namin. Hindi niyo ho pwedeng sundin ang presyo na ginawa niyo. Supermarket po ito at may designated price po ang bawat item at iyon po ang masusunod. Kung hindi niyo po babayaran ay okay lang po but please do reflect on your behavior, ma'am."
"Wala ka lang pambayad! Umalis ka na nga!" Sigaw ng isang customer sa likod at nagsunod-sunod na ang iba sa pagpapaalis sa babae dahil masyado na nitong naaabala ang lahat.
Hindi ito makapaniwalang tumingin sa amin at napapahiyang naglakad palabas.
"Ma'am, sorry po."
Tumingin ako sa cashier at nginitian ito. "It's alright. Hindi mo kasalanan 'yon. Back to work everyone!"
Katulong ang limang staffs ay itinabi muna namin ang mga plastic bag na naglalaman ng mga item na hindi kinuha ng babae dahil kailangan naming tanggalin ito sa computer pa dahil na input na ito kanina.
Bumalik ako sa opisina dahil may tumawag sa akin na may naghihintay raw sa akin sa labas ng opisina ko.
"Aries."
Lumingon ito sa akin habang nakasandal sa pader at kumaway.
"Anong ginagawa mo na naman dito?" Tanong ko pagkalapit sakaniya habang nakahalukipkip.
May lagusan ba 'to para makapagpabalik-balik ng Bulacan?
"I just want to thank you for accompanying me that night." Nakangiti ito habang nakatingin sa akin.
Kinailangan ko pang kumurap ng ilang beses bago nagising sa nakakahipnotismo nitong ngiti.
"You're welcome. Need anything?" Pagtataray ko na naman dito.
"Anong oras ka uuwi? I can accompany you too."
Naglakad ako papasok sa opisina ko at sumunod naman ito.
"Mga 7 siguro. Huwag ka na mag-abala, umuwi ka nalang at baka gabihin ka pa masyado."
Naupo ito sa couch.
"May utang na loob ako sa'yo kaya kailangan samahan din kita. Ayoko ng nagkaka utang na loob sa mga tao."
Pinaningkitan ko siya ng mata. "Hindi ko naman sinabi na may utang na loob ka sa akin."
![](https://img.wattpad.com/cover/234688084-288-k595366.jpg)
BINABASA MO ANG
Love At First Thrust
Roman d'amourDoes a one night stand can become a long time commitment? I believe it takes a minute to be starstruck and another minute to feel the emotion called love.